CHAPTER 21

1715 Words
Chapter 21: The culprit “REMEMBER me, Meriah Amor. I’m Dr. Jaickel and glad to meet you, angel...” As if hahayaan ko pang maalala siya ng anak ko. No way in hell. This will be the last day na makita niya si Meriah dahil sinisiguro ko na hindi na ito mauulit pa. “What did you do this time, Meriah?” I asked her. Sinilip naman niya ang mukha ko at matamis pa akong nginitian. “Momma?” inosenteng tawag pa niya sa akin. “The keys, baby,” I told her and kissed her cheek. “Give it to me,” I pleaded and she shook her head. Suko na ako, mamaya ko na lamang ito kunin mula sa kanya. “Ano’ng ginagawa mo sa elevator kanina, hmm?” Umiling na naman siya sa akin at hindi na ako kinibo pa. Napabuntonghininga ako nang makita ang kamay niyang mahigpit na nakakuyom. Nandoon ang susi ng lalaking ‘yon. I know my daughter very well. Kapag may nagustuhan siya na isang bagay ay talagang hindi niya ito bibitawan at hindi mo makukuha mula sa kanya, hangga’t hindi siya mismo ang nagkukusa na bitawan ito. Kung kailan lang talaga niya gusto na pakawalan ito. Pagbukas ng elevator ay bumungad agad sa amin sina Red at ang mga tauhan pa namin. Sinamaan ko sila ng tingin isa-isa. Kulang na lang ay bumulagta sila sa sahig at nakikitaan ko naman sila nang takot. “This is just a kid but you didn’t take care of her. Please tell me. Are you doing your jobs right?” malamig na tanong ko sa kanilang lahat. Just infuriating how careless they are! “I’m very sorry, Senator Ferrara...” “Makararating ito kay Dad,” I warned them at nagsiyukuan silang lahat. At kapag nalaman ito ng daddy ko ay alam kong malalagot silang lahat. Hindi niya ‘to palalampasin. “Miamor, hon,” my Mom called me. “Mother...” I uttered her name at agad na dumapo ang tingin niya sa sutil na baby na buhat-buhat ko. “M-Meriah, my dear... Is she okay, anak? I-It was my fault kung bakit s-siya n-nawala mula sa amin...” kinakabahan na saad pa ni Mommy at kinuha niya mula sa akin si Meriah. Binuhat niya ito at sinuri ang katawan kung may sugat ba ito. “Oh, goodness! Namumula ang magkabilang palad niya! Are you Alright, baby? Honey? Saan mo ‘to nakuha, dear?” she asked her granddaughter. My daughter looked at me and smiled. “Good, Madey,” she replied at nakikigaya na naman siya sa akin ngayon. Tinatawag na naman niyang Mother ang Lola niya. “Ano ba talaga ang nangyari, Mother? Bakit po nasa elevator na siya?” kalmadong tanong ko sa aking ina. Ayokong ipakita sa iba ang totoong emosyon ko. “Sumakay kami kanina sa elevator at nagpababa siya para lang din sumandal sa wall nito. Tapos nang bumukas na ay ibang bata na ang hawak-hawak ko at hindi ko na makita pa si Meriah. I’m so worried about her, anak... So...it was my fault... Ako ang naging pabaya.” I sighed. I just heard my Mom’s explanation pero ang takot at pangamba ko sa mangyayari kanina ay nandito pa rin. Hindi ko maiwasan na mangamba dahil baka may pagkakataon pa na mangyayari ulit ‘yon. “Mom... It’s alright po and I just hope next time po ay hindi na mawawala sa paningin niyo si Meriah. I was scared when I saw her inside the elevator, Mom...” I told her at may namumuong luha agad sa sulok ng mga mata niya. Punong-puno ng pagsisisi ang mga iyon. “I’m so sorry, love... Hinding-hindi na talaga ako magiging pabaya pa next time. I promise you that, Miamor,” she said. “But s-saan mo ba siya nakita?” she asked me confusedly. I remembered the scene awhile ago. Kaya pala hindi agad pumasok sa loob ng elevator si Jaickel dahil unang nakita niya si Meriah na palabas pa lamang at kung hindi dahil sa kanya... I shook my head, ayokong isipin na iniligtas niya ang anak ko. Dahil alam kong kusa ring hihinto ang elevator kapag may tao na ang palabas. Nagkataon lamang na bata ang sakay no’n at napakabagal pa niyang maglakad. “When she stepped out from the elevator, Mom,” I answered and she found her Dad... “God... Meriah... I’m so sorry, dear...” Humalik lang sa pisngi niya si Meriah at wala yata talaga siyang napapansin sa ginawa niya. “Sowwy, Madey...” “Mom, ikaw na muna po ang bahala kay Meriah. May aasikasuhin lamang kami ni Red,” paalam ko sa kanya at matunog na humalik ako sa pisngi ng baby ko. “Alis muna si Momma, my Amor. Don’t do that, again okay? Para hindi na mag-worry pa si Mommy,” sabi ko sa kanya. Inabot naman ng maliliit niyang kamay ang pisngi ko at tinitigan ako nang maayos. “'Di na po... Peyo ayis ka po, Momma?” inosenteng tanong pa niya sa akin. Napangiti ako and I nodded my head. She knows that I’m leaving. “I’ll be back, baby,” I said at mukhang naintindihan na niya ako kaya kinawayan na lamang niya ako. “Bye, Momma...” I kissed the back of her hand at si Mommy naman ang hinalikan ko sa cheek. “Sige po, Mom. We’ll go ahead.” 'Saktong pagtalikod ko ay siya namang kaharap ko si Jaickel. Nabigla man ako na makita siya ay hindi na lamang ako nagpahalata pa. Nagsimula akong maglakad. Hindi ko na siya pinansin pa at nilagpasan ko na lamang siya. Ganoon din naman kasi ang ginawa niya at isa pa... Sa ibang direksyon siyang nakatingin at hindi sa akin. I rolled my eyes. Kung saan-saan na naman umaabot ang pag-iisip ko. “Dr. Jaickel, kayo po pala...” “Magandang araw po sa inyo. Kumusta po ang pakiramdam niyo?” Sobrang bait niya sa mga pasyente, ha. Tapos ako? Malapit ko na siyang sakalin--oh... Nasakal ko na pala siya kanina. Nahirapan siyang huminga kanina pero wala man siyang ginawa kundi ang hayaan lamang talaga ako. “Si Senator Ferrara po iyon, kilala nyo po Doc?” narinig kong tanong ng isang pasyente kaya napahinto ako sa paglalakad. Nilingon ko sila at nakita ko rin ang naguguluhan na pagtitig ni Mommy sa doctor na ‘to. “Senator Ferrara?” he asked at bago pa niya ako mahuli na nakatingin sa kanya ay tumalikod na ako. Nagsimula ulit akong maglakad kasabay nang pagsambit niya sa mga katagang ‘yon. “I don’t know her...not until I dumped with her.” Tumaas ang kilay ko. Dumped? Ha! “Let’s go, Red. Si Dad ang pupuntahan natin ngayon.” “That’s good. Hinihintay lang ni President Ferrara na puntahan mo siya para makausap ka na. *** “This early morning po, Father. May isang kahina-hinalang saksayan po sa parking lot and the driver, ako po yata ang target niya or maybe tama rin po ang hula namin ni Red. Kasi when the driver saw us...ay agad niyang pinaandar ang kotse niya. But he failed sa misyon niya na sagasaan ako. Nakaiwas po kami agad. Poor him,” paliwanag ko sa aking ama. Kanina pa siya seryoso si Dad at nakikinig lamang sa paliwanag ko. Nasa loob kami ng office niya. Nakaupo siya sa single-sofa habang nakapangalumbaba gamit ang magkasiklop niyang mga kamay. May laptop sa center table at pinapanood namin ang CCTV footage na nangyari kanina sa parking lot. Kumuha rin kami ng copy noong pasakay pa lamang ang culprit sa kanyang kotse at hindi namin makilala dahil nakasuot ito ng itim na sumbrero. Black jacket and in short talaga ay naka-black outfit siya. Malamang sinadya naman niyang gawin ito at para hindi siya makikilala. It’s good din na nakakuha agad si Red ng mga copy nito dahil baka maunahan pa kami. Magagawa nila itong burahin agad. Hindi pa rin naman kami makasisigurado na kung sino ang nasa likod ng may pakana na saktan ako. “Nakuha niyo ba ang plate number ng itim na sasakyan na ito?” tanong ni Dad at hinarap ko naman si Red. May napala kaya siya sa paghahabol niya kanina? Ayaw niyang magpapigil, eh. Kaya kitang-kita rito ang mabilis niyang pagtakbo. “Yes po, President Ferrara,” sagot ni Red at ibinigay niya ang isang kapirasong papel na siguro ay isinulat na niya roon ang plate number. “Good. For now, ipaaasikaso ko ‘to sa isa kong tauhan.” “Ano po ba ang gagawin niyo sa kanya kapag nahanap niyo ang taong ‘yan, Father?” I asked her. Curious ako sa gagawin niya kung sakaling mahuli namin ang culprit. “You will know later and about the scandal...” “Dad, do I need to do that? Ang mag-public apologize po talaga sa isang doctor na ‘yon? Wala po akong gina--” “You need to do that, Senator Ferrara,” malamig na sabi niya at umikot ang eyeballs ko. Kailangan ko nga talagang gawin iyon? “Do the public apologize para humupa na ang issue niyo ng doctor na ‘yon. Alang-alang sa reputation at pangalan mo,” he added. Napayuko ako at bumuntonghininga. “Mukhang wala na rin po akong magagawa para riyan. Kailangan ko na ngang gawin iyon,” sabi ko at nasa boses ko talaga ang napipilitan lang. “Yes, do that and also... How are my granddaughter? I heard what happened.” Si Mommy yata ang nagsabi sa kanya tungkol kay Meriah. Palagi naman, kung nagkakaroon ng problema. Tiyak ako na napakiusapan siya agad. “She’s fine, Father. Na kay Mommy na po siya,” I answered. “I doubled the guards next time na lalabas sila ng Mommy mo. Sige na, puwede na kayong umalis.” Sabay kaming yumuko ni Red sa kanya saka kami lumabas. “Kailangan ko ba talagang gawin ‘yon sa kanya, Red? Hindi naman ako ang nauna, ‘di ba? Hindi ako ang dahilan ng issue na ‘yon. Pakana niya...pakana niya ang nangyari. Alam ko. Sinisiraan na niya ako, eh,” malamig na sabi ko. A/N: Mas active po ako sa f*******:, so hanapin niyo po ang f*******: page ko, Lyn Hadjiri’s Stories
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD