CHAPTER 20

2760 Words
Chapter 20: Amor & her Daddy PAIKA-IKA pa akong naglakad at nang may nakapapansin sa akin ay pekeng ngumingiti na lamang ako sa kanila. Mamaya niyan ay baka nasa TV NEWS na naman ako o kaya nasa social media na. “Good morning,” I greeted them. “Good morning din po, Senator Ferrara,” they greeted me back. Inayos ko na ang paglalakad ko para hindi na ako mapansin pa. It’s good na hindi nila hinahayaan na may media ang makapapasok dito. Dahil sa lalaking iyon. “What are you doing?” narinig kong tanong niya. See? Kahit hindi ko na siya tingnan pa ay kilala ko na agad ang may-ari ng boses. “Sinusundan mo ba ako? Magpa-public apologize ka na ba kaya ka nandito?” sunod-sunod na tanong pa niya sa akin. Ang yabang, ha. Umigkas naman pataas ang kilay ko at natawa pa ako nang mahina. Para sa akin ay isang biro lamang ang pinagsasabi niyang iyon. Ako? Magpa-public apologize na? In his dreams, dude. Taas noong tiningnan ko siya at muli akong napangisi. “Sorry ka, doc,” ani ko at blangko na naman ang ekspresyon ng mukha niya. Minsan talaga ay hindi ko siya maintindihan. Nang sinubukan kong humakbang ay napatingin na siya sa paa ko. “Why do you need to wear your high heels kung alam mo na may maghahabol sa ‘yo?” tanong niya. Mga media yata ang tinutukoy niyang humahabol sa akin. Isa pa, siya ang unang gumawa ng eskandalo at hindi ako. Ang dapat ay siya lang ang hahabulin ng mga iyon at hindi ako. Sasagot pa sana ako nang humarap na siya sa elevator dahil bumukas na iyon. Hinintay niya lang din na may lalabas pero nanatili itong nakabukas. Hindi ko rin alam kung bakit natigilan siya at walang balak na pumasok dahil mukhang wala namang tao ang lalabas pa. Magsasara na sana ang elevator nang mapatingin ako sa baba. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ko si Meriah. Dahan-dahan ang paglalakad niya at napahawak ako sa dibdib ko dahil parang aatakehin ako sa takot. Hindi pa siya tuluyang nakalapit sa pintuan kaya posible siyang maipit nito. Goodness, ang baby ko! “Meriah!” I called out her name. “Shet!” Mabilis na lumapit si Jaickel sa anak ko na dahil din sa gulat nito ay nawalan ito ng balanse at napatili pa ito. Lumapit din ako roon para pindutin ang elevator. Nang bumukas naman ‘yon ay ang malakas na pag-iyak ni Meriah ang umalingawngaw sa hall ng hospital. Kusang tumulo ang mga luha ko dahil sa nararamdaman na takot. “A-Ae you alright, baby, Amor?” I asked her worriedly as I cupped her cheeks. Napatingin siya sa akin at matulis ang kanyang labi dahil sa pag-iyak. Naglahad siya agad ng kamay sa akin at hindi na ako nagdalawang isip pa na buhatin siya and I hugged her tight. “M-Momma...” humihikbing sambit niya. Siguro ay nagulat siya sa biglaan kong pagtawag sa pangalan niya. “I’m sorry, my Amor... Shh... M-Momma is here, honey... Don’t cry,” pag-aalo ko sa kanya habang pinapatakan ko ng halik ang noo niya. Nakahilig siya sa dibdib ko at talaga namang natakot siya. Mabilis ang pintig ng puso niya. Ako pa yata ang mauunang hihimatayin kapag... Oh, God... Ni hindi kayang tanggapin ng sistema ko ‘yon. “M-Momma...” “Nasaan si Mommy? B-Bakit nandoon ka sa elevator, Meriah? P-Paaano ka napunta roon, ha? You scared the hell out of me, dear...” sambit ko sa kanya pero ang pag-iyak niya lang talaga ang naitutugon niya sa akin. Hindi ko pinansin pa ang mga taong napapatingin sa gawi namin at parang nakalimutan ko rin kung sino ang nasa harapan namin ngayong mag-ina. Dahan-dahan pa ako nag-angat nang tingin sa kanya. Titig na titig siya sa anak ko pero paminsan-minsan ay napapasulyap din siya sa akin. Kung kanina ay blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya ay ngayon kakaibang kislap na sa mga mata niya ang mababasa at pagkabigla? “Ano pa ang ginagawa mo rito?” malamig na tanong ko sa kanya. “L-Let me check her...” sabi niya na may pakikiusap sa tono. Kahit nananakit ang paa ko ay nagawa kong humakbang paatras para lamang hindi siya makalapit sa amin. I won’t let him. “No need. Maraming doctor dito ang puwedeng tumingin sa kanya,” matabang na saad ko. Pero ang tingin niya ay nakikiusap talaga siya. Hindi ko siya maintindihan kung bakit nagkakaganito na siya. “Please, let me check her. Concern lang ako bilang doctor. Nakita ko mismo ang pagbagsak niya sa sahig. Naitukod niya ang magkabilang palad niya at tumama rin ang binti niya,” paliwanag niya na ikinabahala ko naman. Kaya ba hindi tumitigil sa pag-iyak ang anak ko? Kaya ba siya ganito na tila may sakit siyang dinaramdam? “My Amor, baby...” Kaya ko namang ipagpapaliban ang galit ko sa kanya ngayon. Okay, alang-alang sa baby ko ay ibababa ko muna ang pride ko pero sisiguraduhin ko na ito na ang huling beses na mahahawakan niya si Meriah. Kahit siya pa ang ama nito ay para sa akin ay wala na siyang karapatan pa at ipangangako ko na hindi na rin niya malalaman pa iyon. Mabigat sa loob ko ang ibigay ko siya sa Daddy niya. Tila isa akong bata na takot maagawan ng isang laruan, na kahit ang ilipat ko ang anak ko sa bisig niya ay sobrang bigat pa. Nang hawakan na nga niya ang braso nito ay hinigpitan ko lang ang pagyakap ko kay Meriah. Napansin niya ang tila wala akong tiwala sa kanya na wala siyang gagawin sa bata. “I won’t hurt her...” marahan ang boses na sabi pa niya. Bumuntonghininga ako at hinayaan ko na siyang makuha ito. “Shh... Everything is gonna be alright,” pagpapatahan pa niya rito pero nagdadabog lang ito. “I won’t hurt you...” he said and Meriah tried to look at him. Saglit na tumahimik siya pero lukot na lukot pa rin ang mukha niya. Ibinaling pa niya sa left side ang mukha niya para lamang makita niya ito nang maayos at ganoon din ang ginawa ni Jaickel. Unti-unti namang tumingin sa akin ang aking anak at nagsimula ulit siyang umiyak nang makita ako. “Mommy...” sambit niya na naiba na naman ang pagtawag sa akin. Hindi ko pinansin ang pagkatigil ng doctor nang marinig ang itinawag sa akin nito. Naramdaman ko pa ang pagsulyap niya sa akin pero hindi ko siya tinapunan nang tingin. He’s not important. “Dear... You’ll be fine... Let him check you, Meriah...” malambing na sabi ko sa kanya pero ilang beses siyang umiling. Marahan na tinapik-tapik pa niya ang dibdib nito, sa paraan na iyon ay alam kong tinutulak niya at ang kanang kamay naman niya ay kumakaway, senyales na gusto niyang lumapit ako sa kanya at kunin na siya mula rito. “N-No... Momma, no...” nakikiusap na sambit pa niya at sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha niya sa pisngi. I glanced at Dr. Jaickel. Maski siya ay walang magawa kung paano niya patatahanin ang anak ko. Tahimik na pinagmamasdan niya lamang ito. Dumating si Red at agad kaming nilapitan nito. “Ano’ng nangyari?” tanong nito agad sa akin kaya hinarap ko siya. “Hanapin mo si Mommy, Red. Tanungin mo kung bakit nasa elevator na si Meriah. Pinabayaan ba nila ‘to?” may kalamigan ang boses na sabi ko. “Nasa elevator na? Delikado ‘yon,” nag-aalalang saad niya at tiningnan pa ito. “Pero bakit siya umiiyak?” “Sasabihin ko mamaya. Sige na, hanapin mo na si Mommy,” saad ko at itinulak ko pa siya papasok sa elevator. Muli ko namang hinarap ang dalawa at nagulat pa ako nang makita ko ang pananahimik agad ni Meriah Amor. Hindi na siya umiiyak pa at kaunting pagsibi na lamang ang ginagawa niya habang may hawak siyang isang bagay. Pinaglalaruan pa niya ito at kapag naririnig ko ang mahihinang pagsinghot niya ay parang pinipiga ang puso ko. Paano siya nakapasok sa elevator? Paano na lang kung may nangyari masama sa kanya? “Hmm? Dizz... Key?” narinig kong tanong pa ni Meriah at inosenteng pinaglalaruan lang talaga ang bagay na ‘yon. “Yes, you’re right. It’s key...” “Keys, one... Two, thye...” “Wow... You know how to count already...” namamanghang sambit pa niya. *** HALOS ang mga gamit niya sa loob ay mamahalin lahat kaya hindi ko maiwasan ang mapairap. Nasa loob kami ng clinic niya, masasabi kong hanggang ngayon ay napakaarte pa rin niyang lalaki. Well, natural naman na malinis ang working place natin pero sa kanya? Kailangan pa ng mamahaling mga gamit sa loob at mapapaawang talaga ang bibig mo. Ayos pa kung hindi malalaglag ang panga mo sa sahig sa pagkamangha. Malamig sa clinic niya dahil sa aircon nito. “`No ka?” Nailipat ang tingin ko sa kanila nang marinig ko ang boses ng anak ko. May sofa rin sa loob nito at doon siya nakaupo habang nasa lab niya si Meriah. Sinusuri niya ang magkabilang binti nito at nakita ko lang ang pamumula ng balat niya. Nilalagyan na rin niya iyon ng ointment at seryoso pa siya sa ginagawa niya. Sana lang iyon lang ang natamo nito. At si Meriah naman ay abala sa pagtingin sa kanya. Nakasandal siya sa dibdib nito at kahit nahihirapan na siya ay tinitingala pa rin niya ito. Kunot na kunot pa ang kanyang noo. Nasa kamay pa rin niya ang bagay na nagpatahan sa kanya. Susi nga ‘yon na may pendant ng isang maliit na tao, duwende--ewan ko kung ano ang tawag no’n. Na-cu-cute-an lang ito dahil nakasuot din ng doctor’s robe. “`No ka po?” muling tanong ni Meriah nang hindi siya sinagot nito sa unang tanong niya. Ang sinabi niya ay ‘sino ka po?’ tinatanong niya ang pangalan nito. “`No ka, hmm?” pangungulit na tanong pa niya at hinila-hila pa niya ang collar nito. Curious na bata talaga siya, eh “I’m Dr. Jaickel,” sagot nito at napataas ang kilay ko. Paano naman niya naintindihan ang tinanong sa kanya ng baby ko? “Hmm, doc... Jaykey?” pag-uulit na tanong ni Meriah. Kahit na hindi niya nabigkas ng tama ang pangalan nito. Tumango naman ang doctor at nakita ko pa ang maliit na pagngiti niya. Naikuyom ko ang kamao ko. Hindi sila puwedeng maging close ni Meriah! Never! Hindi ko talaga hahayaan iyon. Tumayo naman ako. “Tapos na ba? Aalis na kami ni Meriah. Paano ako magbabayad ng serbisyo mo?” malamig na tanong ko sa kanya at napahinto naman siya sa ginagawa niya. Nag-angat siya nang tingin sa akin at nagtama naman ang aming mga mata. Malambot na naman ang facial expression niya. “You don’t need to pay my service. I checked her because I want to,” he said and I rolled my eyes. “Wow, nanlilibre ka na ngayon ng bills ng mga pasyente mo?” I mocked him at napahinto naman ako nang hinila ni Meriah ang laylayan ng coat ko. Inilapit niya ang hintuturong daliri niya sa labi niya na tila sinisita niya ako na huwag magsalita o manahimik muna. Tapos hayan na naman siya sa pagkaway niya sa akin. I sighed at lumuhod ako para pantayan ang mukha niya. “What is it, Meriah?” I asked her. She pouted her lips and pointed the keys. “Amoy want dizz Momma...” sabi niya sa akin at dinala pa niya ‘yon sa dibdib niya. I frowned. Isang maliit na duwende nga ‘yon. “We can buy you a new one, Mer--” “Amoy want dizz, Momma...” she said again. “Honey, may doll ka na, ‘di ba?” nanlalaking mga matang tanong ko sa kanya at gumaya naman siya sa reaction ko. Saka siya suminghap. “My day, Momma?” tila nagugulat na tanong niya rin sa akin. Napatango ako kaya sa pagkakataon na iyon ay nakuha ko na siya mula sa lalaking ito. “Thank you for checking my dau--sister...” sabi ko at tumikhim. Muntik na akong madulas. Muntik na, muntik na talaga! “You’re welcome and here.” Napatingin naman ako sa ointment na hawak niya. May balak yata iyong ibigay sa akin. “Marami kami niyan sa bahay. Hindi na kailangan,” seryosong saad ko. Umiling naman siya. “Gamutin mo ang kamay mo,” kaswal na sabi niya lamang. “At bakit naman?” masungit na tanong ko. “May galos. Kailangan mong malagyan agad ng ointment,” sabi pa niya. Para hindi na humaba pa ang usapan namin ay kinuha ko na lamang iyon at itinago ko na lamang iyon. Ang daming napapansin. Para makaalis na talaga kami rito. Ang hirap huminga sa teritoryo ng isang taong kinamumuhian mo at pinakaayaw mo pang makita. Kahit na...fine nakasubaybay pa rin ako noon sa buhay niya pero ngayon ay hindi na. Napairap pa ako nang nagmamadali siyang lumapit sa pintuan at binuksan niya ‘yon. Kailangan pa ba talaga niyang gawin ‘yon? Grr. “Thanks again,” ani ko saka kami lumabas pero nagsalita na naman siya. “By the way, nasa kapatid mo ang susi ng kotse ko at ang condo ko rin. Hindi ko naman puwedeng kunin ‘yan sa kanya dahil baka iiyak na naman siya,” saad niya at tiningnan ko ang duwendeng iyon. Mahigpit ang hawak ni Meriah sa susi at mukhang naintindihan niya ang pinag-uusapan namin dahil sa akin na siya nakatingin. “Meriah...” sambit ko sa pangalan niya at may tatlong susi nga iyon, ayon sa bilang niya kanina. “Huwag na. Sa kanya na muna. Saka mo ibabalik sa akin kapag binitawan na niya,” aniya. “Ipinagkakatiwala mo sa amin ang susi ng kotse at condo mo?” tanong ko at mariin na naitikom niya ang kanyang bibig. “Aanhin niyo naman ang kotse at condo ko? Marami kayong ganoon. I don‘t think so kung pag-i-interest-an pa ba niyo ‘yon,” balewalang sabi niya. “Puwede kong kunin ito mula sa kanya. Meriah?” “Hmm, Momma?” tugon niya at mabagal na ang pagkurap niya. Inaantok na yata siya. Namumugto ang mga mata niya. “I told you before, ‘di ba bawal tayong manguha ng things na hindi naman sa atin?” tanong ko sa marahan na tanong para maintindihan niya ang pinagsasabi ko. She took a glance at the keys and pinindot-pindot niya ‘to. “Dizz, Momma?” tanong niya at idinikit niya ang susing iyon sa pisngi niya. Hinila ko ang kamay niya. “It’s dirty,” I told her at napasimangot naman siya. “Ibalik mo na sa kanya, Meriah. May doll ka na, right?” Itinaas niya ang kamay niya at wala na ngang kahirap-hirap na makukuha ko iyon mula sa kanya nang hindi na siya iiyak pa. Dahil kusa niyang ibinigay ‘yon pero nang akmang kukunin na ni Jaickel iyon, nang mabilis niyang binawi ang kanyang kamay at itinago niya ‘yon sa dibdib niya saka niya ito tinalikuran. “Bakit kasi ibinigay mo pa sa kanya?” naiiritang tanong ko sa kanya. Paano na namin ito makukuha? “H-Hindi ko ibinigay,” tanggi pa niya. “Maghintay ka. Ibabalik ko ‘to sa ‘yo kapag binitawan na niya,” ani ko at pumihit na ako patalikod. “Bye, doc...” I stilled when my daughter uttered a words again. Okay, sinabi man ng lahat na special child siya ay alam ko naman na matalinong bata si Meriah. Kahit minsan ay spoiled brat talaga siya. I don’t complain naman, at mabilis niyang naiintindihan ang mga tao sa paligid niya. Kaya natatawag na niya itong doc, dahil parang alam na niya ito. “Bye... Hmm, what’s your name, again baby?” he asked my daughter. Nanatiling nakatalikod ako at sila ang magkaharap ni Meriah. My grip on her back, tighten. I heard his footsteps and he walks closer to us. “I’m... Meyiah Amoy...” “Meriah Amor?” pag-uulit niya at bakit ba niya nakukuha ng tama ang mga sagot ni Meriah? “Yah, Meyiah Amoy...” tumatangong sabi pa nito. Namamanhid ang batok ko nang maramdaman ko na talaga siya na malapit sa likod ko at parang niyayakap lamang ako ng apoy. “Remember me, Meriah Amor. I’m Dr. Jaickel and glad to meet you, angel...” sabi pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD