Chapter 19: Caught, kiss and girlfriend
BAGO pa man ito makalapit sa amin ay dahan-dahan naman akong humakbang paatras at siya ring pagbilis ng kanyang pagmamaneho, nang makita niya na nakahahalata na rin ako. Alam ko naman ang gagawin nito.
“Parang may mali, Miamor...”
Hinawakan ko ang kamay ni Red at hinila siya para hindi kami mabangga no’n. Pareho kaming bumagsak sa sahig. Napadaing pa ako nang tumama ang likod ko sa hood ng saksayan at agad itong nag-ingay. Si Red naman ay nakadagan sa akin ang kalahati ng katawan niya pero mabilis siyang bumangon.
“Dito ka lamg. Susundan ko siya!”
“Red!” sigaw ko sa pangalan niya dahil balak pa niyang habulin ang kotseng iyon. “Huwag mo nang sundan pa, Red!” sigaw ko at pilit kong itinayo ang sarili ko kahit nananakit nga ang likod ko. Napatingin pa ako kaliwang palad ko na may galos na. Naitukod ko ito kanina sa floor. ”Red naman!”
Tumakbo rin ako para habulin siya at pigilan sa binabalak niya. Wala namang nangyaring masama sa amin pero bakit kailangan pa niyang humabol sa taong iyon? Alam ko naman na may gustong magpahamak sa akin at planado rin iyon. Hindi lang ako sure kung sino siya. Basta ang alam ko may binabalak silang masama laban sa akin.
“Red! Bumalik ka rito!” Halos paikot-ikot lang naman siya para makadaan lang at nang walang humaharang sa kanya.
“Huwag mo na akong sundan pa! Bumalik ka na lang sa kotse!”
“Red, ano ba?! Bumalik ka na lang dito!”
Nanlaki pa ang mga mata ko nang may asul na saksayan din ang paparating sa direksyon ko at dahil sa gulat ko ay hindi ko na naiwasan pa ang tumabi man lang. Sa pag-atras ko ay natapilok pa ako dahil na rin sa taas ng heels ko. Napangiwi pa ako nang bumagsak ang pang-upo ko sa sementado at mariin na napapikit dahil sa liwanag.
Alam kong makaliligtas pa ako dahil ang nakabibinging sagitsit ng sasaksayan lang ang narinig ko sa paligid. Masakit sa tainga ang ingay nito.
Pasimple kong pinunasan ang pawis ko sa noo. Pinagpawisan ako sa katatakbo ko at sa paghabol ko kay Red. Nang maalala ko naman siya ay nagmamadali akong bumangon.
Tumingin pa ako sa direksyon nang pinagtakbuhan niya kanina at nang akmang aalis na rin ako nang may humila sa braso ko para lamang pigilan ako. I moved it fast at bumaliktad ako sa kanya para sana i-corner din siya nang hindi ko na siya tinutulak pa pero naramdaman ko rin ang mabilis niyang pagkilos.
Sa halip na ako ang ko-corner sa kanya ay ako pa ang hindi nakagalaw. Malakas na tunog ng hood niya ang maririnig at bumagsak doon ang katawan ko. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko dahil tatama sa salamin ang ulo ko pero hindi naman iyon nangyari pa dahil naramdaman ko ang kamay niya sa likod mismo ng ulo ko.
“Aw...” narinig kong mahinang daing niya at napatingin ako sa mukha niya. My heartbeat suddenly become wild.
Nakahawak ako sa kaliwang braso niya habang ang isang kamay ko naman ay nasa collar niya at sa paraan na ‘yon ay nahihila ko siya palapit sa akin. Kaya nararamdaman ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking mukha.
Sinadya niya ngang ilagay ang kamay niya sa bandang ulo ko para hindi ako masaktan at nakahawak din siya sa baywang ko. Dahil ‘yon sa gusto niyang ibagsak ako sa kotse niya at nasa ibabaw ko pa siya.
I tried to push him bago pa man niya makita ang mukha ko pero hindi ko na nagawa ‘yon dahil nakilala na nga niya ako at pinipirmi niya ako sa sasakyan niya. Hindi na ako nakagalaw pa.
“What the fvck are you doing? Umalis ka nga riyan. Ang bigat-bigat mo kaya!” asik ko sa pagmumukha niya at hindi ko talaga siya makikitaan ng gulat na reaction dahil nakatitig lang siya nang diretso sa mga mata ko. Tila may hinahanap siya roon.
Nakaluhod naman siya pero ramdam ko pa rin ang bigat niya. But dàmn it, dude. Sa halip na makita ko nga na nagulat siya ay ang mababasa ko lang na emosyon niya ay walang gana?! Na parang bored na bored pa siyang makita ako ngayon?!
Binitawan niya rin ang balikat ko at itinukod niya iyon sa gilid ng ulo ko kaya hindi ko naman sinasadyang hilahin nang tuluyan ang collar ng coat niya.
My eyes widened in shock nang maramdaman ko ang pagdampi ng mainit na labi niya sa akin. Mas lalo lang naging wild sa loob ng dibdib ko ang puso ko.
Inipon ko ang sapat na lakas ko para itulak siya and I did naman this time, na hindi na ako nagkakamali pa. Umupo ako sa tiyan niya nang siya naman ang nakahiga sa hood at hinawakan ko siya sa leeg niya. Napaubo siya dahil sa pagkakasakal ko sa kanya. Pero hindi naman siya nagprotesta pa. Ewan ko ba sa kanya.
“Sinadya mo ‘yon, ano? Ang kapal ng mukha mo para halikan ako!” malamig na sigaw ko sa kanya.
“W-What? A-Ano’ng sinadya ko? H-Hindi ako ang humalik sa ‘yo! Ikaw ‘yon!” sigaw niya rin sa akin pero humigpit lang ang kamay ko sa leeg niya.
Namumula naman ang mukha niya, hindi ko alam kung nagagalit na ba siya sa akin, kasi hindi ko naman mabasa ang ekspresyon niya, eh. Halos lumabas naman ang mga ugat sa kamay ko dahil sa paghigpit nito.
“Sinadya mo talaga ‘yon. Alam ko...” mariin na giit ko pa rin sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at sinubukan niyang tanggalin ‘yon pero sa paraan na hindi naman siya magiging marahas sa akin. Napangisi ako.
“I am not... I-Ikaw ang humila sa akin...ikaw ang humalik sa akin...” Dahil sa narinig kong sinabi niya ay dalawang kamay ko na ang ginamit kong pagsakal sa leeg niya.
“Talaga? Ako ang humalik sa ‘yo? Aalis na sana ako pero pinigilan mo pa ako!” reklamo ko.
“I-Ikaw ang nauna... Gusto mo pa yatang magpakamatay, eh... Nakaharang ka...ackk!”
“A-Ano’ng ginagawa niyo?” tanong bigla sa amin ng hindi kilalang tao at napatingin ako roon para lamang mabilis na nag-iwas. May dala siyang camera!
“Si Senator Ferrara nga siya!” Umalis ako sa pagkakaupo ko sa tiyan ng lalaking ito at isa lang naman ang naisip ko sa mga oras na ito. Ang tumakbo palayo, ang tumakas but I failed again. Dahil sa suot ko na namang heels at naramdaman ko agad ang kirot sa talampakan ko.
“Stop it,” narinig kong suway niya at walang tigil ang mga ito sa pag-flashed ng camera nila.
“Dr. Jaickel, gusto po naming ma-interview si Senator Ferrara.”
“Pagbigyan mo na po kami, Dr. Jaickel.” I rolled my eyes nang marinig ko ang sunod-sunod na pakikiusap nila sa doctor na ito.
“No. She’s not the senator,” malamig na sabi nito at naramdaman ko pa ang pagbungkos niya sa ulo ko.
Napasinghot ako at nanuot sa ilong ko ang pamilyar na pabango niya. Aba’t hindi pa siya nagpalit ng brand ng perfume, ah? Dapat matagal na niya itong pinalitan!
“Pero, doc... Nakita ko po mismo ang mukha niya. Si Senator Miamor Ferrara po talaga siya.”
“Hindi. Namalik-mata ka lang siguro. Bakit naman siya magiging si Senator Ferrara?” tanong pa niya. Nakaaasar na talaga siya. Mas lalo lang dumoble ang galit at inis ko sa kanya.
“May condo po siya rito,” sagot nito sa kanya.
“Talaga?” parang naaaliw na tanong pa niya. Saglit kong hinilot ang unkle ko at sinubukan ko na nga ang tumayo. May umalalay naman sa akin pero para lang isakay ako sa driver’s seat. “Move...” mariin na utos pa nito sa akin at masama ang loob ko na lumipat ako sa passenger seat.
“Dr. Jaickel, kahit sandali lamang po!”
“Bakit niyo po ba tinatago mula sa akin si Senator Ferrara?”
“Alam po namin na siya ‘yon!” Nanggugulo pa rin sila sa labas at kumakatok sa bintana ng sasakyan niya. Napaismid ako.
“Senator Ferrara!”
“I told you, she’s not!” inis niyang sigaw na ikinatigil ng lahat.
“Doc?”
“Paanong magiging siya si Senator Ferrara, eh girlfriend ko ang babaeng nasa loob ng sasakyan ko ngayon?” Ano’ng pinagsasabi niyang girlfriend niya?! Nababaliw na ba siya?! Pero mukhang effective ‘yon dahil tumigil sila at nanahimik na. “You read the article, right? My issue with the senator at hindi pa namin ‘yon naaayos. So, paanong magiging siya ang kasama ko ngayon?” Pero hindi ko pa rin gusto ang idea niya na girlfriend niya? Ha!
Pinagkrus ko naman ang magkabilang braso ko at hinintay siyang makapasok. Na kahit maging sa pagbukas ng pinto ay ingat na ingat pa siya para lamang hindi ako makita ng mga media sa labas. Tinanggal ko ang suot kong heels.
When he settled to his seat ay sinipa ko ang binti niya. Nagulat man siya pero hindi pa rin niya nag-react. Walang ganang sinulyapan niya lang ako. Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya ang paa naman niya ang sinipa ko. Hindi naman siya umiiwas pa.
“What the fvck?!” malutong na mura niya sa akin.
“Alam kong sinabi mo lang ang girlfriend thingy dahil baka natatakot ka na malaman ito ng wife mo. Kapag nalaman nilang lahat na ako naman talaga itong si Senator Ferrara ay ano kaya ang magiging reaction nila, ‘no? Especially your wife?” nanunuyang tanong ko sa kanya.
Bumuntonghininga siya. “Ikaw ba? Aren’t you afraid na magkakaroon na naman ng isyu sa akin, Senator Ferrara? Hindi ka ba takot na baka tuluyan ka nang tatalikuran ng mga taong inakala mo na susuporta pa sa ‘yo?” balik na tanong niya sa akin at sa malamig na boses pa.
“Just look at my face. Mukha ba akong natatakot? I heard na gusto mong mag-public apologize ako, for what? Wala akong pakialam sa issue, Dr. Jaickel. Sa issue na hindi naman totoo at puro kasinungalingan lamang,” I told him.
Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita ko si Red doon. I was about to open the door car when he grabbed my arm.
“Where do you think you’re going?” Marahas na binawi ko ang kamay ko at sinamaan siya ng tingin. “Lalabas ka talaga? Sasayangin mo ang palusot na ginawa ko kanina?” seryosong tanong niya sa akin.
Humilig naman ako sa headrest ng upuan ko at tumaas ang sulok ng mga labi ko.
“Takot ka nga na baka malaman ng wife mo ang bagay na ito at kapag lumabas ako rito sa kotse mo ay mas lalong magiging viral ito. Si Senator Ferrara? Lumabas mula sa sasakyan ng isang doctor na sa isang suntok lang ay bumagsak na siya? Ano na rin ba ang iisipin ng asa--”
“Wala akong asawa,” putol niya sa sasabihin ko sana. Napatango ako at matunog na ngumisi lang.
“Hmm, at sino ang maniniwala sa bagay na ‘yan?” may tunog na pang-aasar na tanong ko sa kanya. He started the engine and pointed at me again.
“Fastened your seatbelt,” he said. I rolled my eyes at kinabit ko sa katawan ko ang seatbelt.
Kinuha ko naman ang phone ko para tawagan si Red. “Wala naman sigurong media paglabas natin, ‘no? Dahil doon mo ako ibababa. Hindi kasi ako sanay na may kasamang ibang tao rito,” I said and I roamed my eyes around the area.
Smells like him, naiwan talaga ang amoy niya sa kotse niya. I cleared my throat.
“You’re a senator. Paanong hindi ka sanay sa atmosphere kapag may kasama kang ibang tao sa iisang lugar lang?” walang emosyon na tanong niya sa akin.
“Wala ka nang pakialam pa roon,” masungit na sabi ko at inirapan ko pa siya nang mapatingin sa side ko.
“Red?” saad ko nang sinagot na ni Red ang tawag ko.
“Nasa sasakyan ka ni Jaickel?” tanong niya sa kabilang linya at kahit hindi ako nakikita ni Red ay tumango pa rin ako.
“No choice,” sagot ko.
“Kuwentuhan mo ako kapag nakarating na kayo sa hospital. Doon na lang tayo magkita, Miamor," sabi niya na ikinagulat ko.
“Wait! Ano’ng sa hospital tayo magkikita? Sa labas lang ng building na ito--Red!” Mahinang napamura ako dahil binabaan niya ako agad ng tawag.
Tang-ina!
“Do you agree to a public apologize to me, Senator Ferrara?” he suddenly asked me and I glanced at him.
“Dude, in your dreams,” nakangising sambit ko. “Wala sa vocabulary ko ang mag-public apologize dahil sa pagkaaalala ko ay hindi ako nagkaroon ng atraso sa katulad mong doctor,” dagdag pang sambit ko.
“I already expected it,” he said factly.
“`Buti alam mo, and besides sino ba kasi ang pabida-bida na nang-aagaw ng pagbayad ng bills? Ako pa ang lumabas na masama sa mata ng lahat. Tama nga ang mga pasyente. Tatakbo ka ba sa politics? What is your position then?” I mocked him.
“You, still you,” aniya na hindi ko naintindihan agad. Ano namang ‘you, still you’ naman itong pinagsasabi niya. May ganoon ba?
“What are you talking about?”
“You’re still the girl I used--”
“Shut up!” sabat ko. “Stop the car!” sigaw ko at expected na rin na hindi niya ako pakikinggan dahil nang nakalabas na kami sa building ay pinaharurot niya ang kotse niya. “Tang-ina mo, boy,” sabi ko pa at narinig ko pa ang mahihina niyang paghalakhak. Naiinis na nilingon ko siya. “Problema mo?” Umakyat na talaga sa ulo ko ang kumukulong dugo ko kaya bonggang-bongga na ang inis at galit ko sa kanya ngayon.
“Do the public apologize at matutulungan kitang linisin ang pangalan mo. Malapit na ang botohan. Gawin mo ang makakaya mo para manalo ka at gagawin ko rin ang gusto ko para sa bagay na iyon,” makahulugan sabi niya kaya hindi ko maiwasan ang magduda. Ano ba ang gusto niyang iparating sa akin?
“So, tatakbo ka bilang?” nakaismid na tanong ko pa sa kanya. He didn’t answer me and he remained silent hanggang sa makarating kami sa hospital.
Nang makakuha na nga ako ng tiyempo ay agad na akong bumaba ng hindi siya pinapasalamatan dahil kasalanan naman niya ang nangyari. Malakas na isinara ko pa ang pintuan niya at inis na umalis na rin ako sa place na iyon.
Pinindot-pindot ko pa ang cellphone ko para tawagan sana ulit si Red pero ‘saktong siya na pala ang tumatawag sa akin.
“Where the hell are you, Red?!” nanggigigil na tanong ko pa.
“Chill, Miamor. On the way pa lang ako. Ang bilis magpatakbo ng saksayan niya si Jaickel. Saka isa pa inayos ko ang gulong nangyari kanina. May napala naman ako sa paghabol ko sa black Ferrari na iyon. By the way, kaya kita pinapupunta sa hospital dahil nandiyan ang Mommy at anak mo. Dahil alam ko na ayaw mo nang magtagpo pa isa’t isa ang mag-ama mo,” sabi niya at mariin na naitikom ko ang bibig ko. Ano’ng mag-ama? TSS.
“Ano?!” gulat na tanong ko at tiningnan ko naman si Jaickel na wala na nga rin talaga siyang pakialam pa sa akin kahit iwanan pa niya ako rito. Dahil nagsisimula na siyang pumasok sa loob ng hospital. Naglakad ako para lamang mapangiwi nang maramdaman ko ang kirot sa paa ko. “Shet naman, oh!” naiiritang bulalas ko pa at sinubukan ko na siyang habulin--no! Of course papasok na rin ako.