Chapter 18: Issue & almost accident
“YOU don’t need to help us, Dr. Jaickel. Move...” I said, coldy. But he ignored me at humakbang pa palapit sa amin ni Meriah. Kaya umatras pa ako.
Bakit kung kailan na mabibitawan ng anak ko ang doll niya ay bakit ngayon pa na sa harapan ng damuhong ito? Nasaan na ba sina Red at ang tagal nilang sumunod sa amin?
“Momma, my day pyes!” sigaw sa akin ni Meriah at kasabay na hinampas niya ang balikat ko pero agad din siyang napahinto nang ma-realize niya yata ang ginawa niya sa akin. Inosenteng tiningnan niya ang mukha ko at nang makita na walang emosyon ‘yon ay tumulis na naman ang mga labi niya at nagsimulang sumibi. “M-Momma...” Siguro ay natatakot siya na baka pagalitan ko siya.
“Shh... Kukunin natin ang doll mo. Don’t cry,” I told her.
“Here,” sabi niya at nanatili na lamang siya sa kinakatayuan niya. Hindi na rin niya sinubukan pa ang lumapit sa amin.
Hindi naman ako ang nag-abot ng doll niya dahil kusa niyang kinuha ‘yon, sa layo naman sa kanya ng lalaking ‘to ay nahirapan pa siya at narinig ko pa ang malakas niyang pag-tsk at pagbuntonghininga. Kulang na lang ay magreklamo siya.
Nang makuha na niya ‘yon ay ang matunog na pag-irap niya ang isinukli sa doctor at pagkatapos ay tinalikuran niya ito. Yumakap na sa leeg ko.
She literally ignored her father’s presence even though she called him Dadda kanina.
“Home, Momma... Home...” mahinang sabi pa nito sa akin. Gusto na nga niyang umuwi kami.
Tinapunan ko siya nang tingin saka ko siya iniwan doon. Sana lang ay ito na ang huling makikita niya si Meriah. Hindi naman talaga niya nakita ang mukha nito pero...ayoko nang isipin na nasa iisang lugar lamang silang mag-ama.
Hindi ‘yon nakabubuti sa baby ko. Mas mabuting wala na lang talaga siyang alam.
***
“What happened, love? Hindi ba nag-inarte ang apo ko sa hospital?” malambing na tanong sa akin ni Mommy. Nakakandong sa lap niya ang anak ko at naglalambing ito sa kanya. Panay naman ang paghaplos niya sa buhok ni Meriah kaya nagmimistulang maamong tupa si Meriah. May papikit-pikit pa siyang nalalaman at ang ngumingiti rin siya.
Ang baby doll na hawak niya ay ang gift ko sa first birthday niya. Kaya naging favorite doll niya ‘yon. Halos hindi niya rin bitawan. Hanggang sa pagtulog niya ay yakap-yakap niya ‘yon. May mga pagkakataon din na naririnig ko siyang tinatawag niya ako at kahit tulog na ay nagagawa niyang halikan ang laruan niya. Parang ako lang iyon kaya ganoon siya ka-attached sa isang doll.
“Sa una po, Mom ay oo. Ayaw po niyang ipakita ang mukha niya sa iba at nagsuot pa siya ng facemask,” sagot ko. Naalala ko ang ginawa niya roon sa hospital. Nahihiya ako sa inasal niya dahil baka isipin ng lahat ay ang bata-bata pa niya pero marunong ng mandiri sa mga tao.
“Hays, ganoon din naman ang ginagawa niya sa tuwing nasa event kami, eh. Sa ‘yo ‘to nagmana, anak. May pagka-aloof sa mga tao,” aniya.
“Bakit po pala kayo nandito, Mom? Ayaw niyo po bang samahan sa palasyo si Dad?” tanong ko. Mas madalas kasi siyang umuuwi sa mansion namin kaysa ang samahan niya sa palasyo si Daddy.
“Kaya na ng Dad mo ang sarili niya. Kayo ng apo ko ang inaalala ko rito. Especially Meriah Amor. Kung wala ka ay dapat ako ang nag-aalaga sa kanya. Kilala mo naman ‘tong anak mo, love,” mahinang saad niya na tinanguan ko lamang.
Wala silang idea ni Dad na kung sino nga ba talaga ang biological father ni Meriah. Na kung bakit ba na hindi ako nito pinanagutan noon at lumaki ang anak ko na walang kinikilalang ama, kundi ang Lolo niya lang din, si Daddy. Nirespeto nila ang pananahimik ko at ang walang balak ko na sabihin sa kanila ang totoo.
“Mama?”
“Yes, love?” tugon ni Mommy sa kanyang apo. Umayos ito sa pagkauupo niya at ipinakita ang doll niya.
“Amoy see Dadda, Mama.” Alam kong kinukuwentuhan na niya ang Lola niya kaya niya ‘yan ipinapakita.
“Dad-da? Who’s Dadda, Meriah?” Umiling lang ako at hinayaan ko silang mag-usap.
Napatingin naman ako kay Red nang mahagip ko siya nang tingin at nagmamadaling lumapit siya sa amin. Bakit ang putla ng mukha niya? May nangyari kaya?
“What is it, Red?” I asked her.
Hindi muna siya sumagot, bagkus ay ibinigay niya sa akin ang hawak niyang tab. Naguguluhan man ako sa nangyayari ay kinuha ko pa rin iyon at tiningnan ang ipinapakita niya sa akin.
Kumunot ang aking noo nang mabasa ko ang subject ng article na bagong release sa internet at sa kilalang malaking publishing house. “BREAKING NEWS: Today, 19th of June, 9:33AM is the second time our presidential candidate Senator Miamor Ferrara visited the de Cervantes Hospital. For the victims of the fires recently occurred that tragedy. The victims were very happy with her visit, with her little sister Young Miss Meriah Amor Ferrara, and her giving lots of groceries for them. But outside the hospital president’s office, caught by unknown hospital staff or just a visitor, she was seen with a doctor, in a hot argument, and Dr. Lervin de Cervantes, the president of the said hospital, he genuinely invited the senator to his office. Because of the payment of the bills that Senator Ferrara was late to handle that. Dr. Jaickel Sanre Amore, who faced our senator himself paid the bills of the patients and also gave groceries to them. So, this photo also shows Senator Miamor Ferrara assaulting Dr. Amero and being punched in the stomach, using her fist with multiple rings.” ‘Yon ang mahabang nakasulat sa article at ang daming views nito. Isa ba ‘tong issue?
“Hindi lang ‘yan ang articles na mayroon ang publishing house nila.
May video pa sa interview ni Dr. Amero. Here, panoorin mo ‘to.”
“Let’s listen to a few minutes our interview with Dr. Jaickel Sanre Amero. Doc, what really happened and why did Senator Ferrara attack you? It’s just because of the bills or there’s something between you and the senator?” tanong ng isang lalaki na reporter. Curious naman ako sa isasagot nito.
“Ah, yes. It’s because of me paying the patients’ bills. I’m one of the doctors assigned in their ward and to take care of them. I see that many victims are affected and most are unfortunate to pay their hospital bills. So, I was very pleased to help them all, and of course with the help of our hospital President Dr. Lervin de Cervantes. Senator Ferrara got angry with me, because she said, she should be the one who responsible for our patients. Actually my stomach still hurts when she punched me.”
Hindi ko pinatapos ang video at ibinalik ko kay Red. Napamasahe ako sa sentido ko dahil sa nararamdaman na biglang pagkirot. Naikuyom ko ang kamao ko. Ano’ng klaseng palabas ‘yon?
“Miamor...”
“Nalaman na ba ‘to ni Dad?” nababahalang tanong ko sa kanya at huminga ako nang malalim. Si Dad lang naman talaga ang inaalala ko.
“Ang daddy mo mismo ang nagsabi niyan sa akin. Tumawag siya kanina at galit na galit dahil sa lumabas na article na ‘yan and the interview. Kilala ka ng lahat bilang presidential candidate kaya expected na maging viral ito sa social media. Ang mga kalaban mo sa kabilang party at mga basher ay nagsisimula na rin sila sa paghila sa ‘yo pababa. Ginamit nila ito para mas siraan ka. Lumalabas kasi na ayaw mong maunahan ka ng iba at ginagawa mo talaga ang lahat para makuha ang buong simpatya ng mga tao. Na kahit ang isang doctor lang ay hindi mo pinapalampas kaya iyon ang nangyari,” mahabang saad pa ni Red. I sighed again.
“Maayos siya kanina, Red. Nakita niyo naman, ‘di ba? Mukhang hindi siya nasaktan sa suntok lang. Pero paano niya nasasabi ang lahat ng ‘yon? At saka isa pa ay nauna tayong nagbayad ng bills bago ang doctor na ‘yon,” nanggagalaiting saad ko.
“Hindi ko alam kung bakit ka sinisiraan ni Jaickel. Na mukhang may galit din siya sa ‘yo. Pero ang tapang niya masyado para harapin ang mga media at magbigay ng statement niya tungkol sa pinag-uusapan niyo. Hindi niya ba naisip si President Ferrara?” saad pa niya. Hindi ko nga rin alam kung saan niya hinuhugot ang galit sa akin.
“May sinabi pa ba siyang iba bukod sa bills?” I asked her.
“Kailangan mo raw makipag-settle sa kanya at mag-public apologize as soon as possible.” Nanunuyang natawa na lamang ako. That’s what he wanted me to do? Ha!
“Sino siya sa tingin niya? Isang hari o Diyos para mag-public apologize ako sa kanya? Nahihibang na ba siya? Hindi ako uto-uto para gawin ‘yon,” inis kong sambit at napatingin ako sa maliit na kamay na humihila sa laylayan ng suot kong coat.
Ngumiti ako sa kanya na inosente rin ang tingin sa akin. Bigla ay naglaho ang bigat sa dibdib ko nang makita ko ang maamo niyang mukha. My Amor is my stress reliever. Binalingan ko naman si Mommy, na tahimik lang siyang nanonood sa amin.
“What’s wrong? May nangyari talaga sa hospital, love?” she asked me worriedly.
“Maliit na problema lang ‘yon, Mother,” sabi ko at binuhat ko ang baby ko. Niyakap ko siya mula sa likuran niya at hinalikan ang leeg niya. “Nahihibang na ang Daddy mo, Meriah...” mahinang bulong ko sa kanya.
Tiningala naman niya ako at namimilog pa ang mga mata niya. “Daddy?” tanong niya na ikinailing ko lamang. Hinawakan pa niya ang pisngi ko para lamang kulitin ako. “Daddy, Momma?”
“Aalis muna si Momma, hmm? Dito ka muna kay Mama,” paalam ko sa kanya at ininguso ko pa si Mommy. Mama ang madalas na itawag niya sa Lola niya at kapag sinumpong siya ay gumagaya rin siya sa akin na Mother and Father ang tawag niya sa grandparents niya.
Tumayo ako at inilipat ko siya kay Mommy. Alam kong gustong magtanong ng aking ina pero wala na ako sa mood na makipag-usap pa tungkol sa bagay na sinisimulan na akong siraan ng lalaking iyon. Tama nga talaga si Red na may galit sa akin si Jaickel. Tsk.
“May pupuntahan pa kayo ni Red? Love, magpahinga na lamang kayo rito.”
“Kailangan ko pong umalis sandali. May aasikasuhin lamang po kami ni Red,” pagpapaalam ko sa kanya at yumuko ako para halikan siya sa pisngi. Hinaplos ko naman ang mukha ni Meriah. Saka ko siya hinagkan sa noo. “Babalik si Momma, my Amor,” nakangiting sambit ko. Hinila niya ulit ang damit ko at ngumuso.
Nangingiting inilapit ko ang mukha ko sa kanya at dumampi naman ang labi niya sa pisngi ko.
“Ingat, Momma...” aniya.
***
“Miamor, ang akala ko ba ay pupuntahan mo ang Daddy mo sa palasyo?” tanong sa akin ni Red nang magmaneho ako ng kotse ko ay ang tinungo namin ay ang condo ko.
Kung saan na magiging tambayan namin nina Xena at Hersey. Alam ko na nandito sila sa mga oras na ito.
“Red, akala mo lang ‘yon. Nanggaling na ako ro’n kanina, ‘di ba?” ani ko at wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa akin. “Nakasasawa rin naman ang magpunta sa palasyo araw-araw. Ikaw ba ay hindi?” pagbibiro ko pa sa kanya. Seryosong tao si Miamor kaya alam kong hindi niya ‘yon papansinin.
“Miamor...” See?
“Ano ang naisip mo na puwede kong gawin para malinis ang pangalan ko?” I asked her. “Maliban sa public apologize ko. Dahil iyon ang hinding-hindi ko gagawin,” mariin na sambit ko.
“But your Dad, President Ferrara, he wants you to do that public apologize to clean your name,” she said and I shook my head.
“No way in hell na gagawin ko ‘yon, Red. You know me very well,” sabi ko. “Marami pang paraan,” I added.
Hindi lang si Red ang na-stress sa kaganapan ngayon dahil maging ang dalawang mag-best friend ay ganoon din sila. Sila iyong mas affected, samantalang ako ay pinili ang manahimik at tumungga ng gin para mabawasan din ang bagay na bumabagabag sa kalooban ko ngayon.
Napapaisip ako, ano ang binabalak niya? Ano ang gusto niyang mangyari? Ang alam ko kasi ay pinakaayaw niya ang nilalapitan ng mga media pero dahil sa ginawa niya ay tiyak na hanggang sa bahay niya ay hahabulin din siya ng mga media para makakuha ulit ng statement from him.
Worried ba ako sa imahe kong unti-unting namantsahan? Dahil sa mga nakita na pictures ay magiging babala na ba iyon sa posisyon ko ngayon?
For me, hindi man lang ako na-thrilled. Dahil hangga’t walang involve na pulis ay hindi ako kikilos. Dahil kung gusto nilang maniwala sa doctor na ‘yon ay sige lang. Maraming tao pa rin naman ang sumusuporta sa akin at naniniwala na hindi ako ganoong klaseng tao. Dahil alam naman nila ang pagkatao ni Daddy.
***
Hindi ako umuwi sa mansion at natulog ako sa condo. Marami akong nainom kagabi pero alam kong hindi naman ako nalasing. Mataas ang tolerance ko sa alcohol, tinatamad lang akong umuwi at hindi ko na rin naman namalayan pa ang tatlo.
Kaya expected na mananakit ang ulo ko. Naligo lang ako at pagkatapos ay nagbihis din ako agad. Ang dirty white ang sinuot kong office attire and four inches na black heels.
Hinanap ko si Red sa labas. She was dressed well na rin at naghihintay na yata sa akin. Dahil nang makita ako ay siya ring pagtayo nila mula sa sofa.
“Sa company tayo didiretso, Red,” sabi ko. Magpapa-deliver na lamang kami for breakfast.
“Sa mansion, gusto kang makausap ng Daddy mo,” sabi niya at napataas ang kilay ko.
“Maraming work ang senator na katulad ko at isama mo pa ang negosyo ko, Red. Si Dad lang iyon at makakapaghintay siya na kausapin ako,” sabi ko sa kanya at nagtungo na sa pintuan.
“Miamor. Ang tigas ng ulo mo, eh. Dumiretso muna tayo sa mansion niyo. Naghihintay roon ang Daddy mo at ako ang malilintikan niyan kapag hindi mo ako sinunod,” saad niya.
“Ako ang bahala kay Daddy, Red,” ani ko at hindi ko na siya pinansin pa.
“Kapag palilipasin mo pa ito ng isa pang araw ay mas lalong lalala ang issue niyo ni Jaickel.” Issue? Wala naman talaga akong issue sa kanya. Siya lang ito ang gumagawa ng sariling issue.
“Hayaan mo na. Lilipas din naman ‘yon,” giit ko pa at nakipaghabulan na siya sa akin. Malalaki naman ang bawat hakbang ko, makarating lang sa parking lot. “Nasaan ang kotse natin, Red?” tanong ko at literal na binabalewala ko lamang ang mga sinasabi niya sa akin.
Hinanap ko ang sasakyan namin kung saan ba ito naka-park. A white BMW. Nang makita ko naman iyon ay ‘saktong may isang sasakyan ang umandar at naka-turn on pa ang ilaw nito kaya hinarang ng braso ko ang ulo ko pero naramdaman ko na pinapausad ng may-ari ang kotse niya at mukhang... Bumilis ang t***k ng puso ko at nararamdaman ko na...
Dàmn it...