Chapter 17: Amor’s Doll
“MAY anak ka na?” tanong niya sa akin dahilan na lumakas ang tambol sa dibdib ko. Nagulat man ako sa kanyang tanong ay hindi ako nagpahalata.
At bakit mukhang interesado siyang malaman ang isasagot ko na kung may anak na nga ba talaga ko? Wala namang mangyayari kung malalaman pa niya ‘yon.
“Ano ba ang pakialam mo sa buhay ng ibang tao, ha?” malamig na tanong ko sa kanya at marahas na inagaw ko mula sa kamay niya ang isang pack ng baby facemask ni Meriah. Heart shape ang design niya at siya mismo ang pumili no’n.
Pero dahil sa ginawa ko ay siya ring paghila niya sa braso ko. Mariin na napapikit pa ako dahil sa pagsubsob ko sa matigas niyang dibdib. Itinukod ko ang kamay ko roon saka ko siya tinulak pero isa na namang pagkakamali ang nagawa ko. Sa pagtulak ko sa kanya ay dahilan ng kanyang pagtumba at nadala pa ako dahil hawak niya mismo ang kamay ko. Mabuti na lamang ay natakpan ko ang bibig ko kaya hindi ko siya nahalikan. What a common scene we have here.
Sa inis ko ay sinuntok ko siya sa sikmura niya at malakas siyang dumaing. May umalalay naman sa akin sa pagtayo. Si Dra. Evenna.
“Naku, Senator Ferrara. Pasensiya ka na sa kaibigan namin!” hinging paumanhin sa akin ng doctora.
Kaya pala ang lakas din ng loob ng babaeng ito na lapitan ako at kausapin tungkol din sa lalaking ito dahil kaibigan niya pala, eh. Tapos magpapakilala rin siya sa akin as a fan? Seriously? Pinaglalaruan lang talaga nila ako.
“Jai, ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ng isang doctor na singkit ang mga mata. Inalalayan niya rin ito na walang tigil sa pag-ubo. Kung makaubo naman siya ay akala mo sobra siyang nasaktan sa pagsuntok ko sa kanya?
I rolled my eyes. “I t-think...may nabali y-yatang buto...sa t-tiyan ko, Taki...” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya at sa isip-isip ko ay napapamura na lamang ako. Nabalian agad siya ng buto? Sino naman ang maniniwala sa kanya?
“Parang suntok lang ng kamay ng isang babae, ah. Bumagsak ka agad, doc? Ang lupit naman no’n, ah?” nanunuyang tanong ko at inikot-ikot ko pa ang kamao ko. Napatingin tuloy sila roon at itinuro naman ni Dr. Taki ang kamay ko.
“Ang dami mong suot na singsing. Malalaki ang lahat ng bato niyan. Posible pa rin siyang makapanakit, Senator Ferrara,” seryosong sabi niya kaya naitago ko ng wala sa oras ang aking kamay sa aking likuran.
“As if maniniwala ako,” supladang sabi ko at inisa-isa ko nang ipinasok sa loob ng backpack ang mga gamit ni Meriah.
“Wait lang po, Senator!” tawag sa akin ng doctora nang patakbong lumapit ako sa elevator na kabubukas pa lamang. Nagulat ko pa ang sakay no’n. Nahihiyang ngumiti lang ako sa kanya. Pero nang mag-iwas na ako ng tingin ay nawala rin ang ekspresyon sa mukha ko.
Bakit may pakiramdam ako na nilalabanan din ako ng lalaking ‘yon? Nangangamba ako na baka isa rin siyang magiging hadlang sa pagtakbo ko as president candidate.
Pagbalik ko sa ward ay nakita kong umiiyak na si Meriah at kahit buhat-buhat pa siya ni Red ay hindi siya tumigil sa pag-iyak at nahihirapan itong patahanin siya.
Maski ang mga pasyente na sinubukan siyang aluhin ay wala pa ring nangyayari. Lumalakas lang lalo ang iyak niya.
Hindi naman talaga siya umiiyak kapag bigla-bigla akong nawawala basta ang makapagpaalam lang ako sa kanya na aalis ay sapat na iyon sa kanya.
“Momma!” umiiyak na tawag nito sa akin.
“Momma will be back, young miss...”
“No! Momma!” I approached them.
Bago pa man niya maibato sa kung saan ang sumbrero niya ay mabilis ko na itong nasalo. Kasabay nang pagtigil niya sa pag-iyak nang makita na niya ako.
Nginitian ko ang baby ko na namumula na ang kilay at ilong niya. Napuno ng mga luha ang matambok niyang pisngi. Umaliwalas pa ang bukas ng mukha niya.
“Why are you crying, my Amor?” I asked her sweetly. Naglahad agad siya ng kamay sa akin at nakuha ko agad ang nais niyang gawin ko.
Ibinalik ko sa ulo niya ang sumbrero niya bago ko siya kinuha mula kay Red at mabilis siyang yumakap sa akin. Itinago na naman niya ang mukha niya sa leeg ko. Kahit buhat-buhat ko na siya ay naririnig ko pa rin ang mahina niyang pagsibi.
“Ang lapit po pala niyo sa isa’t isa, Senator,” sabi sa akin ng isang pasyente. Tumango lang ako bilang tugon.
“Umiyak po siya kanina nang makita na wala na kayo sa kinauupuan niyo kanina.”
“Hindi po kasi ako nakapagpaalam sa kanya kanina. Kaya hahanapin niya po talaga ako,” paliwanag ko.
“M-Momma...”
“Hmm? Momma is here na, Meriah,” I said and caressed her back. “Babalik po kami ulit at sa araw pong ‘yon ay sana makauuwi na kayo sa inyo,” ani ko at nagpaalam na kami sa kanilang lahat.
Naghihintay na lamang kami na bumukas ang elevator. Oo, babalik pa rin ako rito kahit makita ko pa ang lalaking iyon. Ano naman sa kanya kung madalas kong dadalawin dito ang mga pasyente? Ano naman sa akin kung siya na ang nagbayad ng bills? Ang mahalaga sa akin ay ang makatulong din ako sa kanila at hindi ko hahayaan na hadlangan pa niya ako.
“Nataranta ang mga pasyente kanina dahil sa malakas na pag-iyak niya. Hinanap ka agad niya,” pagkukuwento sa akin ni Red at sinilip ko ang mukha ng anak ko.
Nakapikit na siya at mukhang nakatulog agad. Dahil siguro sa pag-iyak niya. Masuyong hinalikan ko ang pisngi niya.
“Nakalimutan kong magpaalam sa kanya, eh. Isa sa pinakaayaw niya ay ang umaalis ako nang hindi ko siya nakauusap at nakapagpapaalam man lang,” mahinang usal ko. It seems she can understand na kung aalis ako basta may permission niya kumbaga.
“That’s normal, Miamor. She’s your daughter at natural lang na hanapin niya ang Mommy niya.”
Sa pagbukas ng elevator ay nabigla pa ako nang makita ko si Jaickel. Wala ring pinagbago ang blangkong mukha niya at ni hindi rin siya makikitaan ng pagkagulat nang makita ako. Well, ano pa ang mararamdaman niya sa akin? Tss, isang estranghera na rin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Iyon na lang ang role namin sa isa’t isa.
Napataas ng bahagya ang kilay ko nang dahan-dahan na kumunot ang kanyang noo habang napako na ang kanyang tingin sa anak ko. Natutulog man ito pero mahigpit ang yakap sa akin.
Ang kaliwang bahagi lang ng mukha ni Meriah ang makikita pero inayos ko ang collar ng suot niyang jacket at itinaas ko ang facemask niya para hindi siya makita nito ni kahit ang dulo ng buhok ng anak ko ay itinago ko mula sa doctor na ito. Wala siyang karapatan para makita pa niya si Meriah.
Nang magtagpo ang mga mata namin ay pinukulan ko pa siya ng masamang tingin. Ang pinapahiwatig ko lang naman ay gusto kong tumabi siya para makadaan kami.
He cleared his throat at tumabi rin naman siya kaya malaya na akong nakapasok. Susunod pa sana sina Red at ang apat na tauhan namin nang mabilis na pinindot ni Jaickel ang close button ng elevator kaya nagsara na ito agad.
“What the hell are you doing?” malamig na tanong ko pero sa mahinahon na boses pa rin. Dahil ayokong magising ang anak ko dahil lang sa pagtaas ng boses ko.
And wait, akala ko ba ay nasaktan talaga siya sa pagsuntok ko sa sikmura niya? Bakit nandito siya agad? At mukhang ayos naman na siya, ah? Ano ba’ng nangyayari? Palabas niya lang ba ang kanina?
“Bawal ang maraming tao sa isang elevator kapag may kasama kang bata na halos balutin na niya para lamang hindi makita ng iba,” malamig at may diin na sabi niya.
Napatingin ako kay Meriah na sunod-sunod ang paghinga niya kahit mahimbing na ang tulog niya pero hindi ko tinanggal ang pagkabubungkos sa ulo niya.
“Ano ba ang pakialam mo?” inis kong tanong sa kanya.
“Dahil sa ginagawa mo ay mahihirapan nang makahinga ang bata,” aniya at inuturo pa niya ito.
“Ano ba’ng--”
“Pakialam ko? I’m a doctor at concern din ako sa mga bata na katulad niya. Kahit natutulog pa siya ay puwede pa rin siyang ma-suffocate sa ginagawa mo,” saad niya at humakbang palapit sa amin kaya umatras din ako para hindi na siya tuluyang makalapit pa sa amin.
Pero wala akong nagawa nang ma-corner niya ako at humigpit lang ang hawak ko sa baby ko.
“You know what...” Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang dahan-dahan niyang ibinaba ang jacket ni Meriah. Umungot ito dahil sa ginawa niya. “Don’t touch her...” may pagbabantang sambit ko sa kanya pero hinawakan niya lang ang balikat ko at isinandal sa malamig na pader ng elevator.
Kitang-kita ko pa ang panginginig ng kamay niya at inabot no’n ang suot nitong facemask. Ang nakapikit at
malalantik na pilikmata lang nito ang nakita niya. Titig na titig siya rito.
Pero bago pa man niya mahawakan ‘yon nang humarang na ang kamay ng anak ko. Itinakip nito ang kamay niya sa kanyang bibig at biglang dumilat. Napaatras naman siya sa gulat at binitawan niya rin ako.
Sumisibi na naman ito at mahinang gumalaw. Pero nakatutok na sa likod ko ang kanyang tingin at hindi niya pinansin ang lalaking nasa harapan namin ngayon, na tinatalikuran na niya.
“Move...away,” utos ko sa kanya. At that point ay nakinig siya sa akin.
“Muntik na rin akong maniwala,” naiiling na sabi niya at kahit nagtataka ako sa sinabi niya ay mariin na itinikom ko lang ang aking bibig. “Naalala ko na may bunsong kapatid pala si President Ferrara at ikaw lang ang panganay,” he added and I felt relief.
Tama lang na ‘yon ang isipin niya. Na kapatid ko lang si Meriah at wala na rin naman akong pakialam pa kahit malalaman pa niyang ako ang biological mother nito. Ano naman sa kanya? May asawa na siya at pamilya.
Wala ng dahilan para malaman niya kung sino si Meriah Amor sa buhay niya.
“And who the hell are you para kausapin mo ako ngayon? Isa ka lang doctor sa hospital na ito,” seryosong sambit ko.
“You forgot that you are Senator Ferrara? Dapat maging mabait ka ngayon at maging palakaibigan. Tama ka nga sa sinabi mo na kailangan niyong gawin ang mga bagay na sa tingin niyo naman ay ikagaganda ng imahe at pangalan niyo. Para marating niyo ang gusto niyong marating sa buhay. Pero ang mga katulad niyo ay hindi na kami madadala sa mga bulaklak na pananalita niyo,” walang emosyon na sabi pa niya.
I don’t really know kung bakit siya nagkakaganito? Na kung bakit parang ang laki ng galit niya sa akin. Dahil ba isa akong senator at may balak pang pamunuan ang bansa?
O sadyang naiinis lang talaga siya na makita ako ngayon?
“Saan mo hinuhugot ang galit mo, doc? Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng ito?” I mocked him.
“Para maging aware kayo na hindi lahat ng mga tao na pinakitaan niyo ng kabaitan at pag-aaruga ay kaya niyong makuha ang simpatya nila. Sinasabi ko ito sa ‘yo dahil ayoko sa mga katulad niyong...pakitang tao lamang,” makahulugang saad niya at nagngitngit ang kalooban ko sa galit.
Ang lakas talaga ng loob niya para pagsabihan pa ako ng ganoon? Tsk!
“Just like what I said, Hindi kawalan ang boto ng isang doctor na katulad mo. Marami pa rin naman ang naniniwala sa akin at sumusuporta,” sabi ko at ‘saktong bumukas na ang elevator.
Malalaki ang hakbang ko na lumapit sa pinto at hindi naman siya gumalaw pa sa kinakatayuan niya kaya makalalabas pa rin ako ng hindi na siya nakaharang pa sa daan.
“Don’t ever come back,” he said at tumaas ang sulok ng mga labi ko. Binalingan ko siya.
“Hindi ikaw ang magdedesisyon sa gusto kong gawin ngayon, Dr. Jaickel...” sabi ko at tinalikuran ko na siya. Hindi naman na ako nabahala pa na baka makita niya ang mukha ng anak ko dahil hanggang ngayon ay naka-facemask pa rin naman siya.
Pero bigla siyang nagsalita. ”Hala, Dadda?” Humigpit ang yakap ko sa kanya dahil sa mahinang boses niya. “Dadda, Momma?” tila nagtatanong pa na saad niya.
“Let’s go home, my Amor,” pag-aaya ko sa kanya pero napahinto ako nang mahulog mula sa kamay niya ang hawak niyang baby doll niya.
“Momma, day ko?” tanong nito at tumingin ako sa likuran ko para lamang makita ko roon si Jaickel. Bakit parang sumusunod siya sa amin? “Momma, my day!” I took a deep breath. Mahirap kunin iyon dahil buhat ko siya pero ayokong magtagal pa rito, dahil gising na siya at may kasama pa kaming... Hays.
“Meriah...”
“Dadda, put my dal,” tila nag-uutos na sambit nito. Bakit ba sinasambit niya ang salitang iyon? Sino naman ang tinatawag niyang Dadda? “Momma...” Ngumiwi ako dahil sa marahas niyang paggalaw.
“Wait lang, baby,” ani ko.
“Momma, Dadda...”
“This is your doll?” Shet... Hindi ba dapat ay wala na siya rito?
“Yes, my day, pyess... Day,” sagot pa niya. Naramdaman ko ang paglahad niya ng doll ng anak ko pero mabilis akong dumistansya.
“You don’t need to help us, Dr. Jaickel. Move...” I said, coldy.