KADAX’s POV
Paglabas ko ng opisina, nakaabang na sa akin si Via. Iyon naman talaga ang pangalan niya Via Ann de Lapaz. Ginawa niyang Val para maging lalaki ang tunog. Porma niya lalaki pero kapag inalis ang damit niya, babaeng-babae siya tulad ng aking nakita kagabi.
“Ang aga mo?” madalas sa labasan kami naghihintayan. Ngayon nandito siya sa labas ng opisina namin. Nakasandal pa sa pader habang nakapamulsa. Kung hindi mo siya kilala iisipin mong lalaki talaga siya.
“Ayaw mo ba? Nag-aalala lang ako sa ‘yo. Baka masakit ang ulo mo. Hindi na kasi kita nahilot kanina dahil natapos na ang breaktime.”
May tampo sa boses niya dahil sa tanong ko.
“Siyempre gusto ko. Ang suwerte ko naman sa bestfriend ko,” nilapitan ko siya at inakbayan. Hindi naman siya nagagalit kapag ako ang umaakbay pero kapag ang iba, nakakatanggap siya ng siko.
Pabor sa akin iyon, kaya niyang alagaan ang sarili niya. Hindi siya maaabuso ng iba.
“E kumusta na nga ang pakiramdam mo?” ulit niyang tanong sa akin.
“Okay naman ako. Wala pa akong high blood. At saka maalaga naman ako sa katawan ko. Magpapamilya pa ako,” sagot ko sa kaniya at nilingon ko pa siya. Gusto kong makita ang reaction niya.
Kibit-balikat lang ang sagot niya sa akin. Siguro dahil brokenhearted pa siya.
Naisip ko nga, kung naging babae ba ako, magugustuhan niya kaya ako? Magiging si Joy ba ako sa puso niya? Pero ayoko, mas gusto kong lalaki ako at siya ang babae.
“Sa bahay na lang tayo. Para hindi ka na mahirapan na ihatid ako. Bumili na lang tayo ng alak at pulutan. Pero puwede rin akong magluto, kung kaya mong pagtiyagaan,” sabi pa niya sa akin.
“Mas gusto ko ‘yung luto mo na lang. Tutulungan na lang kita.” Pagtatapos ng aming usapan.
Dumaan muna kami sa biometrics bago tuluyan lumabas mula sa building.
Diretso kami sa parking area kung saan iniwan ko ang sasakyan ko kahapon. May parking naman sa apartment ni Val.
Tulad ng usapan, dumaan kami sa Supermarket para sa alak. Hindi kami SanMig ngayon, alak talaga at tingin ko, malalasing si Val dito. Siya naman pinapili ko para less konsensya.
Iyon lang at sa parking naman ng Supermarket kami nagtungo. Tinanong ko pa siya kung may nais pang bilihin, wala na raw at may stocks siya sa bahay niya.
Madaling kausap si Val. Hindi siya tulad ng babae na inirereklamo ng mga kaibigan ko, na ang mga babae raw ay maarte. Sabagay, ayaw ngang aminin ni Val na babae siya. May mga nasasabi rin sila sa mga ex nila. Mga kiss and tell. Iyon ang pinagkaiba namin ng mga pinsan at kapatid ko. Kahit halos lalaki kami, hindi namin pinag-uusapan ang mga ginagawa namin privately. May respeto kami sa isa’t isa at sa mga nakakarelasyon nila. Kaya ang nangyari sa amin ni Val kagabi ay manantiling sikreto ko lang.
Malalagot ako kapag nalaman ni Val iyon.
Hindi ko pa nami-meet ang pamilya niya. Ang sabi lang niya ay nasa probinsiya nila sa Laguna. Farmer daw ang ikinakabuhay ng pamilya nila. Pero hindi mahahalata sa kutis ni Val. Napakaganda ng kaniyang kutis, kaya kahit anong pilit niyang pagtakpan ang pagiging babae niya, mahahalatang babae rin siya kapag tinitigan siyang mabuti.
“May tumatawag sa ‘yo,” umingay ang phone ko. Si Drake ang kaibigan ko. Baka magyayaya lang siya kaya hindi ko na sinagot.
“Hayaan mo lang siya,” sa kalsada ang aking mga mata.
“Baka isipin ng mga kaibigan mo na inaagaw na kita sa kanila.”
“Hindi naman nila alam na kasama kita. At saka, mas kailangan mo ako. Sabi mo nga, ako lang ang kaibigan mo, kaya kahit na tumawag pa silang lahat, snob sila sa akin. Ikaw lang ang gusto kong samahan ngayong gabi.” May period na para hindi na siya makonsensya pa.
At saka gusto kong makasama siya muli ngayong gabi. Kung hindi kami matutuloy, baka magdamag akong tulala at siya ang iniisip.
Walang gaanong traffic kaya mabilis kaming nakarating sa apartment niya.
Bumaba agad siya at binuksan ang gate. In-assist pa niya ako para maiparada ko nang maayos ang sasakyan.
Hinintay pa niya akong makababa bago siya pumasok.
Sumunod lang ako sa kaniya.
“Isasara ko bai tong pinto?” tanong ko sa kaniya. May mga kapitbahay rin siya at baka kung ano ang isipin.
“Oo, pakisara. Nakabukas ang aircon. Hindi makukulob ang lamig kung bukas ‘yan.” Nasa may kitchen na siya. Inalis ko ang aking coat at naiwan na lang ang aking white longsleeve.
Wala na rin ang suot niyang coat kaya kita na mayroon siyang dibdib. Hindi kayang itago ito ng sports bra dahil may kalakihan ito kapag wala siyang suot.
Napalunok na lang ako. “Makiki-inom ako,” nanuyo bigla ang lalamunan ko.
“Kumuha ka na lang sa fridge. Ilabas mo na ang lagayan at nauuhaw rin ako.” Sabi pa niya.
“Ikukuha ba kita ng baso mo?” tanong ko sa kaniya.
“Hindi na. Share na lang tayo para kaunti lang hugasin ko,” tumawa siya pagkasabi niya nito.
Pabor naman din sa akin.
Sinalinan ko ang baso at inabot ko sa kaniya.
“Nakainom ka na ba?” tanong niya sa akin.
“Mauna ka na, susunod na lang ako pagkatapos mo.”
Inabot na niya ang baso at pinanood ko ang pag-inom niya. Ang sarap niyang pagmasdan. Tinatandaan ko kung saang part siya uminom at doon din ako iinom. Iyon ang purpose ko kung bakit ko siya pinauna.
“May maitutulong ba ako sa ‘yo?” naisauli ko na ang lagayan ng tubig sa fridge. Nilagyan ko muna ito para puno ulit. Nasa may likuran niya ako. Parang gusto ko siyang yakapin mula sa likuran. Kaya lang baka tusukin niya ako. Kaya sinadya ko na lang na magsalita malapit sa tainga niya.
Dibdib ko lang ang idinikit ko sa kaniyang braso.
“Kaya ko na ito. Ikaw, kaya mo bang magluto ng kanin? Kung marunong ka, may rice cooker ako at salangan mo na ng bigas at hugasan mo,” sambit niya. Lumingon siya para ituro ang lagayan ng rice cooker.
“Pasensya na, Val. Turuan mo na lang ako. Ang nanay ko kasi ang laging nagluluto kaya hindi ko alam.”
“Dapat matuto kang magluto para ma-in love ang liligawan mo. Proven na ito kaya nga ako sinasagot nila. Hindi lang ako masarap magmahal, nasasarapan din sila sa luto ko. Ewan ko lang ikaw, kung masarapan ka. Sige na, kunin mo ang kaldero.” Sinunod ko ang mga sinabi niya. Hanggang sa maisalang ko na ito at isinaksak ko na ang rice cooker.
Kung alam lang niya na sarap na sarap ako sa kaniya.
Kung noon ko pa naranasan iyon, baka matagal na akong pabalik-balik dito sa lugar niya.
Habang naghahanda siya at nagsimula siyang magluto ay nakaupo lang ako para panoorin ang ginagawa niya. Pinagpapawisan siya kaya naisipan kong punasan ang noo niya.
Kanina siya ang nagpunas sa akin noong nasa opisina kami, ngayon naman ako ang gagawa sa kaniya. Kinuha ko ang panyo ko sa aking bulsa.
“Pawisan na ang bestfriend ko. Alam ko na kung bakit nila sinasabing masarap ang luto mo. May kasamang pagmamahal. Mahal mo ba ako?” Bigla ko lang siya naitanong o dahil iyon ang laman ng isipan ko.
“Siyempre naman. Kaibigan kita. Ang pagmamahal naman ay hindi lang para sa lovers, puwedeng sa kaibigan, na parang pamilya rin. At dahil malayo ako sa pamilya ko at ikaw naman ang laging nand’yan kaya mahal kita. I love you, bestfriend.” Sana sa susunod sabihin niya iyon dahil iyon ang nararamdaman niya para sa akin. “Tikman mo kung okay na ang lasa,” may kutsara na siyang naka-umang sa aking harapan.
Hinipan niya ito at kaunti na lang ay magkadikit na ang aming mga labi. Nararamdaman ko pa ang pag-ihip niya sa aking mukha.
“Ang sarap,” nilagang baboy ang niluto niya. Ulam namin at gagawin ding pulutan. Totoo na masarap, mas pinasarap pa dahil sa kaniyang pagmamahal.
Sa ngayon, masaya na ako na mahal niya ako kahit bilang bestfriends lang.
Kumain na kami. Sa bawat pagsubo niya, hindi maiwasan na mapatingin ako sa bawat pagbuka ng kaniyang bibig.
“Parang hindi ka nasasarapan sa luto ko,” puna niya sa akin.
“Masarap,” sagot ko sa kaniya.
“Bakit kaunti lang ang kinain mo?”
“Mag-iinom pa tayo. Kaya hindi ako nagpapakabusog.” Iyon lang ang isinagot ko at tumigil na siya sa pangungulit.
Tumigil na rin siya sa pagkain. “Sana sinabihan mo ako agad.”
“Pumunta ka na sa living room at susunod na ako. Ilalabas ko ang mga gagamitin natin.” Bahay niya ito kaya ganito siyang magsalita sa akin.
“Tutulungan na kita. Saan ba nakalagay ang ice bucket mo? Ako na ang kukuha.” Itinuro naman niya sa akin. “Kikilos na ako rito. Sasanayin ko na ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi mapapadalas ako ng punta rito o baka makitambay ako hangga’t kailangan mo ng makakasama.”
“Makakasamang makalimot,” dugtong niya at lumungkot na naman ang kaniyang tono. Samantalang ako ay siyang-siya sa nangyaring panghihiwalay nil ani Joy.
“Sige na, maghanda na tayo sa pag-iinom. Baka mamaya kung saan pa mapunta ang usapang ito. Hindi ka makakalimot kung lagi mong babalikan ang malulungkot na pangyayari. Idaan na lang natin sa maboteng usapan,” pinasigla ko ang boses ko para mahawa siya.
Ayaw ko rin malungkot siya. Nasasaktan ako dahil kapag malungkot siya dahil kay Joy, nawawalan ako ng pag-asa na magiging babae siya.
“Dalhin mo na sa living room ang mga kaya mong buhatin at ako na sa iba,” sumunod na ako sa sinabi niya. Baka maubos na ang oras sa kakakuwentuhan naming dalawa.
Itutuloy…