6

1162 Words
KADAX’s POV Kanina pa umalis si Val para bumalik sa station niya, pero ramdam ko pa rin ang init ng dibdib niya sa aking ulo. Sinadya kong idiin ang aking ulo sa ginawa niyang pagmasahe sa aking noo. “May masakit ba sa ‘yo?” napatingin ako sa kasama ko ritong si Vince, salubong ang aking mga kilay. “Bakit mo naman nasabi?” Nakita ba niya na galit ang alaga ko kanina? Baka bading itong si Vince. Front niya lang ang pagiging matikas niya. Baka mamaya ay may i-offer siya sa akin. Ano na ang nangyayari sa paligid ko? “Kanina ko pa kasi napapansin na panay ang himas mo sa ulo mo. Baka kako tinataasan ka na ng dugo, e hindi ka lang nagsasalita. Kaya tinanong kita.” Maayos naman ang sagot niya sa akin. May pag-aalala. Ah, iyon pala. Akala ko kung ano na. Buti na ang malinaw. Hindi ko naman hinaplos ang alaga ko kanina kahit alam kong pilit nitong gustong kumawala sa suot ko. Paano ko sasabihin na hindi ang ulo ko sa itaas ang masakit kundi ang sa ibaba. Huwag na, akin na lang iyon. “Hindi naman masakit. Gusto ko lang ayusin ang buhok ko sa likod,” sagot ko sa kaniya. Sana paniwalaan niya. “Ayos na ayos na,” sumagot pa rin siya. Pakialam ba niya, sa gusto kong ayusin e. “Salamat sa concern,” iyon na lang ang sinabi ko at ayaw ko na pahabain pa ang pakikipag-usap ko sa kaniya. Alam na naman niya na hindi ako highblood. Baka sa kakaurirat niya ay mangyari nga iyon. Muli kong itinuon ang aking paningin sa aking computer. Basta ako, masaya. Buo na ang araw ko, kahit oras pa lang ng breaktime. “Kadax, break na muna. Hindi ka na lumabas kanina. Baka gusto mo naman maiba ang iyong paligid,” nakatayo na si Brian at hinihintay na ako. Patayo na sana ako nang makita ko si Val na nasa may pinto. Saktong bumukas dahil palabas si Vince. May sinasabi siya kay Val, hindi ko naman naririnig. “Sunod na lang ako, Bri.” Naghihintay kasi si Brian kaya sinabihan ko na siya. Nag-iba ako ng plano. May ipinakita si Val kay Vince kaya puwedeng hindi na lang ako lumabas. Hindi naman ako nakikita ni Val. Kaya binuksan ko ang computer kong inilagay ko kanina sa sleep. Nagbukas ako ng isang puwede kong gawin. Papasok na siya kaya sa computer na ulit nakatutok ang aking mga mata. “Baka ikaw na ang maging model employee rito. Puro trabaho na lang. Ikaw na naman ang naiwan.” Sabi niya sa akin. Inayos niya ang mesa na nasa aking gilid. Humila siya ng isang upuan. Ang upuan ni Vince. “Anong ginagawa mo rito?” kunwari ay hindi ko alam kung bakit siya nandito. “Tama ang iniisip ko. Busy ka pa rin. Kaya bumili na ako ng ating snacks. Dahil libre ang food ko kanina, ikaw naman ang nilibre ko ngayon.” Baka hindi na kami tuloy mamayang gabi dahil may dala na siyang pagkain ngayon. “Huwag kang mag-alala, may pera pa akong pang-inom natin.” Tuloy ang inuman. Iyon ang gusto ko. Tumawa ako sa sinabi niya. Tinakpan ko nang malakas na pagtawa ang nararamdaman kong kilig. Kung nakaharap ako sa kaniya, baka makita niyang namumula ang mukha ko. “Nganga na,” amoy na amoy ang burger. May tagasubo ulit ako. “Baka masanay ako,” sabi ko sa kaniya. “Okay lang. Bestfriends naman tayo, ‘di ba? Kapag ikaw, puwede kong subuan. Pero ang iba, never. Kasi ganito tayo,” ipinakita pa niya ang mga daliri niya kung gaano kami ka-close na dalawa. “Kapag bestfriends, puwedeng magsubuan? Puwede rin kitang subuan?” tanong ko sa kaniya habang nginunguya ko ang burger. Lumingon pa ako sa kaniya at kumagat din siya sa kinagatan kong burger. Isa lang pala ang dala niya. Pero may spaghetti pa siya at fries. Sunod niyang isinusubo sa akin ay spaghetti. Ngumanga naman ako. Mas malaki para masiguro ko na walang tatapon. Nakaalalay naman ang lagayan sa ilalim ng baba ko. Siga lang itong kumilos pero napaka-maasikaso niya. “Thank you, Via,” tiningnan ako nito ng masama. “Thank you, Val.” Ulit ko. Ayaw niya talagang magpatawag sa totoo niyang pangalan. Naalala ko tuloy nung binilhan ko siya ng nigthies. Kasalanan iyon ng Kuya Junior ko at ni Ivez. Sinusundan lang naman namin si Doz at Vane sa mall. Nagkataon na nasa lingerie section ang mag-asawa. Pinilit nila akong bilhan si Via ng mapanuksong damit na kapag isinuot, nakalitaw ang mga parteng dapat nakatago. Kapag isinuot ang pang-itaas, nakalusot ang ut0ng. Madali na lang itong maisusubo. Ganoon din ang pang-ibaba. Puwede nga maghubad na lang. Ang mahal pa man din nung lingerie. Tapos ang kapalit lang ay malakas na sapak mula kay Val. Ang tagal pa niya akong hindi pinansin. At ngayon na tinawag ko siyang Via, baka magalit na naman ito. “Baka mamaya, makatulog ka d’yan,” may pagbabanta na siya. “Joke lang iyon.” “Hindi pala kita puwedeng sapakin ngayon. Baka ikamatay mo pa. Sabi pala ni Vince, masakit daw ang ulo mo. Ayaw mo lang umamin sa kaniya. Hinagod ko na ‘yan kanina ‘di ba?” Nagbago agad ang boses niya. Iyon pala ang pinag-uusapan nila kanina. “Sabi ko kay Vince wala ito.” “Baka naman gutom ka na? Kasi kahati mo ako sa food mo kaninang lunch. Sumubo ka na ulit at hagurin ko nang magaan ulit ang ulo mo. Magpalakas ka, baka mamaya iwan mo rin ako.” “Hoy, anong iiwan kita?” tanong ko sa kaniya. Ayaw ko nga siyang mawalay sa akin. Taposi iwan ko siya. “Joke lang. Alam kong matagal pa ang buhay mo. Kumakain ka ng katas ng mga chicks mo. Naalala ko na naman. Kailangan kong magkaroon talaga ako ng chicks. Wala naman akong matipuhan sa kompanyang ito. Kaya iniisip ko, siguro, low quality ‘yung type mo,” “Sobra ka naman. Pinakamaganda siya sa kompanyang ito,” sagot ko sa kaniya. “Puwede naman pinakamaganda sa kompanyang ito, pero pagdating sa labas, pangkaraniwan na lamang. Mga type mo talaga, kakaiba.” Ang lakas niyang mangantiyaw, hindi pa nga niya nakikita ang type ko. Mali, hindi niya kasi alam kung sino ang type ko. Hindi namin namalayan na tapos na ang oras ng breaktime. Nagbalikan na ang mga kasama ko rito. “Aalis na ako. Ang dami mo kasing satsat. Ako na ang uubos nito. Iyo naman itong burger.” Inisang subo niya sa akin ang burger at hindi na ako nakapagsalita kahit pa-thank you sa kaniya. Masaya na ako na nakasama ko siyang muli. Simula nung nangyari kagabi, parang gusto ko na lagi siyang nasa aking tabi. Sapat na ang kaniyang presensya at nababantayan ko siya. Sana nga wala na siyang magustuhang babae para sa akin na lang ang atensyon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD