5

1239 Words
KADAX’s POV “Nandiyan pa po ba si KD?” narinig ko agad ang boses ni Val. “Kung ano ang tigas ng pangalan mo, ang lambot naman ng tawag mo kay Kadax. Hindi bagay sa kaniya ang KD, puwera na lang kung kayong dalawa. Pangatawan niyang bading siya at ikaw ang astig sa inyong dalawa,” ang lakas mang-asar nitong kasamahan ko rito sa department. Tumayo na ako sa aking upuan bago pa uminit lalo ang ulo ni Val. “Bro, narinig ko na hinahanap mo ako,” nakabusangot na nga ang mukha niya. “Niloloko ka lang niya. Huwag mo seryosohin.” “Saan ka mag-lunch? Labas tayo?” nagyayaya ang tono niya. “May rush ako pero may food dito. Pasok ka, marami akong pagkain.” Ibinukas ko pa ang pinto para papasukin siya. “Walang ibang tao kundi tayong dalawa lang. Lumabas na sila kaya hindi ako puwedeng umalis.” “Sandali, kunin ko lang ang tumbler ko.” “Hindi na. May tubig kami rito at puwede na tayo sa iisang tumbler. Hindi naman tayo iinom ng sabay.” Ayaw ko na siyang umalis dito. At mas pabor sa akin kung salo na kami sa tumbler. “Hindi ba nakakahiya na libre na ang food ko?” “Nah! Hindi iyan libre. ‘Di ba, mag-iinom tayo mamaya? Ikaw naman ang taya kaya makakabawi rin ako.” Nakangiting wika ko sa kaniya. “Okay,” tumaas ang mga balikat niya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Ikinuha ko pa siya ng upuan para makalapit siya sa table na nasa gilid ko. Nakalatag ang mga pagkain. Pinabili ko ito kanina at kasama si Val sa rami ng pinakisuyo ko sa utility namin. Kaya lang biglang may iniutos sa akin. Kaya hindi ko na siya napuntahan at mabuti naalala niya ako rito. “Akala ko sabay tayong kakain? Nakaharap ka pa rin sa computer mo,” para siyang nagrereklamo. “Mauna ka na, kailangan ko lang itong tapusin. Susubo na lang ako. Sige na. Nandyan lang ang pagkain. Ikaw, mamaya kailangan mo nang bumalik sa station mo,” nasa computer ang mga mata ko. “Nganga, susubuan na lang kita kung busy ka. Nganga na. Nangangalay ako.” Nagulat ako at may pagkain na naka-amba na sa harapan ko. Luminga-linga pa ako at baka may makakita sa aming dalawa. “Naku! Hayaan mo na lamang sila sa iisipin nila. Wala tayong ginagawang masama. Magkaibigan tayo. Busy ka, at ako naman ay nakikikain lang dine kaya iyon na lang ang maisusukli ko, ang subuan ka.” Malinaw, hindi siya mahihiya kahit may makakita sa aming dalawa rito. Ibinuka ko na ang bibig ko para isubo ang pagkain. Patuloy lang ako sa trabaho. Mas nakakaganang mag-work dahil patuloy niya akong sinusubuan. Nakikita ko sa sulok ng aking mata na iisang utensils lang ang gamit namin. Isinusubo niya at isusubo rin sa akin. Sinisimot ko ang laman ng kutsara. Ang tumbler lang ang naiisip ko kanina na pagsasaluhan namin, pati pala ang kutsara. Ang swerte ko naman sa araw na ito. Natapos ang aming lunch na sinusubuan at pinaiinom niya ako. Tropa pa lang kami pero maasikaso na siya. Isa nga siguro ito sa sikreto niya kaya niya napapaibig ang mga babaeng pinopormahan niya. Ang iba puwedeng nade-develop sa kaniya kung ganito siya mag-alaga. Parang gusto ko na lagi na lang ako may rush. Para dadalawin niya ako rito at susubuan. “Thank you sa free lunch, bro.” Inilapit pa niya ang upuan sa akin at nakikitingin sa ginagawa ko. “Ako nga dapat ang magpasalamat at hindi ako nalipasan ng gutom. Kanina pa nga ako gutom kaya lang kailangan itong tapusin. Salamat sa pagsusubo mo sa akin,” nilingon ko siya sandali para malaman niya na totoo ang sinasabi ko. Pero bastos ang utak ko, iba ang gusto kong isubo pa niya at hindi lang pagkain. Gusto ko ang mala-kulay rosas niyang mga ut0ng. “Ang lamig dito sa opisina ninyo, pinagpapawisan ka.” Biglang nag-init ang katawan ko dahil sa naisip ko. Nanumbalik ang magandang tanawin na aking nasaksihan kagabi. Hindi ko lang nakita sa malayo. Napagmasdan ko pa sa malapitan at nalawayan ko ang mga ito. Ang hindi lang ay ang nasa gitnang bahagi. Naramdaman ko na pinupunasan na niya ang ulo ko gamit ang kaniyang handkerchief. “Malinis ito. Wala akong chicks kaya wala akong ipinahid dito,” napatingin ako sa kaniya at nag-iisip kung ano ang tinutukoy niya. “Anong kinalaman ng chicks sa hankerchief?” Napatanong na ako. Hindi ko ma-gets. “Huwag mong sabihin na wala ka pang naaano na chicks? Baka daig pa kita. Grabe ka, bro. Kahit nga bading, nakakaranas ng ganoon pero ikaw? Hindi mo alam iyon. O baka naman iba ang ginagamit mo? Wipes o tissue? Huwag ka na mahiya, tayong dalawa lang.” Diretsong tanong niya sa akin. May naririnig akong ganitong usapan sa mga kaibigan kong lalaki. Pero si Val, nagagawa rin niya ito sa babae. Magaling nga talaga siya kaya may ilan na tumatagal sila. Pinalapit ko siya sa akin. ‘Yong halos magdikit na ang aming mga mukha. Naamoy ko ang gamit niyang pabango. Kahit na masculine ang dating nito, mabango pa rin dahil tama lang ang tapang. “Hindi ko ginagamitan ng anuman sa nabanggit mo. Bibig ang ginagamit ko para masimot ang katas. Hinihimuran ko ang lahat ng bahagi kahit ang kasuluk-sulukan para siguradong walang matira,” mayabang kong wika sa kaniya. Hindi naman niya siguro hihilingin sa akin na maging watcher para mapatunayan ko iyon. Pero ang totoo, wala pa akong experience. Diretso ako sa bathroom kapag ako nakakaramdam na lalabasan dahil sa mga pinapanood kong porn at kapag iniisip ko siya. Katulad kagabi pag-uwi ko sa bahay at pagkagising ko. Lahat nandoon sa aking bathroom at ito rin ang saksi sa aking mga ginagawa. “Kanino mo naman ‘yan ginagawa?” Hindi nakaligtas sa akin ang paggalaw ng kaniyang lalamunan at paglunok niya. “Wala ka naman chicks,” may halong pangangantiyaw. “Syempre, hindi naman kita kasama sa pambabae. Kaya hindi mo nakikita.” “Ang tikas mo, bro! Gusto ko rin iyan. Mamaya mag-inom tayo. Bukas, Friday, puwede tayong pumunta sa club. Dalhin mo ako sa pinupuntahan mo at humanap tayo ng chicks. Tag-dalawa tayong chicks. Kaya mo ba?” Napalingon na talaga ako sa kaniya. Para kompirmahin kung totoo ang sinasabi niya. Hindi ako nagpupunta sa club. Sa bar lang at ayaw kong gumamit ng babae. Hindi ko kailangan ng babae. “May lakad ako bukas. Kasama ko ang mga pinsan ko at Kuya ko.” Iyon na lang at ayaw kong umoo. Sa inuman na kaming dalawa lang ang inoohan ko. “Sige na, tapos na ang lunch. Babalik na ako sa station ko. Thank you, ulit.” Tumayo na siya at pumwesto pa siya sa aking likuran at tinapik ang aking mga balikat. Naramdaman ko ang dibdib niya sa likuran ng aking ulo kaya isinandal ko ito sa kaniya. “Masakit na ang ulo mo? Marami ka rin sigurong nainom. Sandal ka lang hagurin ko sandali.” Tapos na ang ginagawa ko kanina pa. Hindi ko lang sinasabi sa kaniya. Siya pa mismo ang humila sa aking ulo. Alam ko kung ano itong sinasandalan ko. Ang problema ko ngayon, mayroong nagre-react. Hindi puwedeng ngayon, maaantala ang ginagawa sa akin ni Val. Si Val na walang kaalam-alam sa nararamdaman ng aking katawan sa pagdikit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD