Prologue.
"Daddy, hindi ako mag papakasal sa lalaking hindi ko pa nakikita.?!
Sambit! Ko habang nag-ngingitngit ang kalooban ko sa sama ng loob sa aking ama sa gustong niyang mangyari.
"Mahal, Tama ang anak mo."Bakit gusto mong ipakasal ang anak mo sa hindi pa niya Kikita."
Sabat naman ni mommy.
"Nora, Kailangan tumino ang anak mong yan at Si Repper lamang ang makakagawa yon para tumino siya, tignan mosiya walang alam sa buhay kundi ang mag lakwatsa at pakikipag basag ulo kung saan saan!
"Ano kaba Fredie, pati nga ako hindi ko pa nakikita ang lalaking gusto mong ipakasal sa anak natin tapos bibiglain mo siya basta mo na lang siyang ipapakasal."
Ano ba naman ito ipapakasal na nga lang ako sa lalaking mas matanda pa yata kay daddy baka pag nag kasakit pa siya, baka ako pa ang mag bantay sa kanya."Bulong ko.
"Kung gusto niyong makilala si Reaper Domon,mag dadaos tayo ng isang party."
"No! Ayaw ko parin magpapakasal sa kanya!Kahit na makita ko pa siya."Sambit ko.
"Anong gusto mong mang yari sa buhay mo Nica, huh?! Gusto mo bang ganyan ka na lang habang buhay, tignan mo ang sarili mo para kang sanggano gusto kitang pag-aralin sa ibang bansa, pero ayaw mo wala ka nang magagawa pa Nica, ako pa rin ang masusunod pag katapos idaos ang party, idadaos rin ang kasal ninyong dalawa ni Reaper lalong madaling panahon.
"Pero daddy ang bata ko pa para mag pa kasal."
"Tumigil kana Nica, buo na ang diseyon ko."
"Mommy, Kausapin ninyo si Daddy, ayaw ko pa pong mag pakasal." Pakiusap ko sa aking Ina.
"Oo Anak, kalausapin ko ang Daddy mo ako ang bahala sa kanya umakyat ka muna sa kwarto mo."
"Sige po."
Sagot ko at malungkot akong umalis sa harap ni Mommy, wala pa rin magagawa si daddy ako pa rin ang masusunod, sinasabi lagi ni Daddy na pasaway ako ngayon tutuhanin ko na lang, ang pag ka pasaway ko.
Pag ka pasok ko sa aking silid pabagsak akong nahiga sa kama twenty three pa lang ako bakit minamadali ako ni Daddy na ipakasal sa taong hindi ko pa na kikita.
"Kakainis!!!!
Sigaw! ko sabay isinubsob ko ang akin mukha sa kama, maya- maya tumayo ako sa akin higaan at dinampot ko ang aking bag dahil balak kong mag- inom sa isang sikat na bag sa aming lugar.
Pag kalabas ko sa aking kwarto agad akong bumaba ng hagdanan kita ko naman ang aking Ama at si Mommy na nag lalambigan sa sala.
"Mommy, Aalis muna po ako."
Pa alam ko sa aking Ina.
"Nica, masiyado ng gabi para lumabas ka pa baka kung ano pa ang mangyari sa'yo sa labas."
Sambit! Ng aking Ama.
"Dad, pupunta lang ako sa kaibigan ko mag papalipas lang ako ng sama ng loob."Pag sisinungaling ko.
"Hindi ka lalabas gabi na at isa Pa si Aya lang ang alam kong kaibigan mo rito sa lugar natin, alam ko naman kung saan ka talaga pupunta mag papakalasing ka nanaman o kaya makikipag basag ulo sa daan
Galit! Na sambit! ni Daddy.
"Anak, sundin mo na lang ang daddy mo dahil kapakanan mo lang ang iniisip namin."
Sabat ng aking ina.
"Okay, po."
Magalang kung sagot, muli akong umakyat sa taas, at pumasok sa akin kwarto, dahil sa wala akong magawa binuksan ko na lang ang tv para manood ng palabas.
Ngunit nababagot ako at gusto ko sanang mag inum ngayon, para mawala ang sama ng loob ko kay daddy.
Mamayamaya napangiti ako ng may ma isip akong kapilyahan,Tama gagawin ko na lang ulit ang dati kong ginagawa,dadaan ulit ako sa bintana,tinignan ko muna ang relong suot ko sa aking kamay alas otso na ng gabi tamang- tama, mamaya matutulog na rin sila Daddy, dahil hindi pwedeng mag puyat Si Mommy tumayo ako sa pag kakaupo ko sa sofa at Sumilip ako sa bintana ng aking silid upang tignan ang mga tauhan ng aking ama, kung makakalagpas ba ako sa kanila.
Napangiti naman ako dahil iilan lang ang nakakalat na tauhan ni Daddy sa paligid ng bahay siguro may iniutos ang aking ama sa ibang tauhan nito.
Mabilis kong ginawa ang aking dadaanan para makababa ako sa bintana, kinuha ko ang ibang kumot sa loob ng kabinet at agad ko iting pinag buholbuhol nang matapos kong pag bubuhulin ang mga mga ito itinali ko naman ang dulo ng kumot sa paa ng kama, ng alam kong matibay ang pakakatali ko sumilip muli ako sa binta baka kasi mapansin ako ng mga tauhan ni Daddy, malalagot ako sa aking ama, pag na laman niyang tumatakas ako.
Nang alam kong wala nang makakapansin sa akin sinunod kong nilaglag ang dulo ng kumot sa bintana.
Nspangiti ako ng mailaglag ko ang dulo ng kumot mabilis ang kilos kong sumampa sa bintana at todo kapit ako sa kumot, at dahan- dahan akong bumaba at todo dasal ko nasana walang makakakita sa akin.
Napangiti ako ng makaapak ang aking paa sa lupa ng walang nakakapansin sa akin, mabilis akong nag tago sa madilim na bahagi ng bahay dahil may naririnig akong mga yabag na papalapit.
Nakahiga ako ng maluwag ng maka makalampas ang mga ito sa tapat ko mabilis akong nag punta sa likod ng bahay dahil May hagdanan na bakal na pwede kong gamitin para makaakyat ako sa pader at makatalon sa kabila, ito lang ang pwede kong daanan, hindi ako makakadaan sa gate dahil tiyak na malalaman ni Daddy ang pag labas ko.
Tuwang-tuwa ako ng makita ko agad ang hagdanan na bakal, medyo mabigat ito kaya dahan- dahan kong binuhat at maingat ko itong isinandal ito sa pader.
"Ayos."
Mabilis akong umakyat sa hagdanan, upang makatalon ako sa kabila nang makaakyat ako sa pader walang katakot- takot akong tumalon, tuwang- tuwa ako ng makatalon ako mula sa pader ng walang kahirap- hirap.
Agad akong umalis at Maingat akong nag lakad pa layo upang mag hanap ng masasakyan, tamang tama naman dahil may paparating na taxi kaya agad ko itong pinara.
"Ineng, sasakay kaba?Tanong ni Manong ng huminto ito sa tapat ko.
"Opo manong."
"Oh, Sige sumakay kana hiyahatid muna kita sa pupuntahan mo bago ako gumarahe."Saad ni Manong.
"Saan kaba pupunta Ineng?Gabi na pagala gala kapa."Tanong muli ng driver.
"Sa sugar bar po."
Sagot ko, ang sugar bar kasi ang sikat na bar dito sa lugar namin at isa pa mayayaman lang ang nakakapasok sa bar na yon.
"Hay! Ang mga kabataan naman ngayon ibang iba na kaysa noon." Narinig kong Saad ni Manong ngunit hindi na lang ako umimik.
Malapit lang naman ang sugar bar kaya nakarating kami agad ni Manong.
"Manong bayad ko po."
Sabay abot ko kay manong ng isang libo.
"Miss, wala kabang barya wala kasi akong panukli sa'yo one hundred tweenty lang naman ang babayaran mo."
Saad ng matandang driver.
"Ganon po ba Manong? Hindi na bali wag niyo na lang po akong sukliaan sa inyo na po ang sukli."
"Nako Ineng malaking tulong ito sa akin."
Saad ni Manong habang nasa mukha nito ang saya."
"Sige po mag iingat po kayo."
"Siya nga pala Ineng, Mag iingat ka sa loob mag isa ka pa naman at isa pa wag kang mag papakalasing."
"Salamat po.
Wika ko sabay bumaba na ako sa taxi.