Tanghali na ng magising ako habang hawak ko ang aking ulo dahil sa subrang sakit ipinilig- pilig ko ito baka sakaling mawala ang sakit, ngunit ganon pa rin ang nararamdaman kong sakit.
Dahan- dahan akong tumayo sa higaan para uminom sana ng tubig, pag ka tayo ko hinanap ko ang ref dito sa loob ng aking silid ngunit hindi ko ito makita.
"Nanakawan ba kami bakit wala ang ref dito sa silid ko?
Iniikot ko ang aking paningin sa loob ng silid at ganon na lang ang aking pag tataka dahil napag tanto kong nasa ibang silid pala ako sa tingin ko silid ito ng isang lalaki dahil sa kulay at ayos ng kwarto.
Lumaki ang aking mata ng mapansin kong tanging bra at panty na lamang ang suot ko nakahinga ako ng maluwag ng wala naman akong naramdaman na kakaiba sa aking katawan lalo na sa tahong ko maliban lang sa labi kong nangangapal.
"Shiit! bakit nag kaganito ang aking labi?
at isa pa sino ang nag dala sa akin dito? Ang alam ko nasa sugar bar lang ako kagabi Paanong hindi ako nakauwi kagabi sa bahay? Alam ko nag titira ako ng pang- uwi sa bahay kapag Ramdam kong lasing na ako.
"Hindi kaya dinukot ako ng kung sinong animal at dinala ako rito "
Bulong ko Agad kong hinanap ang aking damit upang maka alis sa lugar na ito ngunit hindi ko ito makita kahit saan.
"Shitt! Saan ba yon? Paano ako makaka-alis hindi naman pwedeng umalis na nakapanty at bra lang, baka mapag kamalan pa akong pokpok.
"Nagulat ako ng bigla na lang bukas ang ang pintuan at pumasok ang isang lalaking may suot na maskara sa mukha."
Mabilis kong dinampot ang kumot sa ibabaw ng kama, at agad ko itong ibinalot sa katawan ko.
"Gising kana pala bababe?
"Hey! Ikaw ba ang nag dala sa akin dito?
"Ako nga."
Sagot ng lalaki habang nakakangisi ito sa akin ng nakakaluko.
"Bakit mo ako dinukot at dinala rito?!
Galit! Kong tanong ngunit ang animal tinawanan lang ako.
"Ikaw ang kusang sumama sa akin, babae ang sabi mo pa nga angkinin kita subalit nawalan ako ng ganang angkinin ka ang pangit pala ng katawan mo."
Pang- lalait ng nito.
"Hoy! Lalaking mukhang kapre ikaw lang ang bukod tangging nanlait sa katawan ko hindi mo ba alam maraming mga lalaking gusto akong mapangasawa."
Inis kong sambit! Dito.
"Talaga lang huh, siguro lahat ng lalaking nakapaligid sa'yo mga uugod na at apoy lupa pa."
Pang- iinsulto ng lalaki sa akin, Bwesit na lalaking ito ang sarap sungalngalin ang bibig.
"Nasaan ang akin damit? Para maka alis na ako dito, kakatagpuin ko pa kasi ang boyfriend ko baka nag hihintay na siya sa akin."
Tanong ko rito, ngunit ang lalaki napansin kong kuyom ang kamao nito na para bang nagalit ito sa aking sinabi.
"Tinapon ko na ang mga damit mo Dahil sinukaan mo ito kagabi kaya gumawa ka ng paraan kung gusto mong maka- alis dito."
"Bakit, mo tinapon pwede pa yonlabahan ahh."
"Sino ang mag lalaba ako?
Sagot ng lalakng baliw.
Shittt! Paano ako makaka- alis dito? Agad kong hinanap ang bag ko upang tawagan si Ate Baby; napangiti ako ng makita ko agad ang aking bag nasa ibabaw ng tukador, kinuha ko ang aking bag at hinanap ko ang aking cellphone sa loob nito.
Nang makita ko ang aking telepono agad kong tinawagan ang numero ng kasambahay namin na si ate baby, Nakailang ring na ang nasa kabilang linya ngunit wala pa rin sumasagot, siguro may ginagawa si ate Baby, ngunit hindi ako tumigil sa pag dial ng numero ng babae, hindi ko pwedeng tawagan si Mommy baka malaman pa ng aking ama na tumakas ako kagabi at sa ibang bahay pa ako natulog baka hindi lang sermon aabutin ko kay daddy, natuwa ako ng sagutin ni Ate Baby ang tawag ko.
"Hello, baby, pwede bang sunduin mo ako rito, napahinto ako sa pag sasalita dahil hindi ko alam kung saan lugar ako dinala ng lalaki, sandali lang Baby, hey! You, anong lugar ito?!
Tanong ko ngunit ang lalaki hindi ito sumagot, nagitla ako ng bigla na lang itong lumapit sa akin at agad niyang hinawakan ang aking braso.
"Sinong kausap mo, huh?!
"Sino kaba para alamin kung sino ang kausap ko! At isa pa bitiwan mo nga ako!
Sambit! Ko sabay winaksi ko ang kamay nitong nakahawak sa aking braso sira yata siguro ang ulo ng lalaking ito bulong ko.
"Pag tinatanong kita sumagot ka ng maayos babae, baka dito palang patayin na kita!
Pananakot nito ngunit napangisi ako sa kanyang sinabi ako pa talaga ang tinakot ng lalaking baliw na ito subukan lang niya na saktan at ako hindi ako mag dadalawang isip na labanan ang kumag na ito.
Maya-maya muli kong kinausap si Baby sa kabilang linya.
"Hello Baby."
"Hello, Ma'am may kaaway po ba kayo?"
"Wala wag mo nang pansin ang narinig mo may baliw kasing lalaking mukhang kapre akong kausap."
Saad ko sa kabilang linya, lumapit ako sa binta at sumilip para alamin kung anong lugar ako naroroon, Barcino, restaurant basa ko, parang malapit lang ito sa labrena restaurant na pag- mamay- ari ni Jett, na binabae kong kaibigan.
"Baby, Sumakay ka ng taxi at mag pahatid ka sa Barcino, rest.....
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang na lang hablutin ng lalaki ang telepon sa aking kamay, at agad niyang pinatay ito.
"Hoy! Lalaki ibalik mo ang Cellphone ko bumili ka ng sa'yo!
Sighal! Ko sa lalaki habang pilit kong kinukuha sa kamay niya ang telepono ko ngunit nagulat ako ng bigla na lang niyang binato ito sa pader, at ang masama nahati sa dalawa ang cellphone
"Hey! Bakit mo binato bayaran mo yan!
Galit! Kong singhal sa lalaki.
"Okay, babayaran kita."Mapang asar na sagot nito.
Shiitt! Paano ko tatawagan si Ate baby nito? Tiyak akong Hinahanap na rin ako ni mommy lalo na ang aking Ama, Uusok nanaman ang ilong ni Daddy nito pag na lamang niyang tumakas ako kagabi.