Mag uumpisa na sana akong kumain ngunit napakislot ako nang may marinig akong kumalabog sa labas ng bahay, tatayo sana ako para tignan kung ano ang kumalabog ng biglan kong naisip na baka may hinahanap lang ang mga tauhan ni Daddy, ngunit nagitla muli ako ng may kumalabog ulit, tumayo ako para tignan kung ano kumalabog sa labas iniwanan ko muna ang aking kinakain at humakbang ako palapit sa pinto ng kusina, agad ko itong binuksan at bahagya akong lumabas, ngunit wala naman akong makita maliwanag sa likod ng kusina dahil sa nag sisilbing ilaw sa labas ng bahay. Papasok na sana ako sa loob ng kusina ngunit hindi sinsadyang may mahagip ang aking mata na parang anino nang tao sa madilim na bahagi ng bahay, at alam kong nag tatago ito sa malalagong halaman lakas loob akong humakbang palapit s

