TERRY'S POV "Doctora, sure ka ba, na nandito yung damuhong Carreon? Gusto ko din makilala, ayeeh" Si Jenny ang nagsalita. Nakapa-halumbaba, na animo'y kinikilig ang gaga! Nandito kami sa bar. Ngayon lang ako naka saksi ng bar na walang babaeng sumasayaw sa gitna ng floor. Meron naman pero mga costumer din sila katulad namin. Actually kararating lang namin, dahil nag-aya si Dra. Nepomuceno, pero agaw pansin sa akin ang isang matipunong lalaki na naka-upo sa harap ng bartender. Ang mapapalad nitong mga likod ang agaw pansin sa akin. Kaya napapasulyap ako sa gawi niya. Pero hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod siya. "Jenny, would you mind call me my name? Wala tayo sa hospital gosh! " Maarte nitong sagot ni Dra. Nepomuceno kay Jenny. Kaya napabungingis ako. "Ay, sorry

