PROLOGUE
Prologue
"Isang pagkakamali lang ang nangyari sa atin Ms. Natividad, huwag kang umasa na pananagutan kita. You can leave. " hindi parin ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Nakita ko sa kanyang mukha ang pagkamuhi at nanlilisik nitong mga mata.
" Get this, and write how much you need it, " malamig nitong boses. Sabay abot sa akin ang isang cheque.
Gusto kong umiyak, pero hindi ko magawa. Sapo ang aking tiyan na meron buhay na hindi pa nakikita ang mundo, pero inayawan na siya ng sariling ama. Tumalikod ako at hindi ko siya sinagot o, sinulyapan man lang. Ni hindi ko alam kung bakit ganun siya magsalita sa akin.
Handa na sana akong sabihin sa kanya ang katotohanan na nagbunga ang gabing iyon. Ang gabing punong-puno ng kasalanan.
"Anak, Im sorry, hindi kaya ni mama na ipagtapat sa daddy mo na nabubuhay kana sa loob ng tiyan ko. Im sorry... " hindi ko maiwasan ang aking luha ng dumaloy mula sa aking pisngi.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Sinira ko ang mga pangarap ko sa buhay, ang matulungan ang aking pamilya na alam kong hindi ko na magagawa pa.
Lumabas ako sa kanyang condominium na malabo ang aking paningin dahil hindi matigil-tigil ang luha ng bumuhos na parang ulan sa aking mga mata. Singhot, pahid ang ginawa ko at alam ko, na sa akin na ang atensyon ng mga tao sa loob ng condominium. Wala na rin akong pakialam pa basta diretso ako sa paglakad upang makalabas na ako dito. Hanggang sa may nahagilap akong isang babaeng maganda, sexy at mukhang mayaman.
Nakita ko rin ang ama ng anak ko, na mabilis nitong lakad, at hindi man lang ako sinulyapan kahit alam kong nakita niya ako.
Mas lalo lang akong nasaktan ng makita ko ang ama ng dinadala ko, ay humalik at mahigpit na yumakap sa magandang babae. Alam kong wala akong karapatan na masaktan, pero bakit ang sakit-sakit sa puso ko na parang may karayom na tumusok ng pinong-pino. Pinunasan ko ang aking luha at agad ko ng nilisan ang condominium. Dumaan din ako sa kanilang harapan, pero tulad ng inaasahan ko hindi niya ako pinansin.
Umupo ako sa gilid sa labas ng building dahil hindi ko na kaya, hirap akong huminga, gusto kong sumigaw! Para lang maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
" Bakit ako! Bakit lagi akong nasasaktan! Ang iniingatan kong dangal, hindi man lang pinahalagahan! Kasalanan ko ang lahat! Kasalanan ko. " takip ang aking palad sa aking bibig upang hindi lang ako maka kuha ng atensyon ng mga tao, dahil sa malakas kong hikbi.
"Miss, are you ok? " Isang baritono ng boses ang aking narinig pero bago ko pa makita ang kanyang mukha ay nanlalabo na ang aking paningin dahil sa luha.
Tumingala ako sa kanya para aninagin ang kanyang mukha, ngunit nakaramdam ako ng panghihina at pagkahilo, napa pikit ako. Bago pa ako mawalan ng malay naramdaman kong nasa bisig na ako ng isang estranghero hindi ko kilala.
*****