Chapter 1

1550 Words
TERRY'S POV Alas-otso palang ng umaga ay dumating na ako dito sa Madrigal Hospital, kung saan dito ako nagtatrabaho. Ako si Terry Natividad 29-year-old, at isa akong nurse. Actually isa akong Ofw dati, kaso hindi ko malaman ang dahilan kung bakit bigla nalang akong na-banned sa Dubai, at 'yon ang dahilan kung bakit hindi na ako nakabalik pa noon. Wala naman akong nilabag na batas. Dalawang taon na rin ako dito sa Madrigal Hospital. Nagtaka din ako noon kung bakit nag-offer pa ang mismong Ceo sa akin, at tina-patan ang sahod ko sa Dubai. Sino ba naman ako para tumanggi diba? Isa pa malaking pabor na 'to sa akin. Mahirap lang ang buhay namin, ampon ako ng aking kinagisnang mga magulang. Dahil paggising ko sa isang silid noon, hindi ko na maalala ang aking totoong pagkatao. Maswerte ako dahil mabait ang mga taong kumupkop sa 'kin, kahit hindi nila ako totoong anak, minahal ako katulad ng pagmamahal nila sa aking mga kapatid. Yes, kapatid ko sila. Dahil hindi nila akong tinuturing na iba. Isa ito sa dahilan kung bakit, nag-pupursigi ako, upang matulungan sila. Kahit laging tumatanggi si mama, na dapat mag-iipon ako para sa aking sarili. Nag-iipon naman ako, pero syempre masaya ako sa aking ginagawa. Para bang ang gaan-gaan sa pakiramdam ko na kapag binigyan ko sila ng magandang buhay ay maging masaya na rin ako. Hindi na rin ako nagtanong sa kanila kung paano ako nakilala, o nakita. Ang mahalaga sa akin, minahal ako ng hindi iba sa kanila. "Nurse Natividad! " Muntik pa akong napaso ng biglang may sumigaw sa 'king pangalan, sakto kasi na hihigop sana ako ng kape. Inaangat ko ang aking mukha at sinimangutan ko siya! Kasi boses palang, kilala ko na. "Oh! Bakit ganyan ang mukha mo? Tsaka bakit ang aga mo? " Tanong niya sa akin, lokaret din ang babaeng 'to eh? Maaga daw ako e, ano kaya sa kanya? Fyi! Dito na yata siya natutulog! Parang nabasa pa ang nasa utak ko dahil binungisngisan ako ng gaga! Hindi pa nga ako nagsasalita noh! "Nag overtime ako kagabi! Utos ng boss! Bwisit talaga siya! Gusto ko ng umalis talaga dito! " Himutok niya, at pumunta na rin sa counter at nag-order rin yata ng kape. Tahimik pa rin ako habang pinagmamasdan siya. Siya si Jenny, naging kaibigan ko na rin dahil kay Cassandra. Mabait si Jenny at maganda, well, maganda din naman ako noh! Isa pa I am a sexy. Lokaret din ang babaeng yan, kaya siguro madali kaming nagkasundo. Umupo na siya sa tabi ko, at napahing pa ng malalim. "Hays..! Kailan kaya ako makakawala sa tikbalang na yun?! " Nakasimangot niyang bulalas, gusto ko tuloy mapabunghalit ng tawa kaso, nakakahiya. Dahi lagi niyang sinasabi ang katagang ito, pero hanggang ngayon, pareho pa kaming nandito, na hindi naman makaalis-alis. Tikbalang ang tawag niya kay Dr. Jayson Madrigal na siyang Ceo dito sa pinagtatrabahuhan namin, dahil daw sa malaki nitong tainga na kahit malayo ka maririnig niya. E, hindi naman 'yon malaki ang tainga. Lahat daw kasi ng ginagawa o sinasabi ni Jenny ay naririnig ni Dr. Madrigal. Ewan ko din ba dito sa kaibigan ko, sabi ko sa inyo lokaret eh! "E, bakit kasi nagtyaga ka pa? E, di umalis ka! " Tugon ko sa kanya. Sinamaan lang ako ng tingin, tingnan mo 'tong kaibigan ko. Napailing nalang ako at hinigop ko na ang aking kape, dahil malamig na. "Akala mo naman makakaalis ako ng basta-basta, kung alam mo lang. " Naiiyak niyang tugon sa akin, dahil asar ako. Naglabas ako ng panyo. Kunwari nagpupunas ako ng luha. "Sige, dagdagan mo pa, wala pa akong luha. " Tugon ko at pinalo lang ako sa braso. "Gaga ka talaga! Ewan ko sayo. " Mahina nitong tugon sa akin, mukhang may dinaramdam ang aking kaibigan at nag-seryoso na ako. "Sorry na po, ano ba kasi ang problema? " Seryoso ko ng tanong sa kanya, sa dalawang taon namin magkasama dito at bonding, kilala ko na siya. Masyado kasi siyang masekreto sa buhay. Hindi katulad namin ni Cassandra na sinabi na lahat yata ng kahit kasuluksulukan ng daliri namin. Pati talaga ang aking totoong pagkatao. Kasi para sa akin, hindi na iba ang bestfriend ko. "Wala, sabi ko bilisan mo diyan. Nandoon na pala si Mr. Laurel ang VIP mo. " sagot niya sa akin. Nagtaka pa ako. Merkules naman ngayon? Pero bakit dumating si Mr. Laurel ng ganitong araw? Tanong ko sa aking sarili. Supposed to be, Monday and Friday ang schedule niyang appointment. Hindi ko na rin pinilit ang 'king kaibigan na magsabi ng kanyang problema. Dahil ang motto ko sa buhay, kung ayaw magsabi ng problema ng iba, respetuhin natin. "Tapos na ako, ikaw hindi ka ba aakyat? " Tanong ko sa kanya. "Sabay na tayo. " Tipid nitong sagot. Mukhang may pinagdadaanan siya pero hayaan ko na lang. Sabay na kaming tumayo, dahil mag aalas-nuebe na rin. Naghiwalay na kami ni Jenny ng way, dahil assistant siya ni Dr. Madrigal. Samantalang ako isa lang akong simpleng nurse na may Vip na pasyente. Bakit ko nasabi na VIP? Ay ewan ko rin. Kasi sabi nila mayaman daw ang matanda at ako daw ang gusto nitong nurse, ang weird diba? At kilala daw siya ni Dr. Madrigal. Kung sabagay nga naman, isa itong hospital ang pinaka-malaki at sikat sa buong bansa! Kumatok muna ako sa private room, dahil sigurado ako nasa loob na si Mr. Laurel, ganito siya kaaga, nagtataka din ako minsan sa matandang 'to. Hindi ko naman nakikita ang kalaswaan, o kamanyakan. Basta feeling ko mabait siya. At sa tuwing kinakausap ako nararamdaman ko na para bang, ang gaan-gaan ng loob ko. "Tok-tok! " katok ko sa pintuan, at pumasok na ako. "Good morning nurse Terry. " Nakangiti niyang bati sa akin. Hindi pa nga ako nakakapasok sa loob, pero siya na unang bumati sa akin, habang naka-upo na siya. Ngumiti ako sa kanya, at binati ko rin. "Good morning po Mr. Laurel. " Nakangiti ko rin bati sa kanya, "How's your day hija? " Tingnan niyo? Oh diba kakaiba 'tong pasyente ko. Normal naman siya. Nginitian ko siya pero habang nag-uusap kami, chini-check ko na ang kanyang blood pressure. "Ok naman po ako Mr. Laurel, kayo po kamusta po kayo? " Sagot ko sa kanya, habang sinimulan ko ng i-pump ang inflation bulb para makita kung ano ang estado ng blood pressure niya. Normal naman ang blood pressure. Kaya kinuhanan ko siya ng dugo. Minsan naawa na din ako sa kanya, kasi naman sa tuwing pumunta dito lagi kong kinukuhanan ng dugo pa sa blood sugar niya. "Normal po ang blood pressure mo Mr. Laurel. I-check po natin ang blood sugar ninyo po. " Magalang kong sagot sa kanya. Nakangiti lang sa akin at tumango. Para bang, may nagbabadyang luha na gustong kumawala sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Nahabag tuloy ang aking damdamin. Pero ibinaling ko na lang sa iba ang paningin ko. Grabe kasi maka-impack ang matandang 'to sa akin. Parang ama kung tumitig. Napailing na lang ako. Nagulat ako sa kanyang blood sugar dahil ang taas! Pero hindi ako nagpahalata sa kanya at matamis ang 'king ngiti at humarap ako sa kanya. "Naku Sir, kailangan mo pong bawasan ang cholesterol na pagkain, especially po matatamis. At tsaka po bawasan natin ang rice natin hah. " Pabiro kong bulalas sa kanya. "Yes, hija, I will follow what you said. " Nakangiti niyang sagot sa akin. Binaba ko na rin ang kanyang polo mula sa kanyang braso dahil sa pagkuha ko ng blood pressure niya. At tumayo na rin siya. May hawak siyang tungkod na parang bang may iniindang sakit. Pumasok ang isang lalaki sa room kung nasaan kami, at inalalayan siya. Medyo nakahinga pa ako ng maluwang. Akala ko kasi, mag-isa na naman siya. Naawa ako sa kanya, minsan sinabi ko pa sa kanya na ako na lang ang pupunta sa bahay niya, pero ewan ko ba sa kanya, mabilis pa sa oras na tumanggi siya noon. At sinabi sa akin, siya na lang daw ang pumunta dito, para maka-pasyal rin daw. Kaya 'to siya two-times a week siyang nag pa-check ng blood pressure at blood sugar. Nang wala na sila sa 'king paningin, lumabas muna ako sa room, dahil wala pa naman si Dr. Nepomuceno. Inayos ko muna ang mga client nitong naka-schedule. Iba't ibang sikat na mga artista at mayayamang negosyante ang kanyang mga kliyente. Si Dr. Nepomuceno ay isang sikat na plastic surgery. Kaya nitong pagandahin ang mukha mo at pwede nitong gayahin kahit sino. Bilib na bilib din ako sa kanya noon una akong sumabak bilang assistant niya. Pero ang pinagtataka ko si Mr. Laurel. Ang matandang iyun, sa tuwing kasama ko siya, iba ang nararamdaman ko. At sa dami ng nurse dito sa Madrigal Hospital, ako pa ang napili niya. Habang palakad-lakad ako dito sa pasilyo, naha-gilap sa gilid ng aking mga mata, ang isang taong ayaw na ayaw kong makita sa tanan ng aking buhay. Kaya umusok agad ang aking ilong ng maramdaman kong palapit siya sa akin. Ngunit bago paman makalapit, umiwas na ako. Ang seste nabunggo ako b'wisit! "Tsk! Ang clumsy mo talaga Ms. Natividad. " Boses ng pinaka-ayaw kong lalaki sa balat ng lupa! The one and only womanizer Mr. Grey Sandoval.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD