TERRY's POV KINABUKASAN, mabilis akong bumangon sa aking higaan. Mabilis kong tinungo ang drawer ko at tiningnan ang binigay ni Grey sa akin kagabi habang kumakain kami. Kinurot ko ang aking pisngi, para malaman kung panaginip ito. Nakaramdam ako ng sakit, meaning kasi, totoo ang lahat ng pangyayari. Aaminin ko sa aking sarili, hindi ako makapaniwala kahapon ang mga nasabi ko sa kanya. Kinuha ko sa aking drawer ang maliit na box, napangiti ako, nangako ako sa kanya na isusuot ko lang kapag tuluyan na siyang naka move-on. Kahit pa sinabi sa akin, na pwede kong isuot anytime. Wala naman kaming label, pero nagtataka ako, bakit niya ako binigyan nito. "Diyan ka muna hah, wag kang magtampo, wag kang aalis. " Kausap ko sa maliit na box, na animo'y sagutin din ako. Napatalon pa ako sa so

