TERRY'S POV "Tulong!! " Hingal na hingal 'kong napabangon mula sa pagkabangungot. Parang totoo ang nangyari, sa aking panaginip, isang babae ang gusto akong barilin, pero hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Pero imposible 'yun. Dahil wala naman akong kaaway. Pumunta ako sa kusina, upang kumuha ng tubig. Nang may narinig akong boses. Parang boses ng aking kapatid. "Bakit ba kasi ayaw mo magpakita sa kanya? Alam mo ba na malaking problema ang pinasok mo?! " Nagulat ako sa malakas ng boses niya. Hindi niya ako nakita na pumasok sa kusina, dahil nakatalikod siya, mukhang galit ang 'king kapatid sa kanyang kausap. Kailan pa itong natutong ganun kung umasta? Sinindihan ko ang ilaw, kaya nagliwanag ang paligid, kung bakit nakalimutan pa yata niyang i-on ang ilaw. Halata sa 'king kapatid

