GREY's POV Habang nakatingin ako sa babaeng kinamumuhian ko sa matagal na panahon, ay hindi ko maiwasan ang hindi maawa sa kanyang kalagayan. Akala ko makakatikim siya sa aking bagsik, pero ito siya ngayon, parang kalansay na nakaupo sa wheelchair, dahil halata sa sobrang hina ang katawan. Tama nga ang mga kaibigan ko, ibang-iba siya sa Vanessa na nakilala ko noon. Kung hindi lang sa mukha niya, malamang hindi ko na siya makilala pa. Ayon sa sinabi ni sister Charita, dalawang taon na siyang nandito, at palaboy-laboy noon. Naoperahan sa puso, kaya pati ang kanyang utak naapektuhan. Kaya siguro hindi niya rin ako makilala pa. Para siyang maamo na tuta na hindi man lang maiangat ang mukha niya sa akin. Nakaupo ako ngayon sa kanyang harapan. Hindi na rin ako nagtataka pa, at sinundan p

