Umuwi ako ng bahay ng hapon na yun na hindi mawala ang ngiti sa labi. Tuwing maaalala ko ang mukha ni Rain di ko mapigilang kiligin. Matindi na yata ang tama ko sa mokong na yun. Hay.
Mag di-dinner na sana kami ng tawagin ako ni mama dahil may kumakatok daw sa gate at hanap ako.
" Sino naman kayang istorbo 'to?!" sabi ko sa sarili ko at padabog na bumaba ng bahay. Ang sarap pa naman ng ulam namin paborito kong tortang talong.
Nakakailang hakbang palang ako nang matanaw ko ang isang hindi inaasahang bisita. Kinusot kusot ko pa mata ko at kinurot pisngi ko dahil baka nag iimagine na naman ako. Nakita niya yata ang ginawa ko kata bahagya siyang natawa.
There he was outside the gate. Nakaangkas sa bike, nakasuot ng blue shirt, pawisan at nakasukbit ang kanyang black na bag sa magkabilaang balikat.
'Nyeta Jas anu tohh may extension ang kilig moments niyo!!!'
Sa mga oras na ito nakasuot lang ako ng oversized shirt at shorts at naka messy bun. Dyahe. Ang g**o ng itsura ko!
'Shet! Ba't ba kasi bigla bigla nalang ito nasulpot eh.'
Inayos ko muna ang sarili ko at pinilit itago ang kasiyahan ko sa biglaang pagdalaw niya. Kausap siya ni mama nang makalapit ako sa gate.
"Gabi na sa loob na kayo mag-usap baka makita ka diyan ng mga uncle at lolo mo mapagalitan kapa,"Sabe ni mama at iniwan niya na kami para pumasok ng bahay.
"Opo ma." maikli kong sagot habang nakapako na ang mata ko sa pawisang lalake sa harap ko.
"A-anong ginagawa mo dito Rain??", nagtataka kong tanong. Totoo namang nagtataka talaga ako di lang eme eme sinong hindi diba. Yung makita mo sa harap ng bahay niyo yung crush mo ng ganitong oras.
" School activity. Kailangan na natin pag- usapan yun," maikli niyang paliwanag.
Medyo disappointed naman ako sa sagot niya kasi akala ko dinalaw niya talaga ako. Nag expect lang ako nang beri lyt dun.
Pssh.. yaan na nga. Tama naman malapit na pala ang Foundation Day lagot kami pag wala kaming naipresent mag partner.
'Mag- partner. Emeygehd. Kakilig.'
Dinismiss ko mga iniisip kong di maganda at mahalay. Binuksan ko ang gate at pinatuloy siya sa bahay.
"Ma, dad, si Rain classmate ko po," pagpapakilala ko sakanya sa parents ko.
Tila naman di nagustuhan ni dad ang pagpunta ng isang lalaki sa bahay namin ng ganitong oras pero di niya pinahalata.
Nakita kong medyo nabahala si Rain sa facial expression ni dad pero nag sign pa din siya na magmamano sakanilang dalawa kaya ako na dumipensa para sakanya.
"May kailangan kasi kaming planuhin na presentation para sa Foundation Week kaya siya nandito."
'Confident pagkakasabe pero kabado na yan ghurl.'
Ngayon lang kasi may nagpunta dito samin na lalaki na tumuloy mismo sa loob ng bahay. Yung mga friends kasi naming mga lalaki ayaw magsipasok sa bahay kasi natatakot sila kay dad. Malaking tao kasi si dad tapos ang laki pa ng boses.
"Kumain na muna kayo bago niyo yan gawin," sabi ni mama saka nagpatuloy sa pagkain.
"Tara Rain kain muna tayo," pag- aaya ko sabay kuha ng extrang plato, kutsara at tinidor.
Hindi naman na tumanggi si Rain at naupo na din. Magkatabi kami ngayon kumakain sa dining table namin.
Ahh...kumakain kami ng sabay sa bahay namin.
Magkatabi kami sa dining table namin..
'Is this for real?????.....'
Parang ang surreal ng mga tagpo. Di ko tuloy mapigilan na tumingin sakanya ng palihim at kita kong sarap na sarap siya sa tortang talong na ulam namin.
Dahil nga panay titig lang ginawa ko kanina heto gutom pa din ako kahit kakatapos lang namin mag dinner.
Pero yung puso ko mga teeh busog na busog!! Ahiii!!!
Nagpunta na kami sa sala at nagsimulang mag- usap tungkol sa gagawin naming presentation.
" Ah.. eh.. ano ba ipe- present natin?" panimula kong tanong. Halos masamid na ako sa sa sarili kong laway dahil pinipigilan ko ang dyaskeng ngiti na ito na kanina pa gusto kumawala sa labi ko.
'Ang hirap magpigil ng kilig juskoo!!!'
"Diba maganda boses mo, bakit hindi ka kumanta?"
'Hala teka, akala ko napapangitan siya dati sa boses ko dahil panay hikab lang ginawa niya noon. What the heck Rain nililito mo ang puso ko!'
Sumimangot ako bigla. " Maganda eh bakit panay hikab mo nung kumanta ako?? Alam mo bang pikon na pikon ako sayo 'nun?!" Inirapan ko siya at pinag krus ang mga braso ko.
"Hala, sorry naman. Puyat kasi ako that time kakabasa."
" Tse!" pabiro kong pagtataray.
" Ah... ano... marunong ka bang mag drawing?" pag-iiba niya ng usapan. Yung mga titig niya ay ang hirap salubungin kaya't sinusubukan ko nalang huwag siya masyado tingnan.
Lingid sa kaalaman ng lahat bukod sa pagkanta may talent din naman ako sa pagdo- drawing. Nakahiligan ko siya nung elementary palang ako.
" Ahh, oo. Ayan mga paintings ko sa dingding." nahihiya kong sabi saka itinuro isa isa yung mga naka frame kong paintings.
" Ang galing mo naman." Mangha niyang puri sakin sabay ngumiti ito nang malapad.
'Rain takte ka tigilan mo pagngiti para na akong aatakihin sa puso dito!!'
" Gumawa nalang tayo ng slogan or poster. Ikaw sa mga tao, ako sa mga structures." paliwanag niya.
" Okay sige."
Dahil may pagka Girl's Scout ako't laging handa lahat ng kailangan namin para mag drawing ay nasa loob ng toolbox ko. Inilabas ko ito at nagsimula na kaming mag drawing no Rain.
Sa kabila ng sobrang awkward na situation na ito ay nagawa naming simulan ang poster.
"Ayos! May ipe- present na tayo!" excited kong sabi at sabay nakipag - apir sakanya na ginantihan niya din ng pag- apir sa palad ko. Sa unang pagkakataon ay narinig ko siyang tumawa.
" Hahaha!! Nice."
" Ayaw mo talagang kumanta?" nakangiting pang- aasar niya.
" Sige mang- asar ka pa Rain Castro". Sinamaan ko siya ng tingin pero lintek bigla naman itong humagalpak ng tawa.
"Ahahahaha!!!"
'Ang kyoot kyooot niya tumawa grabeeh!!!'
May pagkasingkit kasi siya kaya nung tumawa siya halos nawala na yung mata niya.
'How not to faint mga teeh!! Ang kyuut niya mygahd!!!'
'Ang harot ng utak ko grabe!'
Habang nagtatawanan kaming dalawa ay napansin ko yung oras sa wall clock namin. Shuta!Mag-aalas nwebe na!
Napatigil ako sa pagkukulay at nagseryoso ng mukha.
"Uy Rain alas otso na di ka pa ba hahanapin sainyo? Madilim na sa daan wala yata ilaw ang bike mo," may bahid ng pag- aalala kong sabi.
Napatingin din siya sa orasan at napabalikwas bigla.
"Aw s**t!! Sige. Uwi na ako. Tapusin nalang natin yan bukas sa school," sabi niya at mabilis akong tinulungan magligpit ng mga art materials. Sa kamamadali namin ay bigla niya tuloy nadampot ang kamay ko imbes na yung ruler ang kukunin niya.
Nagkatinginan tuloy kami at parang saglit na tumigil ang oras.
Kung hindi ko iginalaw ng konti ang kamay ko na kanina niya pa hawak ay hindi niya ito bibitawan.
'Ayoko na! Quota na ako sa kilig today! Bukas naman!'
"s**t! S-sorry Jas!" kinakabahan niyang hingi ng tawad sa akin habang hawak niya ang kamay niya na kanina ay hawak ang kamay ko.
" Bilisan mo diyan! Yung oras oh!" Pinagmadali ko na siya dahil una gabing- gabi na at pangalawa baka himatayin na ako sa mga ganap ngayong gabi.
Dahil ng mga oras na yon ay nasa kwarto na sila mama sinabihan nalang niya ako na ipagpaalam ko nalang daw siya sakanila.
Hinatid ko siya hanggang sa gate. Sumampa na siya sa bike pero bago siya umalis ay may inabot siyang nakatiklop na pink na papel saka pangiting nagsabi na,
" Salamat. Good night", nakangiting sabi niya, sabay mabilis na pinaandar ang bike niya palayo sa kinakatayuan ko.
Mag sa-sampung minuto na yata siyang nakaalis pero nakatitig pa din ako sa kalsada at animo'y may tinatanaw pa rin kahit kanina pa siya nakaalis. Hindi pa rin ako makapaniwalang nanggaling siya dito sa bahay.
Si Rain.. haaaay....
Nagtapon ako ng huling sulyap sa gawing yon ng kalsada at saka pumasok na ng bahay. Inantay ko munang mag lights off na saka ko binasa ang sulat niya gamit ang isang maliit na flashlight.
Umalingasaw ang napakahalimuyak na amoy ng papel. Amoy roses. Inamoy- amoy ko muna ito at pagkatapos ay hinalikan pa. Haha! Binuksan ko na yung nakatiklop na papel pagkatapos at saka sinimulang basahin ang nakasulat:
Jasmine,
Hi. Thank you noong sa covered court tayo for lending your shoulders and for not asking any questions.
Nga pala nagpunta ako ngayon sa bahay niyo hindi lang dahil sa activity natin but also because I want to see you.
Rain
Nakailang beses ko na yata binasa ang sulat ni Rain pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Para akong nasa alapaap ngayon.
Alam niyo yung kilig level na para kang hinalikan ng crush mo?? Ganung level ng kilig teh!
Hinawakan ko din ang kamay ko na nahawakan niya kanina at itinapat sa may puso ko saka parang bulateng nagpagulong- gulong sa higaan sa sobrang kilig! Nababaliw na ako.
Natigil lang ako sa kahibangan ko ng sumilip bigla c dad at pinagalitan ako kasi gabi na daw at may pasok pa bukas.
Sa kagustuhan kong mapanaginipan siya ay naisip kong ilagay ang sulat niya sa ilalim ng unan ko.
Hinalikan ko muna ulit yung letter bago ko inipit sa ilalim ng pillow ko at nakangiting pumikit.
'Mygahd ang haroooot haroot ko!!!!'