October 11, 2019
Dahil hindi ako dalawin ng antok kaya't naisipan kong magbukas muna ng social media accounts ko. Sa kakascroll ko ay napadaan sa newsfeed ko ang isang post ni Belle. Isa na siyang teacher ngayon at napangasawa niya yung high school crush niya. Nangiti ako ng naalala ko mga kalokohan namin nung high school at kung paano sila kiligin din kay Rain dati.
Flashback...
June 18, 2005
JASMINE'S POV:
Ilang araw din ata ako kinulit ng dalawa tungkol kay Rain hanggang sa nag desisyon akong i- share ang lahat ng encounters ko about Rain.
Di ko malaman ang emotions na pinakita ng dalawa. Magkahalong gigil, inis, excitement at kilig sa bawat kwento ko. Nalaman man nila atleast nalinaw ko na wala kaming relasyon ni Rain.
Sinabi ko ang lahat maliban sa binulong niya sakin at sa nangyari sa amin sa covered court. Gusto kong ako lang ang makaalam nun. Besides I already invaded his privacy at ayoko namang mas iinvade pa yun by telling others what I saw.
" Kyaaaahh!!! Grabeh!Nakakakilig!!!"
" Shet si Rain ba talaga nagsabi nun?!"
" May tama yata sayo yang Mr. Suplado na yan eh."
Kung di ba naman mga baliw mga 'toh kala mo ang layo layo namin sa pinag- uusapang tao eh. Kahit pa nagbubulungan lang kami pero medyo hindi ganun kaingay ang classroom ngayon kaya't posibleng marinig pa rin siya ng iba.
" Shh!!! Tumahimik nga kayo." saway ko sa dalawa.
Tumawa nalang silang dalawa pero hindi pa rin ako tinantanan sa kakatukso dahil panay sign language pa rin sila ng kiss at heart tapos titingin kay Rain tapos titingin ulit sakin.
" Hay ewan ko sainyong dalawa balik na nga ako sa upuan ko!" asar kong sabi.
" Ayiiiee, namiss agad si Rain." si Belle yan habang sinisiko siko ako. Pinandilatan ko lang siya sabay tayo at lakad pabalik sa upuan. Pero bago pa ako nakarating sumigaw bigla si Aemie,
" Raaaain crush ka daw ni Ja--kkaaaaarggrrm!!!"
Mabuti't natakpan ko bibig ni Aemie bago pa niya nasabi pangalan ko pero tanga nalang ang hindi makakagets nun. Huhu.
Lumingon bigla si Rain nang marinig niya pangalan niya. Tumingin lang siya saglit sa gawi namin bago ibinaling ulit ang atensyon sa binabasa niya.
Makakuha ka din talaga ng kaibigang pinaglihi sa parrot. Hay ang daldal!
Sinamaan ko nang tingin ang dalawa saka bumalik na ng tuluyan sa upuan ko makaiwas man lang sa panunukso ng dalawang ito. Dapat di ko nalang pala sinabe. Mygahd!
End of flashback...
October 11, 2019
May mga pagkakataon dati na madalas pag Math na ang subject ganito eksena namin. Yung bigla nalang niya aagawin notes ko. Tapos pag English na ako naman ang kukulitin niya. Feeling ko na survive namin ang mga subjects na ito dahil sa isa't isa.
Flashback...
June 25, 2005
So eto ngayon Math subject na ulit. Gusto ko nang umiyak kasi di ko talaga maintindihan mga tinuturo ni Ma'am. Sulat lang ako ng sulat sa notebook ng kung anong nakikita ko sa blackboard pero wala naman ako maintindihan.
3x + y = 5
7x + y = 15
____________
10x = 20
____ ____
10 10
x= 2
Teka anu daw, pano naging two? Potek yan. Napapakamot nalang talaga ako sa ulo.
Nang biglang ...
"Akin na nga,"
Hinablot ni Rain ang notebook ko at saka nilapag sa desk niya. Hinatak niya ng konti ang upuan ko dahilan para magdikit ang mga braso namin.
"Ganito."
Nagsimula siya magsolve ng equations na sa totoo lang mas madaling intindihin kesa sa explanations ni Ma'am. Buong Math subject ata ay nasa ganun kaming posisyon.
" Kaya naging 2 ang sagot ay dahil kelangan mong i- cancel yung dalawang y kasi same sila ng value."
Imagination:
Nasa lugar kami na puno ng mga bulaklak.
" Raiiiin habulin moko. Ahihihi!!!"
" Andiyan na ako love!!"
" Ahhhy!! Oh no!"
Nadapa ako kunwari saka napahiga.
Naabutan ako ni Rain at dumapa siya sa ibabaw ko. Hinaplos haplos niya ang mukha ko gamit ang daliri niya saka dahan dahan na nilapit ang mukha niya.....
" Huy!! Nakikinig kaba? Ba't ka nakanguso diyan? Tss."
Shet.. Nakakahiya na.
" Uy hindi ah. Oo naman nakikinig ako. Kinakagat ko lang labi ko sa loob kasi naka focus ako sa tinuturo mo anu kaba." palusot ko nalang.
What the f*ck is that imagination??
" Tss.." yun lang ulit sinagot niya sa kahaba haba ng paliwanag ko. Pero namalik- mata yata ako at nakita kong nag blush siya? Ah ewan baka nag- iimagine lang ulit ako.
Sinubukan kong mag concentrate pero wala nang ibang laman ang isip ko kundi yung imagination ko kanina.
Yawa! Nalintikan na.
Crush ko na ata si Rain.
Sinulyapan ko siya nang palihim.
Mas cute pala siya sa malapitan.
Yung eyeglasses niya na cute na cute ang pagkakapatong sa ilong niya.
Yung mga labi niya na maliliit pero medyo makapal at mapula.
Yung boses niya na malamig at nakakatakot pero parang biglang naging musika sa pandinig ko.
Kailangan ko na yata magpa doktor may sakit na ata ako sa puso. Bigla-bigla nalang bumibilis ang t***k! Jusko heart. Stop it!
Maiba lang, nagtataka ba kayo kung bakit parang ang bopols ko sa klase? Actually sa Math lang naman talaga. Pero sa ibang subject nag eexcel ako lalo na sa English. Its my favorite subject of all. Ire-redeem ko lang saglit ang sarili ko kasi masyado na akong naaaapi sa sarili kong kwento. Hahahhaha!!!
Fast forward tayo sa English subject!
" Who can tell me the main lesson of the story we just read?", tanong ni Ma'am Aven sa buong klase pero parang sobrang tahimik ata namin at kulang nalang may marinig kang huni ng crickets sa labas.
Dahil wala naman nagtataas ng kamay ay ako nalang nagprisintang sumagot. Nakakaantok kasi magturo si Ma'am Aven. Bukod sa medyo mahina boses niya mabagal pa siya magsalita. So instant may lullbaye na kami lagi tuwing subject niya.
Nagtinginan ang lahat sa akin ng tumayo ako at nagsimulang sagutin ang tanong maging si Rain ay napatingala sakin at nagsimulang makinig.
" The moral lesson in the story My Brother's Peculiar Chicken is we must not judge others based on their outer appearance. No matter how ugly or beautiful that person is we're not in the right position to judge him or her or to assume anything about their character. A good looking person may not always be a good person. A bad looking person may not be a bad person at all."
"What a beautiful explanation Ms. De Mesa. Thank you," nakangiting puri sakin ni Ma'am.
Pagkaupo ko ay medyo may kaba factor pa ako. Yun kasi yung ayoko yung napupunta sa spotlight. Mahiyain akong tao. Introvert kung baga. Kwento ko lang saglit kung bakit.
Grumaduate ako ng elementary na valedictorian. Dahil sa sobrang tuwa at proud ng mga magulang ko sakin nagdesisyon silang pag enrolin ako sa isang private school.
Hundred percent libre tuition ko pero sobrang ginapang namin ang mga pang miscellaneous ko. Books, workbooks, projects, mga kung anu anong fees. Dagdag mo pa yung araw araw kong allowance.
Buti nung elementary pa ako eh di ko kailangan mag commute at magbaon pero ngayon kelangan ko na. Dahil nga sa private school yun karamihan ng mga naging kaklase ko ay mga mayayaman kaya na bully ako.
Galing kasi ako sa mahirap na pamilya lang at wala kami pambili ng mga bagay na meron mga kaklase ko. Hindi ko malaman kung bakit sa buhay mga mayaman lang ang may karapatan na sumaya at mga mahihirap ang nagdudusa.
Pero tiniis ko yun dahil desidido akong makapagtapos ng pag- aaral. Hanggang sa dumating ang araw na bigayan na ng card at isang masamang balita ang natanggap ko.
I received a 74 final rating in Math.
Gumuho ang mundo ko.
Nawala ang full scholarship ko kasi hindi ako pwede magkaroon ng grade lower than 75.
Napilitan kaming mag transfer ako sa public school dahil hindi kaya ng parents ko na pag aralin pa ako sa school na yun.
Nang dahil sa Math kaya gumuho mga pangarap ko. Alam niyo na kung bakit sobrang galit na galit ako sa subject na toh.
Kaya ako napadpad sa public school na ito at nakilala ang mga taong tumanggap sakin.
The end. Charot. Pero dahil nga sa trauma ko sa pangbubully sakin dati kaya nagkaganito ako. Pili lang ang mga kaibigan sa school.
Back to reality. Nakita kong bahagyang napa smile si Rain pagkaupo ko na tila na impress sa pag recite ko sa klase.
Take that Rain Castro. Kala mo ikaw lang magaling ah.
Kasunod nun ay nagbigay si Ma'am Aven ng instructions na magsulat ng alternate ending sa story na binasa namin. Pinakuha niya yung Formal Theme namin at binigyan kami ng 30 minutes to finish it.
Sobrang excited ako magsulat since ito talaga ang pinaka favorite kong part pag English na ang subject ang magsulat. Kapag kasi nagsusulat ako para akong napupunta sa iba't ibang dimensyon. Tila naglalakbay ang utak ko.
Nagsisimula palang akong magsulat eh nakaramdam ako ng pasimpleng kalabit sa braso ko.
Si Rain pala.
"Oh bakit?", medyo naiirita kong tanong sakanya kasi alam mo yung in the zone kana tapos may gagambala sayo. Kahit crush ko pa yan.
"Patulong naman oh," nahihiyang pakiusap nito. Kahit medyo nabadtrip ako dahil nawala ako sa focus eh keri na.
'Pfft! Ang cute niya magpaawa effect oh. Aisht!'
Yung eksena namin kanina sa Math eh nabaliktad na. Siya naman yung nakatitig sa akin este sa sinusulat ko at ako naman yung nagtuturo.
Pagkatapos nun ay nagpasalamat lang siya at nag focus na din magsulat ako naman ay bumalik na sa sinusulat ko pero this time mas ganado at inspirado dahil sa small encounter namin na yun ni Rain.
'Tinamaan ng lintek, crush ko na talaga 'tong supladong toh.'