Chapter 4: Corridor

1600 Words
October 11, 2019 Mag- aalas kwatro na ng umaga pero ayaw pa rin ako dalawin ng antok. Patuloy na nagrereplay sa utak ko ang mga pangyayari noon. Habang mahimbing na natutulog ang fiance ko sa tabi ko heto ako ibang lalake ang iniisip. 'Why am I being tortured by these bittersweet memories??' 'What happened to us??' ' Magkikita pa kaya kaming muli?' Kahit anong tanong ang itanong ko sa sarili ko wala akong makuhang malinaw na kasagutan. Ilang beses ko na tinangkang sendan siya ng message pero nilalamon ako ng takot at hiya. He's busy being successful. Wala na siyang panahon sa mga ganitong kadramahan. Napadaan sa news feed ko yung isang post niya nung isang araw. Nasa Hongkong siya right now for a vacation. Memories of our plans together flooded my head. Isa yan sa mga pinangarap namin na gawin magkasama dati. To travel together pag may sapat na pera na kami at magandang trabaho. I'm supposed to be beside him sa picture na yun. Haaay.... Now I suddenly remembered our corridor scene before. Ang random ng mga thoughts ko. Ganito talaga siguro kapag sobrang tumatak sa isipan mo ang isang tao. Flashback.. June 16, 2004 MY POV: Kinabukasan malayo palang ako sa classroom nakita ko sa corridor ang dalawa kong bestfriend ngiting ngiti ang dalawa at halos magkanda dapa dapa sa pagtakbo papalapit sakin. Sandali akong huminto sa paglalakad para antayin sila. Hingal na hingal ang dalawang loko kung bakit ba naman kasi kelangan tumakbo eh pwede naman maglakad. Minsan masarap din tuktukan sa ulo tong dalawang toh eh. He.he. "B-b-bbes- *hingal*sh.... a...*hingal* a-nung me-*hingal*.. ron sainyo ni... ni... Rain?!", halos maubusan na ng oxygen na tanong ni Aemie na nakahawak ang isang kamay sa dibdib niya at isa naman nakapatong sa balikat ni Belle na hapung hapo rin. Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Umagang umaga ganito salubong nila sakin. "Bakit, anung meron? Bakit niyo minention si Rain?" Nakakunot- noo kong tanong sakanila. 'Pati ba naman 'tong dalawang ito ay dadagdag pa sa iniisip ko. Aisht!' Unti unti naman na nila nahabol hininga nila at this time si Belle naman ang nag salita. "Nakita namin kayo kahapon magkahalikan sa puno ng mangga sa garden.Anu yon ha? May nililihim kaba samin?Ha? Ha??!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Belle at tumatak sa utak ko yung word na magkahalikan. Nagsimulang uminit bigla ang mga pisngi ko at buo kong katawan. " Halaa besh nagbblush ka oh. Ohemgee!" "Uy! May boyfriend na si Jasmine!!!!Ayiiiie!!!" "Sana lahat may boyfriend na! Yiiiie!!!" Pinilit ko naman awatin mga bibig ng dalawa pero sadyang pagdating sa mga ganitong chika eh mga eksperto na 'tong dalawa. Sa kalagitnaan ng pagtutuksuhan namin ay biglang natigil ang dalawa at tila nakakita ng multo sa likod ko. "Oh bat kayo nanahimik? Puro kayo Rain, boyfriend!" Nangangatal- ngatal na sumagot si Aemie, "B--bb-ee-ssh... s..ss.i R..rr..ain," sabay turo niya sa bandang likuran ko. 'Ano na naman toh Jas?! Isa na namang nakakahiyang encounter with Rain! Whyyyyyyy???????!' Dahan - dahan akong lumingon sa likod at ayun nakita ko ang kabuuan ni Rain. Nakatingin at tila nanlilisik mga mata. Nakapako ang mata niya sakin. If stares could kill kanina pa ako nakahandusay dito, duguan. Akala ko'y magsasalita siya ng tungkol sa nadinig niya, o narinig ba niya talaga?, ngunit isang malamig na "nakaharang kayo sa daan" lang ang sinabi niya saka nagsimulang maglakad papalayo samin nang tumabi ang dalawa para mag give way sakanya. "HAAAAAAY......!!!!!" Sabay- sabay kaming nagpakawala ng pigil na hininga dahil sa nangyari. Alam mo yung feeling na nanood ka ng thriller movie tapos makapigil- hininga yung eksena. Ganun na ganun ang feeling. " Jas bat ganun boyfriend mo nakakatakot," usisa ni Belle pero nanginginig nginig pa ng konti. "Hindi ko nga siya boyfriend anu ba kayo!!!" "Eh bat kasi kayo naghahalikan kahapon?!" Wait whut.. ano daw.. kahapon??? Sh*t! Nakita nila kami ni Rain!!! "HINDI KAMI NAGHAHALIKAN!!!" RAIN'S POV: Sa sobrang lakas ng sigaw ni Jasmine ay napahinto ako sa paglalakad at nagsimulang maglakad pabalik sa kinatatayuan niya. Kung bakit? Narinig kong ako ang pinag- uusapan nila at nalaman ko na rin kung sino ang nanonood sa amin kahapon. Gusto kong takutin silang tatlo ng sabay sabay kaya't kailangan ko ulit umacting. Habang palapit ako ay hindi na naman siya makagalaw at halos nakapako na paa niya sa sahig. Maging ang dalawang usiyosera ay wala na rin imik at tila nanigas na din sa kinatatayuan nila. 'Nakakapanic yata talaga ang kagwapuhan ko.' Paglapit ko sakanya ay hinablot ko ang braso niya bigla. Hinila ko siya palapit sa akin saka bumulong pagkatapos ay tumalikod na ako at naglakad ulit palayo. Mission accomplished Rain! Haha. JASMINE'S POV: Nang hindi na namin siya matanaw ay saka lang ako nakagalaw ulit. " What the hell was that about Jas!?" Wala akong naisagot kay Aemie sa tanong niyang yan. Tila natauhan din naman agad si Belle saka nagtanong. "Ano ngang tawag mo sa magkadikit ang dalawang mukha ng babae at lalaki??"sabi niya na nakapameywang. "Iba yon! Hindi nga kami naghalikan ang kulit niyong dalawa! Tara na nga baka ma late pa tayo!!!", pag- iiba ko ng topic para tantanan na ako ng dalawang toh. "May utang ka samin na kwento ha. Kasi naman si Ma'am eh may pa seating arrangement pang nalalaman di tuloy tayo makapag chikahan sa upuan." dismayadong sabi ni Belle. Seating arrangement. Anak ng sinumpang manok! Muntik ko ng makalimutan na seatmate ko nga pala si Rain at hindi lang sa isang subject kundi sa buong maghapon siya ang katabi ko sa klase! I'm sooo..sooo..dead. Bago kami nakapasok ng classroom ay napa sign of the cross nalang ako at napalunok. Yung kagabing sinabi ko na hindi na ako magpapa intimidate sakanya ay nilunok ko rin. Pagpasok namin ng classroom ay dumiretso na agad ako sa upuan ko. Mabuti na lamang at wala pa siya sa upuan niya. Baka malusaw ako sa hiya kung nagkataong kailangan kong dumaan sa harap niya para makaupo sa upuan ko. Malapit na dumating ang teacher namin sa Science ay wala pa rin siya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Alam kong galit ako sa kumag na yun pero di ko naman gugustuhing ma late siya sa klase at mapagalitan. At ewan ko rin kung bakit hindi ko mapigilang isipin siya. Magkakalahating oras na ay wala pa rin siya. Kahit ang lesson namin ngayon ay about sa gravitational force at mga laws of motion chuchu ay hindi ko mapagtuunan ng pansin kakaantay na pumasok si Rain sa classroom. Tinawag naman ako bigla ni Mother Nature kaya't nagpaalam akong lalabas saglit. Dumiretso muna ako sa CR para paginhawain ang pantog ko saka ko napagdesisyunang libutin ang campus para hanapin siya. Kung bakit ko ginagawa ito ay hindi ko rin alam. Napadpad ako sa covered court kakaikot ko at doon ko siya nakita. Nakasalampak sa sahig at nakayuko. Nilapitan ko siya ng dahan dahan at narinig ko ang mahina niyang paghikbi. Sh*t! Ba't umiiyak si Rain?! Agad ko siyang nilapitan at nakita kong may hawak siyang isang picture pero di ko nakita kung anong itsura nung nasa litrato dahil agad niya itong ipinamulsa at nagpunas ng luha niya gamit ang palad niya nang makita niya ako. End of flashback... Bigla kong naalala yung naabutan ko siyang umiiyak noon sa may covered court ng school. Matagal na panahon bago niya ipinakita sakin ang picture na hawak niya. It was his sister's picture. Death anniversary niya pala nung araw na yon.  Flashback... JASMINE'S POV: Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya at umupo ako sa tabi niya. I get it ang weird ko. Sinusungitan niya na ako pero ako pa din itong lapit ng lapit sakanya. Naririnig ko ang bawat buntong hininga niya at nakikita sa peripheral vision ko kung paano niya pigilan pag iyak niya. RAIN'S POV: Sobrang nahihiya ako kay Jasmine dahil naabutan niya ako sa ganitong kalagayan pero hindi ko talaga mapigilang hindi umiyak. 1st death anniversary ni Summer ngayon. Nalunod siya sa dagat last year nang inaya ko siyang mag beach. Hindi kami nagpaalam kila mama at papa 'nun kaya't sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay niya. Kaya din kami lumipat ng tirahan ay sabe ni mama para daw makalimutan namin ang masakit na pangyayaring iyon kahit papaano. Nagulat ako nang ipinasandal ni Jasmine ang ulo ko sa balikat niya. Ito ang unang beses na may gumawa nito sa akin. Ito din ang unang beses na nagawa kong ipakita ang vulnerable side ko sa isang babae. I feel comfortable around her for some reason. Ang kaisa- isang bagay na yun ang lumusaw ng lahat ng masasamang iniisip at binabalak ko sa babaeng ito. Walang umiimik sa amin. Ganito lang kami ng ilang minuto. Ipinikit ko ang mga mata ko to cherish this moment. Kasabay nang pagdadalamhati ko sa alaala ng kapatid ko ay ang feeling of calmness na binigay ni Jasmine sa mga oras na ito. JASMINE'S POV: Sa sandaling minutong ito ay nakita ko ang ibang side niya. May kung ano sa puso ko na parang humahatak palapit sakanya. It's like my heart' s telling me to know him more. That I think Rain Castro is not just a rude, arrogant jerk. That maybe I should get to know him more from now on. Nasa ganun kaming ayos nang may maalala ako. Bigla akong napabalikwas. Mabuti na lamang mabilis ang reflexes ni Rain kaya't hindi siya natumba. " Sh*t Rain! May klase tayo!!! Tara na!!" Hinigit ko siya patayo pero hindi siya gumalaw sa kinauupuan niya. " Mauna kana. Dito lang muna ako." malumanay na sabe niya. " Ah.. sige. Sige. Sabihin ko nalang kay ma'am na nasa clinic ka nagpapahinga. Sige ah!" paalam ko sabay karipas ng takbo pabalik sa classroom. Hindi ko na narinig ang sumunod niyang sinabi dahil umalis na ako agad. Habang tumatakbo ako pabalik ng classroom naaalala ko yung binulong niya sakin kanina: Hinablot niya ang braso ko bigla nang makalapit siya at hinila ako palapit sakanya saka bumulong, " I will kiss you for real next time." pagkatapos ay naglakad na ulit siya palayo. Hinihingal ako sa pagtakbo pero napangiti ako dahil sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD