Chapter 2: Notebook

1838 Words
Flashback... June 15, 2004 JASMINE'S POV: Isang linggo na ang lumipas mula ng nag umpisa ang aming pasukan. Marami ng assignments na nasagutan at di nasagutan, quizzes na nagkopyahan, mga lectures na na attendan at mga kwentong nasimulan. At isang linggo na rin ang lumipas mula ng ipahiya ako ni Rain sa harap ng mga estudyante sa loob ng canteen. Nothing much happened. Halos normal na classroom setting lang at iwas na iwas na ako sa gagong yun. "Class our lesson for today is about Algebraic Expressions. An algebraic expression is an expression built up from integer constants, variables, and algebraic operations. For example, 3x² − 2xy + c is an algebraic expression." 'Okay wait... nahilo ako sa sinabi ni Ma'am Alvi.' Naaalala niyo si Ma'am Alvi diba. Pamangkin niya si Mr. Suplado. Anyway, Mathematics ang subject namin sakanya. Alam niyo yung kakakain niyo lang ng tanghalian kaya inaantok antok kapa sa kabusugan, ala una ng hapon kasagsagan ng siyesta schedule ng mga batang ayaw matulog sa hapon kaya tatakas nalang para maglaro, tapos heto kami Math ang subject?!  Take me back to childhood days!!!" Okay naman ako sa lahat ng subjects pwera lang sa P.E. at Mathematics. Yang dalawang yan talaga ang mortal enemy ko sa mundo pero si Math talaga ang pinakakinasusuklaman ko sa lahat. Kapag Math na ang subject yung tingin ko sa blackboard ay isang malaking green na monster na may matatalim na pangil na naghihintay lang na lamunin ako ng buo! Gulp. Bakas na bakas sa mukha ng karamihan samin ang confusion and overwhelming emotions. Maging sina Belle at Aemie ay kanina pa nagbubulungan sa tabi ko dahil wala rin sila maintindihan sa sinasabi ni Ma'am Alvi. Nang biglang..... "Ms. De Mesa go to the board and answer exercise number 1." At tumigil ang mundo bigla ng tawagin ni Ma'am ang apelyido ko. Biglang tumahimik ang buong klase at nakatitig sila lahat sakin. Para akong binuhusan ng isang timba ng cracked ice. Nanginginig akong nagtungo sa unahan at dinampot ang kapirasong chalk sa teacher's desk habang lahat sila ay nag aabang sa gagawin ko. 'Our Father who art in heaven... kaawaan niyo po ako..di ko alam isasagot ko dito huhuhu..' Sinubukan kong sagutan sa abot ng aking makakaya ang problem sa board pero alam ko namang mali talaga. Di ko alam bakit bago ako bumalik sa aking upuan ay bigla akong napasulyap kay Rain na saktong nakatingin din pala sakin at isang malaking nakakainsultong ngisi ang binigay niya sakin. 'What the?! Para saan ang smirk na yun?! Loko toh ah! Napakayabang talaga!' Alam ng buong klase kasi na si Rain ang pinakamagaling sa Math sa buong section namin. Mukhang pinanindigan niya talaga ang self- introduction niya noon.  Nakabalik na ako sa upuan ko at napayuko na lamang sa kahihiyan ng biglang nagsalita si Ma'am Alvi,  "Anyone can help Ms. De Mesa with the first problem on the board?" 'Earth lamunin mo na ako please sobrang nakakahiya ang bobo ko sa Math huhu!' "Yes Mr. Castro. Please go to the board and solve the equation". Nanlaki mata ko ng marinig ko ang apelyido ng lalaking nagpakulo na naman ng dugo ko ngayong araw na ito after that dreadful day nung unang araw ng pasukan at yung sa canteen. Pinilit ko kasing huwag magkasalubong ang landas namin ng isang linggo dahil sa sobrang kabanasan ko sakanya. Pero di ko alam bakit naulit na naman ang pangyayaring ito at ngayon pa talaga.Grr! Napansin siguro nila Aemie na nag iba na naman ang timpla ng mukha ko. "Uy besh napano ka jan?", may pag- aalalang tanong ni Aemie. Di agad ako nakaimik dahil pagdaan ni Rain sa row namin ay pasimple niyang tinapon ang isang nakalukot na papel sa desk ko. Nag unahan kaming tatlo bigla sa pagdampot ng papel ngunit ako ang unang nakakuha sabay pinamulsa ko agad. Di ko din alam kung bakit ang unang instinct ko ay damputin ang papel na yun at isuksok sa bulsa ko kahit na banas na banas ako sa nagtapon nun. "Huy ano yan?!" "Uy pabasa baka love letter!" "Akin na patingiiiiin!" Pangungulit ng dalawa sakin. "Sssh!!! Wag kayo maingay baka mapagalitan tayo ni Ma'am!" mahina pero madiin kong pagkakasabi kasi nagsasagot na si Rain sa board. Wala na din ako nagawa kundi tumingin nalang sa sinusulat niya at kopyahin ito dahil alam ko namang tama ang sagot niya. Nanahimik na din ang dalawang katabi ko na kanina ay di magkamayaw sa pag agaw ng nakalukot na papel na tinapon ni Rain. Habang nagsusulat ay di ko rin mapigilan ma curious kung ano tong nakalukot na papel na ito sa bulsa ko ngayon kaya't inantay ko muna makabalik si Rain sa kanyang upuan bago ako nagpaalam na mag si C.R. Dali- dali ako naghanap ng bakante at malinis (as in yung may tubig at walang nalutang na yellow submarine sa toilet bowl. Pasintabi sa kumakain.Hehe.) at saka sinara ang pinto. Agad kong kinapkap ang nakakumpol na papel sa bulsa ko at sinimulan ko itong basahin. "Meet me after school sa may garden sa likod." I was like.. whaaaaaaaat.... Biglang bumilis pintig ng puso ko na tila ba kakatapos ko lang ng five kilometer marathon. 'Anong meron?' 'Bakit gusto niya ako makausap?' 'WAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!' Dahil ang allowed lang na time sa amin para mag C.R. ay five minutes lang dali-dali kong pinamulsa ang sulat ni Rain at saka kumaripas pabalik ng classroom. Pagbalik ko ay nag a-announce si Ma'am Alvi na may short quiz daw after ng board exercise kaya nakalimutan ko pansamantala ang sulat ni Rain at dali- daling nagbasa ng mga notes sa lecture namin today pero balewala rin kasi wala ng ibang laman ang utak ko kundi ang sulat kamay ni Rain sa isang nakalukot na papel. "Meet me after school sa may garden sa likod." "Meet me after school sa may garden sa likod." "Meet me after school sa may garden sa likod." "Meet me after school sa may garden sa likod." Buong hapon akong walang naintindihan sa klase. Iniisip ko kung pupunta ba ako mamaya sa garden o hindi. Bakit niya ako gusto makausap? May atraso ba ako sakanya? Pero teka, siya nga may atraso sakin diba? Aisht! Myghaaaad brain stop!!! Bahala na..Haaay. Sumapit ang alas singko ng hapon at uwian na namin. Hindi ko pinaalam kina Aemie at Belle ang nakalagay sa papel para di nila ako tuksuhin. Nagpalusot nalang ako na may pupuntahan pa kaya pinauna ko na sila umuwi. Napagdesisyunan kong puntahan si Rain sa sinabe niyang lugar. Pagdating ko sa garden ay nandun na si Rain. Nakasandal sa may puno ng mangga hawak ang isang notebook. End of flashback... Yung unang beses na nag- usap kami sa puno ng mangga. How can I forget that day. Halos hindi ako nakatulog kinagabihan nun kakaisip sa ginawa niya. Lintek yun pala kasama na yun sa plano niya para ma fall ako sakanya. Haha! Flashback... Bigla na naman bumilis heartbeat ko (jusko kinse anyos palang ako pero pakiramdam ko senior citizen na ako na may sakit sa puso dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko). Nakatalikod siya sa gawing direksyon ko kaya di niya pa ako nakikita. Saglit akong huminto at humugot ng isang malalim na hininga bago ko tinungo ang kinaroroonan niya. Lakas loob akong nagsalita na parang mataray, " Bakit mo ko pinapunta dito?" pero sa loob loob ko yung mga tuhod ko parang bibigay na sa kaba. Tinitigan niya ako ng bahagya at tinapon sakin ang notebook na hawak niya. Mabuti na lamang at kahit papano'y mabilis ang reflexes ko at nasalo ko ito pero di ko na napigilan sarili ko. "What the f*** is your problem?! Ano ba toh?! Kailangan talaga ibato?!!!" Isang nakakainsultong ngisi na naman ang tinugon niya sakin saka nagsalita, " That's a notebook moron." Aba talaga namang napakayabang ng lokong toh ah! Ako moron?!Wtf?! "Alam ko notebook toh di ako bulag pero anong gagawin ko dito?!" Pasigaw ko nang tanong at idinuro duro ang brown na notebook na tinapon niya sakin sa harap niya. Akala ko sasagot na naman siya ng pabalang pero biglang sumeryoso ang mukha niya. "Basahin mo notes ko sa Math makakatulong yan sayo." And I was like... whaaaaaaaaaaat..  Anong meron bakit niya binigay sakin notes niya?? Why does he care??? Imbes masagot mga palaisipan sa isip ko kanina mas lalo lang ito dumami. "Napansin ko kasi na nag sstruggle ka sa Math lagi kaya nag organize ako ng notes na mas simpleng intindihin para di ka mahirapan." Dagdag pa niya. And again I was like whaaaaaaaat???? Hindi ko na kaya para akong kinakapos ng oxygen dahil sa dumadagundong na t***k ng puso ko. Napahawak na ako sa dibdib ko dahil parang tatalon na puso ko palabas. 'Lord pengeng air please.' Pagkasabi niya nito tinapunan niya lang ako ng makahulugang tingin saka siya biglang tumalikod at naglakad na papalayo. Naiwan akong sapu sapo ang aking dibdib at napaupo sa sobrang tensyon at dahil bumigay na ang tuhod ko na kanina pa parang gelatin sa lambot. End of flashback.. Nadagukan ko siya nang ikwento niya sakin ang totoong dahilan kung bakit niya binigay sakin notebook niya. Makailang beses pa siya nag sorry pero nag galit- galitan ako at 'di ko siya kinausap ng isang araw. Nagulat nalang ako bigla siyang sumulpot sa labas ng school na may dalang isang pirasong red rose tapos balloon na may nakasulat na word na ' Sorry'. Pakiramdam ko noon ang haba ng hair ko sa panunuyo niya sakin. Haha. Akala niya siya lang marunong ng mga pa technique technique na yan. Flashback... June 15, 2004 RAIN'S POV: Pagkadismiss palang sa amin ay agad na akong tumakbo dito sa garden. Sa tingin ko kailangan may isang lugar siyang ako lang ang maaalala niya kapag nakikita ka. And I think I found a perfect spot. Kapag siya dumating automatic hulog siya sa bitag ko. Mga ilang minuto pa'y naramdaman kong andiyan na siya. Lihim akong napangiti. Tumayo siya sa harap ko na nakapameywang. "Bakit mo ko pinapunta dito!?" mataray niyang bungad. Tinitigan ko muna siya saka ko initsa tinapon ang notebook na hawak ko sakanya. Aba umeffort ako diyan. Naglelecture kanina sa ibang subject pero Math ang sinusulat ko sa notebook. Napansin ko kasing bopols sa Math 'tong si Jasmine. Math is her weakness. I'll use it to make her mine. "What the f*** is your problem?! Ano ba toh?! Kailangan talaga ibato?!!!",  bulyaw niya nang itapon ko yung notebook sakanya. Haha. I'm having so much fun. I gave her an insulting smirk before speaking. " That's a notebook moron." "Alam ko notebook toh di ako bulag pero anong gagawin ko dito?!" Mas nagalit na yata siya dahil sa pagtawag ko sakanyang moron. Its fine babe. Ganyan ako magmahal. Cariño brutal. Heheh. And now for the first step to make Jasmine De Mesa fall for Rain Castro... "Basahin mo notes ko sa Math makakatulong yan sayo," seryoso kong sabi pero kanina ko pa pinipigilan ngumiti. Kita kasi sa mukha niya na ang pagkagulat sa pag change attitude ko. Kawawang babae. Ang dali lang mapaikot. Tsk. Dagdagan pa natin ng acting para mas lalong convincing. "Napansin ko kasi na nag sstruggle ka sa Math lagi kaya nag organize ako ng notes na mas simpleng intindihin para di ka mahirapan." Rain pwede kana mag artista. Kitang kita ko na napahawak na siya sa dibdib niya. Gustong gusto ko na talaga matawa kaso kailangan poker face para di tayo mabisto. At para sa finale, tiningnan ko muna siya ng mga ilang segundo bago ko siya tuluyang iwanan na nakatulala, the walkout method. Sikreto ng mga pamisteryosong lalake.Hehe. End of flashback...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD