Kailan nga ba ang tamang oras para mag move on na sa isang nasirang relasyon?
Paano nga ba lumimot sa nakaraang hindi natuldukan?
Hanggang kailan ba panghahawakan ang mga pangakong binitawan?
Masaya ang present relationship ko ngayon. Mahal na mahal ako ng boyfriend ko.Isa siyang responsable, walang bisyo, maasikaso, at sobrang mabait na lalaki. Even my parents and relatives are fond of him.
Wala akong naging problema sakanya. Mahal na mahal niya ako mula noon hanggang ngayon. But despite the fact na nasa kanya na lahat ng katangian na hinahanap ng babae sa isang lalaki, gabi-gabi pa rin akong dinadalaw ng mga alaalang parang kahapon lang nagdaan. Gabi-gabi pa ko pa rin siya napapanaginipan kahit matagal na panahon na kaming hindi nagkikita. Kung bakit nariti ako ngayon at 'di mapakali sa aking kwarto ay siya ang dahilan. Alas tres na ng umaga pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Hindi ako makatulog kakaisip sakanya.
Bakit nga ba ganito pa rin ako ka affected sakanya?
Kapag sumasagi siya sa isip ko nanariwa lahat ng memories namin together.
Ang sama ko ba dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin siya maalis sa isip ko?
Naalala ko tuloy yung unang araw na nagkakilala at nagkausap kami. A very distant memory na kailanman ay hindi ko na maibabalik pa.
Flashback....
June 7, 2004
JASMINE'S POV:
Isang taon nalang at ga-graduate na kami ng highschool.
Star section daw ulit kami this year. Malaking pressure na naman ito para sa akin kasi nandito ulit yung mga best of the best eh. Huling chance na namin para patunayan ang mga sarili namin and to experience high school life.
Maaaga akong pumasok. Excited kahit papaano sa first day of school. At heto ako ngayon nakatayo sa harapan ng isang luma pero maayos pa namang classroom.
"Mygahd ang aga ko naman." mahinang sambit ko sa sarili.
Dahil nga ako pa lang ang tao sa classroom malaya akong makapili ng upuan. Pinili ko yung sa may bandang gitna sa pangalawang upuan bago mag center isle. Inilagay ko na din ang bag ko sa upuan sa kaliwang side ko at ang payong ko naman sa kanan. Sa ganitong paraan ay mairereserba ko ng upuan ang dalawang taong kadikit na ng bituka ko, ang dalawang bestfriend ko. Nangiti ako ng maisip ko sila at ang mga kalokohan at pinagdaanan namin last year. Miss na miss ko na sila at excited akong magkita kita na kaming muli!
Kinuha ko ang bagong bagong notebook sa aking bag at saka nagsimulang magdrawing ng kung anu-ano sa likuran na page dahil wala naman mapaglibangan na iba sa ngayon. Nasira kasi walkman ko nung nakaraang araw dahil nabagsak ko sa higaan.
Masyado ata ako na engrossed sa ginagawa ko kasi di ko namalayan na may kasama na pala ako sa classroom kung di pa nalaglag yung ballpen ko at tumilapon sa likuran. Tumayo ako at akmang pupulutin na ang ballpen na tumilapon at gumulong na umabot hanggang sa third row when I saw an unfamiliar face seating quietly sa pinakalikuran. Nakayuko siya at nagbabasa ng libro.
Kahit nakayuko siya kita pa din ang itsura niya. He looks so neat sa uniform niya. Yung hair niya maayos na maayos ang pagkakasuklay and nakasuot ng mala- Harry Potter na eyeglasses. Bilugan ang kanyang mukha. Matangos ang ilong at makapal ang kilay. Maputi rin siya pero mamula mula hindi yung maputla. Alam niyo yung cute nerdy look. Ayun ganun siya.
Napatingin ako ng dalawang beses kasi nga unfamiliar yung mukha niya at dahil na rin sa guwapo siya. Haha! Harot!
'Teka.. schoolmate ba namin siya last year? Parang ngayon ko lang siya nakita.'
Napansin yata niyang titig na titig ako sakanya. Bigla niya akong tiningnan ng matalim nang nagsalubong ang mga mata namin. Ganyunpaman ay hindi ako nagpadala sa masamang titig na yun.
" Hi!", nakangiting bati ko sakanya with matching wave ng kamay kahit na sinungitan niya na ako. Sabi kasi nila a smile is contagious and a smile lights up a heart. Baka sakaling mahawaan siya ng ngiti ko at ngitian niya rin ako pabalik.
Kaso anak ng tokwa tiningnan lang niya ako sabay yuko at nagpatuloy na ulit sa pagbabasa. Snob ang beauty ko teh!
" Suplado. Hmpt!"padabog kong reaksyon. Napa cross arms nalang ako sabay talikod sa lalakeng pinaglihi yata sa sama ng loob.
'Ang pangit naman ng simula ng first day of class ko!' Sabi ko sa isip.
Kaso umiral ang makulit kong sarili. Ayoko kasi nang may kagalit talaga sa school na ito. Kung sa dati kong school maraming may ayaw sa akin dito I made sure na kasundo ko kaya kinompronta ko siya pero sungit- sungitan mode din. Baka sakaling makonsensya sa ginawa niya sakin kanina.
" Hoy! Ba't ba ang sungit sungit mo ha?!" bulyaw ko sakanya.
Pero ni tumunghay siya para tingnan ako ay hindi niya ginawa. Para lang akong nakikipag- usap sa hangin.
Sa inis ko sa pang- iisnob niya, hinablot ko ang libro na binabasa niya.
' I am nice, but I can be a devil if needed'.
" Akin na yan umph!" Tinakbo ko ang pocketbook palayo sakanya palabas ng classroom.
" Hahaha!! Bleeh di mo na ito makukuha!" pang- aasar ko pa sa may pinto.
Binigyan niya ako ng titig na parang nagpahinto saglit ng paghinga ko. Lumakad siya palapit sa akin na hindi inaaalis ang matatalim na titig niya. Salubong ang kilay niya at tuwid na tuwid ang pagkakatingin niya sa akin. Pakiramdam ko tumatagos ang titig na yun hanggang sa kaluluwa ko.
Napalakad ako ng paatras hanggang sa bumangga ang likod ko sa pader ng corridor.
Napalunok ako ng ilang beses nang halos ilang dipa nalang ang layo niya sakin. Naramdaman ko din na pinagpawisan ako bigla ng malamig at hindi ko maikilos ang mga paa ko upang tumakbo at humingi ng saklolo kahit kanino.
'Masama pala magbiro ng taong nagbabasa. Mama help.Huhu!'
Nang makarating siya sa kinatatayuan ko ay biglang inilapit niya ang mukha niya sa akin.
'Shet! Ba't hindi ako makagalaw! Nanaykupo!'
" H-hh-ooy.. ano ba, h-huwag kang lalapit sisigaw ako!", nauutal na banta ko sakanya. Pero ni hindi man lang siya natinag at mas inilapit pa ang mukha niya na lalong nagpabilis ng t***k ng puso ko.
Napapikit nalang ako at inabangan ang susunod na gagawin niya. Syempre sa isip ko ay hahalikan niya ako dahil yun yung napapanood ko sa TV eh. Wala pa akong karanasan sa mga ganito. Puro lang ako crush crush dati at wala pang ibang nadadampian ang labi ko kundi baso, kutsara, at pamilya ko.
Naramdaman ko nalang na gumalaw ang kamay ko at nawala ang librong hinahawakan ko kaya't napadilat ako.
" Two can play this game miss." bulong niya malapit sa tenga ko sabay ngisi ng nakakaloko bago siya tumalikod at bumalik sa inuupuan niya kanina at nagsimula ulit magbasa.
Napahawak ako bigla sa dibdib ko dahil para akong tumakbo ng limang kilometro sa bilis ng pintig ng puso ko ngayon. Saglit pa akong napaupo dahil bumigay na ng tuluyan ang mga paa kong animo'y naging gelatine sa lambot. Nanginginig akong bumalik sa inuupuan ko kanina at hindi na muling umimik pa. Hinding hindi ko makakalimutan ang nangyaring ito dahil sobra akong na trauma.
End of flashback..
Natatawa nalang ako kapag naaalala ko ang dahilan kung bakit niya ginawa sakin yun sa unang pagkikita namin. Lahat ng mga nangyari sa amin sa high school ay ikinuwento niya din nang maging kami. Kung anong mga tumatakbo sa isip niya at mga ginawa niya. Malinaw na malinaw pa sa akin ang buong detalye at yun ang pilit binabalik balikan ng utak ko sa tuwing sasagi siya sa isipan ko.
Flashback...
RAIN'S POV:
It's been a month since lumipat kami dito and honestly I never liked this place. Mas gusto ko pa din sa dati naming tinitirahan.
Kung hindi lang nangyari yun hindi sana kami mapapapadpad sa lugar na ito.
Iginala ko ang mata ko sa mahabang corridor at inisa isa ang mga classrooms hanggang sa makita ko ang room na may nakasulat na IV- Emerald sa taas ng pinto.
Napansin kong may nauna na pala sa akin dumating kahit maaga ako pumunta. Ayoko nang pinagtitinginan ako pagpasok ko ng classroom. Gusto ko mangdukot ng mata kapag ganun.
Umupo ako sa pinakalikuran dahil dun ang pinakatahimik na pwesto sa loob ng classroom.
Kinuha ko ang librong malapit ko na matapos basahin.
Nasa kalagitnaan ako nang pagbabasa nang nakarinig ako ng ingay. Tunog ng nalaglag na ballpen o lapis sa sahig. Hindi ko lang pinansin dahil abala ako sa binabasa ko pero malamang ballpen yun nang babaeng naabutan ko kanina dito.
Maya maya pa'y nakaramdam ako na may nakatingin sa akin kaya't tumunghay ako saglit. Nakita ko ang siyang titig na titig sa akin at nakakunot pa ang noo.
'Sabing ayoko ng tinititigan ako eh.'
Tiningnan ko siya ng masama para ma- intimidate siya pero laking gulat ko sa sunod niyang ginawa.
" Hi!" Nakangiti pa itong bumati sakin.
Pero teka, bakit parang nakita ko na ang mukha niya somewhere.....
Naloko na. Kamukha siya nung ex kong nanloko sakin!!! Leche!!
Medyo wavy ang hair niya. Ang mga mata niya mapupungay at mahahaba ang pilik- mata. Matangos din ang ilong gaya ko pero hindi siya kaputian hindi gaya ng ex ko na tisay. Nasa 5'4 ang height niya at payat siya. Hindi naman patpatin tama lang.
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa nakita ko. Naikuyom ko mga kamay ko dahil sa nanumbalik na galit ko sa dati kong karelasyon.
Huminga ako ng malalim saka ibinalik ang atensyon ko sa binabasa ko. Hindi ako pwedeng gumawa ng masama lalo't unang araw palang ng klase. Ayokong makadagdag pa sa iniisip ni mama. Kailangan kong maka graduate ngayong taon.
" Suplado. Hmpt!" Dinig kong sabi niya. Medyo pabulong pa nga pero halata namang pinaparinig niya talaga sakin.
'Tss.. Manigas siya diyan.'
Akala ko nama'y tatantanan niya na ako pero biglang nakakita ako ng dalawang pares ng sapatos na huminto sa tapat ko.
Pesteng babaeng 'to. Laking istorbo!!!
" Hoy! Ba't ba ang sungit sungit mo ha?!" sigaw niya.
Ayoko sa babae yung napakaingay. Nakakabwisit!!!
Nasa last page na ako ng binabasa ko ng biglang nawala sa harapan ko ang librong kanina'y hawak ko.
Hinablot ng maingay na babae ang libro at itinakbo.
Pinuno niya ako at sinagad ang pasensya ko.
" Akin na yan umph!" singhal ko.
" Hahaha!! Bleeh di mo na ito makukuha!"
'At nang- asar pa talaga ang babaeng pinaglihi sa megaphone na ito!'
Humanda kang babae ka tingnan ko nalang kung makukuha mo pa akong asarin pagkatapos ng gagawin ko sayo...
Syempre hindi ko siya so sasaktan. Tatakutin ko lang ng konti.
Pinagsalubong ko ang mga kilay ko at binigyan siya ng death glare ko. Ganito ang napapala ng mga pakialamera at maiingay na katulad niya.
Lumakad ako palapit sakanya na hindi inaaalis ang matatalim na titig ko.
Napansin kong napapaatras na siya hanggang sa bumangga ang likod niya sa pader ng corridor. Bakas na bakas na sa mukha niya ang takot.
Mas lalo akong ginanahang takutin siya dahil sa nakikita ko.
'She's really scared. Haha!'
Nang makarating ako sa kinatatayuan niya biglang itinapat at nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Naalala ko kasi yung isang eksena sa pelikulang napanood ko. Effective na panakot pala 'to. Haha!
" H-hh-ooy... ano ba, h-huwag kang lalapit sisigaw ako!" Nangangatal na siya niyan pero nakuha pang magbanta. Kahit naman sumigaw siya wala pang masyadong tao sa school wala din mangyayari pero kinabahan ako ng konti dahil baka may makakita sa amin.
Napapikit na siya sa takot. Napangiti ulit ako ng bahagya.
Nakaisip tuloy ako ng magandang idea para kahit papaano'y makaganti dun sa two- timer kong ex.
'I will make you fall in love with me na babae ka at pag hulog na hulog kana saka kita bibitawan. Yan ang nababagay sa mga pakialamera at maiingay na tulad mo!'
Hinablot ko ang libro na hawak niya habang nakapikit siya. Akala niya siguro'y hahalikan ko siya. Masyado 'tong nasosobrahan kakapanood ng mga drama sa TV. Tch!
Sa pagkakataong ito dumilat na siya. Bago ako umalis inasar ko pa siya lalo.
" Two can play this game miss." nakangisi kong bulong malapit sa tenga niya.
That's what you get for messing up with me.'
Gusto kong matawa sa itsura niya ngayon. Para siyang nakakita ng multo. Bumalik ako sa upuan kong nakangiti at tinapos ang last page na binabasa ko.
End of flashback..
October 11, 2019
Tawang- tawa kami pareho 'nun habang pinagkukwentuhan namin ang first encounter na yun. Naalala kong binigay niya sakin ang libro na yun as a remembrance ng una naming pagkikita. Nakatago pa siya hanggang ngayon sa bodega kasama ng mga ibang gamit na nagpapaalala ng nakaraan namin.
Flashback..
June 7, 2004
JASMINE'S POV:
Maya maya pa'y unti- unti ng nagsidatingan ang mga kaklase ko at napuno na ng ingay ng tawanan at kamustahan ang buong classroom na kanina ay balot ng katahimikan.
"Hi Jas!"
"Jas!"
" Hello Jas!"
Lahat yata nang dumating ay binati ako pero halos hindi ko pinansin. Hindi kasi mawala sa isip ko yung pangyayari kanina.
" Oh em gee gurl! Ahaha!!"
" Naku ka talagang babae ka oh."
Malayo palang alam na alam ko na agad kung sinong may ari ng mga boses na yan.
"Beeeeeesh!!!", high- pitch na bati sakin ni Aemie at Belle na umupo sa left side na katabi ng upuan ko sabay amba sakin ng mahigpit na yakap. Sumabay din ng yakap si Belle na naupo naman sa bandang kanan ko.
Napansin ata nilang medyo hindi maaliwalas mukha ko kaya nagtanong na sila.
"Anyare ba sayo gurl? First day of school kabusangot ka diyan", tanong ni Aemie.
Bumaling ako ng tingin sa likod at tinuro yung supladong nagpainit ng ulo ko umagang umaga.
"D-dahil diyan oh." sabay pukol ng matalim at kabadong titig sa supladong lalake sa likod na sinundan naman nila ng tingin. Nakayuko pa rin ito at abala pa rin sa pagbabasa. Ikinuwento ko sakanila kung anong nangyari kaninang kami palang ang nandito. Magkahalong gulat at kilig naman ang reaksyon ng dalawa. '
'Mga baliw.'
Ako nga eh takot na takot samantalang sila ay kinikilig.
Impit na tili ang pinakawalan ni Aemie bago nagkwento.
"Transferee yan dito. Nakatira malapit samin. Pamangkin ni Ma'am Alvi. Like nakakaloka ang chika eh sobrang misteryoso daw niyan at halos walang friends sa dati niyang school. Like OMG diba?? Pero okay lang cute pa din siya hihi!"
Tila nacurious naman si Belle kaya nagtanong na rin.
"Ano name niya?"
Saglit na napaisip si Aemie habang nakapatong ang hintuturo sa may baba.
"Hmm...wait, Ano nga ba yun? Ah! Rain. Yun lang alam ko. I just heard it lang din kasi from our neighbors. Last month lang sila dumating dito."
"Pssh.. Rain. Ulan. Oo kasing lamig ng ulan ang ugali niya. Hmft!" bugnot kong sabi sabay pinagdikit ang mga braso ko at pabagsak na isinandal ang likod ko sa upuan. Alam kong na trauma ako sa ginawa niya pero dahil kasama ko ang dalawa kong kaibigan biglang lumakas ang loob ko. Inis na ang namayani sa loob ko.
Hindi na ako ulit lumingon sa likod hanggang sa dumating ang adviser namin na si Ma'am Zantua. Last year ko pa siya nakilala dahil kilalang terror daw ito at namamagsak ng mga estudyante.
'Tapos ngayon advisor namin goodluck talaga samin.'
Tumayo siya sa harap ng klase. Wala pa man siyang ginagawa at sinasabi ay kinakabahan na ako. Titig niya palang kasi ay kikilabutan kana. Tumikhim muna siya bago nagsimulang magsalita.
" Good morning. I'm Mrs. Violeta Zantua. I'll be your class adviser for this year. Sumunod sa patakaran ko makakasalba ka. Ang sumuway maiiwan at babagsak. Maliwanag?!"
Sinabi niya yun sa seryoso at nakakatakot na tono kaya't lahat kami ay natahimik at walang sumagot ni isa.
" Unang araw palang mga bingi at pipi na kayo, MALIWANAG BA?!!!" Pasigaw na pag- uulit nito ng sinabi niya kanina.
Nanlaki mga mata namin lahat at sabay sabay kaming nagulat sa pagsigaw niya.
" Yes ma'am!!!" Sabay sabay naming sagot.
'Naku jusko umatake na si ma'am na tiger!'
Sumunod naman ay isa- isa kaming pinag introduce ng mga sarili namin bilang tradisyon na yata ang pagpapakilala sa sarili sa isang school kahit saan ka magpunta.
Heto yung part sa pagiging estudyante na kinakaayawan ko. Yung tell me something about yourself tuwing first day of classes dahil para sakin wala namang kainte- interesting na facts sa buhay ko.
Isa-isa kaming kailangang tumayo sa harap. Nung turn ko na para magsalita ay nagsimulang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Umaatake yata yung sociophobia ko. Huhu. Madaldal ako at makulit sa group of friends pero nawawala ang kadaldalan ko at confidence kapag nasa harap na ako ng maraming tao. Aaissh. Ayoko talaga tumayo sa harap huhu!
Kahit kilala ko naman na karamihan sa mga nasa harapan ko eh nakakababa pa din talaga.
Isa isa kaming tumayo mula sa pinakaunang estudyante sa harapan hanggang sa makarating sa row namin and finally ako na.
"H-hhi.. my n-name is J-jasmine De Mesa." Pinilit kong ngumiti kahit na nahihiya ako. "I'm 15 years old. I love to read, draw and sing. That's all." mabilis kong sabi para matapos ako agad.
Kita niyo na. Utal- utal pa magsalita. Pero sa wakas tapos na. Akala ko'y makakabalik na ako sa upuan nang matapos na ako magpakilala pero bigla silang nagsigawan.
"Sample! Sample! Sample!!"
Mabuti na lamang at hindi kami nasigawan ni ma'am kahit na nagsigawan sila ng ganyan.
Ang tinutukoy nilang sample ay ang pagkanta. Bata palang ako mahilig na talaga ako kumanta. I was three when I started singing. Kung sa pagsasalita sa harap ng ibang tao ay natatakot ako, taliwas naman ito kapag nagsimula na akong kumanta. Pakiramdam ko ako lang ang tao sa mundo kaya lumalakas ang loob ko.
Dahil sa lakas ng hiyawan ay napressure na din ako kaya't kumanta nalang din ako.
"Tell me her name I want to know,"
"the way she looks and where you go,"
Sinimulan kong igala ang mga mata ko sa buong classroom habang kumakanta at nahagip ng mata ko yung lalaking suplado. Kitang- kita ko kung paano siya humikab bigla na tila bugnot na bugnot sa boses ko.
Aba talagang ginagalit ako ng lalakeng toh. Mygahd!!!
Ikinuyom ko ang palad ko upang itago ang inis na naramdaman ko at nagpatuloy lang sa pagkanta. Natapos ako at nagpalakpakan sila maliban sakanya na talagang walang pakialam sa mundo.
Nung siya na ang magpapakilala ay inabangan ko talaga dahil sobrang nacucurious ako sakanya kahit inis ako dahil umaattitude agad kebago bago palang dito sa school.
"Hi. I'm Rain Castro. 15 years old. I like Math and I hate noisy people," maikli niyang sabi.
Naka poker face nitong pagpapakilala sa sarili niya. Ewan ko kung tama ba ang nakita ko na pagsabi niya ng noisy people ay tumingin siya sakin.
'Eh di wow. Siya na magaling sa Math. Naku pakiramdam ko talagang hindi kami magkakasundo ng mokong na to.'
Kita niyo naman introduction palang napakayabang na ng datingan.Hindi lang ako ang nakaisip niyan ah. Pati mga iba naming kaklase na nagbulungan bigla pagkatapos niya magpakilala.
'Ay wow best in Math.'
'Luh.. siya na.'
'Oh te hate niya noisy people bawal ka tumabi sakanya.'
Nawala naman ang mga bulungan ng biglang sumigaw si ma'am.
" QUIEEEEEEEET!!!!! Magku quiz ako pag hindi kayo nanahimik!"
Napuno ulit ng katahimikan ang klase dahil dun.
" Mr. Castro,continue." utos nito.
Ngunit wala na ulit itong sinabi pagkatapos nun. Ni hindi man lang siya ngumiti at tumingin sa amin at dere deretso lang sa upuan niya pagkatapos.
End of flashback...
Meron pang pagkakataon dati na sinubukan kong makipagkaibigan sakanya sa kabila ng ginawa niya sakin nung araw na yun pero sadyang sama ng loob ata talaga ang inaalmusal niya. Ewan ko rin sa sarili ko kung bakit ko pa siya nilapitan kahit takot na takot pa rin ako sa ginawa niya nang unang araw ng klase.
Flashback...
June 9, 2004
MY POV:
Oras ng recess at nagkukwentuhan kami sa canteen habang kumakain. Muling nahagip ng mata ko si Rain na mag isang kumakain sa table na kalapit lang ng table namin. Sa puntong ito nakaramdam ako ng konting awa para sakanya. Alam ko kasi ang pakiramdam na walang makausap sa school kaya kahit sinupladuhan niya ako nung nakaraang araw ay sinubukan ko siyang lapitan. Ganitong-ganito din ako nung transferee ako sa private school dati.
"Hey Jas san' ka pupunta??" Sabay na tanong ng dalawa. Nginitian ko lang sila at binitbit ang pagkain ko palapit kay Rain.
Tahimik lang siyang kumakain at di ako pinansin kahit na nasa harapan na niya ako.
'Hoy hindi ako multo lalong hindi ako si invisible girl. Look at me!'
Tumikhim muna ako at inayos ang sarili bago nagsalita.
" Ehem. Hi. Pwede makiupo?" sabi ko nang nakangisi pero di pa rin niya ako pinansin at tuloy- tuloy pa din siya sa pagsubo niya ng spaghetti.
Nainis ako pero di pa rin ako sumuko. Baka nahihiya lang siya sabi ko sa isip ko.
" Ehem. Tao po. May tao ba?" Kinatok katok ko pa ang lamesa para makuha ang atensyon niya.
Nagulat ako ng bitiwan niya ang hawak niyang tinidor at bigla siyang tumayo dahilan para lumikha ito ng tunog na pumukaw sa atensyon ng lahat ng nasa loob ng canteen.
Tumingin siya sakin na tila lalamunin niya ako ng buo saka nagsalita.
" Tss.. Ang ingay mo." Yung boses niya parang kasing lamig ng North Pole at kasing lalim ng Mariana's Trench.
Kumulo ang dugo ko sa narinig ko. Aalis na sana siya pero hinigit ko kamay niya para pigilan siya.
" Ang yabang mo kanina ka pa ha?! Ba't ba napakasuplado mo?! Ikaw na nga tong nilalapitan at kinakaibigan ikaw pa galit?! Mygahd! Feeling mo ang pogi mo?!" Bulyaw ko sakanya.
Marahan niyang inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanang pulsuhan niya at muli siyang nagsalita pero this time nakatitig na siya sakin.
" Mali ako. Hindi ka maingay. Napakaingay." Pagkasabi niya noon tuluyan na siyang umalis at iniwan ang pagkain niya.
Nilapitan ako nila Belle at Aemie na kanina pa pala nakatitig lang sa amin at pinanood akong mapahiya.
"What the hell was that Besh?! Anong pumasok sa isip mo't you make lapit pa sa cutie snob na yun?" Aemie.
" Jas ba't ka ba lumapit pa kasi sakanya?" Belle.
Mas lalo akong nabadtrip lang sa kumag na yun. Hindi ako nakaimik agad dahil sa pag a-attitude niya. Sinundan ko lang siya ng matatalim na titig hanggang sa tuluyan siyang maglaho sa paningin ko.
End of flashback..
Haha. Ewan ko ba kung ano naisipan ko bakit nilapitan ko ulit siya. Feeling ko nung araw palang na yun tinamaan na ako sakanya. Kaso di ko naman alam nun na pinapasakay lang pala niya ako at sinasadya niyang ma fall ako sakanya. Gago eh. Porke kamukha ko ex niya ako na pinag initan. Psh!