Gumayak sila at naghanda na sa pag-alis sa mausoleo. Ngunit sa bawat pagkilos niya ay panaka-naka siyang napapangiwi dahil sa sumisigid na kirot na nagmumula sa jurassic park niya. Lalo pa at hanggang ngayong umaga ay hindi siya tinantanan ng dinosaur na paulit-ulit na angkinin. Ayaw din naman niya itanggi na nagustuhan din naman niya ang pinaggagawa nila at wala siyang pinagsisisihan. "Shrerep kaya! Char!" sigaw ng malanding isip niya. "Are you all set, $ekerim?" napukaw ang paglipad ng isip niya sa tanong na iyon mula sa lalaki. Tumango siya rito at isinukbit ang baril sa likod ng pantalon niya. "Wear this, Baby. Hindi natin alam ang naghihintay sa atin sa labas," kalmadong wika nito habang inaabot sa kaniya ang bullet proof vest. Tila naman may kung ano'ng kiliti sa kaniya ang

