"Paliliguan kita."
Namilog ang mga mata niya sa sinambit nito. Kumalabog din ang kanyang dibdib. Hindi dahil natatakot siya sa maaring gawin nito at maaring mangyari kundi natatakot siya na hindi makatanggi rito at bumigay agad. Jusko!
"Ibaba mo na ko! Ngayon na, T-Ross!" madiin na utos niya rito.
Ngumisi ito at tumingin sa mukha niya. "Eh kung ayoko, anong gagawin mo?"
Nagtangis ang ngipin niya sa inis. "Pasasabugin ko 'yang ulo mo!" gigil na sambit niya.
Humalakhak ito ng malakas bago marahan siyang ibinaba ng makapasok ng banyo.
"Ulo saan, $ekerim? Linawin mo. Pero huwag ka mag-alala, hindi ako lalaban." Binasa pa ng dila nito ang labi na tila nang-aakit habang hindi nilulubayan ng tingin ang mga mata niya.
Nakaisip naman siya ng kalokohan. Ngumiti siya ng ubod ng tamis at inangat ang isang kamay na walang tama ng bala at inangkla sa leeg nito. Inilapit niya ang katawan dito at kita sa mukha ng dinosaur na nabigla ito sa ginawa niya.
"Ganoon ba? Nakakatuwa naman na hindi ka lalaban..." Sabay kabig sa ulo nito at inumpog ang noo nito sa noo niya.
"Aww f*ck, $ekerim! What the hell?!" napasigaw ito habang hawak ang noo.
"Lumabas ka na! Najejebs ako!" Muling pagtataboy niya rito.
"Ayoko nga!" Pagmamatigas nito.
"Lalabas ka o titiisin mo ang amoy ng jebs ko?" Nameywang pa siya habang nilakihan ang mga mata para sindakin ito. Ayaw niyang indahin ang sakit ng noo niya sa pagkakaumpog nila pero ang sakit talaga!
"Akala mo naman mandidiri ako riyan? Kahit ako pa maghugas ng pw--- aww sh*t!" napahiyaw na sambit nito dahil sinipa niya ang binti nito.
"Ang dami mong satsat! Labas!" Akma niyang itutulak ito ng biglang nabasag ang bintana ng CR. Dumaplis ang bala na tumagos sa pagitan ng mukha nila ni T-Ross.
"Sh*t! Nagpadala na ng sniper!" malakas na mura ni T-Ross.
"Sniper na tawag doon? Eh sablay naman!" sambit niya kasabay ng pag-ikot ng mga mata niya. Ni hindi man lang siya nataranta at nakuha niya pang punahin ang pagsablay ng bumaril sa kanila.
Hinatak na siya ni T-Ross palabas ng banyo. "You're unbelievable, baby! Nakwestyon mo pa talaga pagiging incompetent ng sniper ah?"
Sinamaan niya ito ng tingin. "Hoy, una sa lahat hindi baby ang pangalan ko. Pangalawa, kung sino man ang trainor ng sniper na iyon ay malamang ikinakahiya na iyang tumira sa atin," ingos niya. Pumasok sandali si T-Ross sa loob ng walk-in closet at paglabas ay may bag na itong dala at may nakasukbit na na mahabang baril sa balikat nito.
"Wear this." Hinagis nito sa kanya ang isang bullet proof vest.
Sinalo niya ito at isinuot. Inabutan din siya nito ng dalawang baril at tatlong magazine.
Matapos ay naglakad na sila palabas ng kuwarto. Sinundan niya ito ng tingin at nakita niya na nilapag nito ang pitaka sa may shelf malapit sa TV habang sinusuksok ang mga baril sa holster ng beywang nito. Nandoon pa rin ang nakaipit na picture na gustong-gusto niyang makita kung sino.
"Sino ba talaga ang nasa picture na iyan, dinosaur?" Kinakain pa rin siya ng kuryosidad niya. Lumapit siya at akmang kukunin ang pitaka ng mabilis nito iyon kinuha at isinilid sa likod ng pantalon.
"Huwag mong pakialaman ang mga bagay na wala kang kinalaman, Elix. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagkuha mo ng pitaka ko ng walang paalam noong nakaraan," madilim ang mukha na sambit nito.
Medyo napaatras siya lalo at tinawag na siya nito sa pangalan niya. Pero lalo lang siyang na-curious sa laman ng wallet na iyon. May itinatago kaya ito?
Tila nakaramdam din siya ng kaunting guilt at pagkapahiya."I'm sorry," mahinang sambit niya.
Bumuntong hininga ito bago dinampot ang bag na nasa paanan nito.
"Too late to say sorry," malamig na wika nito. Tumalikod na ito at naglakad papunta sa pinto.
"Edi, belated sorry! At least nag-sorry no!" malakas na sigaw niya na kina-iling nito.
Ang arte! Kala mo naman kung ano nagawa ko, eh gusto ko lang naman makita kung sino ang nasa pitaka nito! Maktol ng isip niya.
Ngunit hindi pa sila nakakarating sa may pinto ng muling makarinig ng pagkabasag ng salamin sa sala. Dagling pumasok ang malakas na hampas ng hangin na dulot ng pagkabasag ng harang dito idagdag pa na nasa 38th floor ang condo ni T-Ross.
"Dumapa ka, $ekerim!" sigaw nito at dumapa na rin. Mabilis din ang naging kilos niya, nakita niya ang palumpon ng lubid sa gilid kaya ginapang niya iyon at inabot. Inikot niya ito sa may poste ng bahay na nagsisilbing partition at ibinuhol ng ilang ulit.
"Hoy dinosaur! Marunong ka naman siguro mag-ala spiderman?" pasigaw na tanong niya rito. Gagapang sana ito palapit pero biglang umulan ng bala mula sa kung saan.
"F*ck sh*t! Stay on the ground!" pasigaw na utos nito.
Ano naman tingin nito sa kanya? Hindi nag-iisip? Maka-stay on the ground! Mahinang maktol ng isip niya.
Ibinuhol na niya ang dulo ng lubid sa kanya at na-secure na kakayanin na nito ang bigat niya.
"T-Ross, ikabit mo ito sa beywang mo! Higpitan mo ah, para hindi ka ma-fall! Okay lang naman ma-fall pero huwag lang sa building!" Banat na hirit niya pa rito sabay hagis ng dulo ng isa pang lubid.
"Okay lang ma-fall basta dalawa tayo," ganting banat din nito. Palaban eh. Ayaw patalo!
Sabay silang napalingon sa may pinto ng marinig na may pilit na bumubukas doon. Dinig nila ang malakas na pagkalampag na tila ito sinisipa.
"Oh tama na ang banat! Andiyan na ang mga hathor! Ayoko pang isuko ang brilyante ko!" sigaw niya rito na ikinatawa naman nito.
Siya ay gumapang na papunta sa nabasag na salamin para tantiyahin ang taas nito. Ang tanging paraan na lang ay ang mag-rappelling pababa para makatakas. Hindi na sila pwede dumaan sa hagdan or elevator dahil panigurado nakakalat na ang mga humahabol sa kanila na hindi niya alam kung sino.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung sino ang humahabol sa kanila.
Muling umulan ng bala mula sa katapat na building ng condo. "T-Ross, pahiram ng sniper rifle mo! Ituturo ko sa mahinang nilalang na sniper sa kabila kung paano umasinta ng bullseye!"
Nag-aalangan man ay hinubad nito mula sa pagkakasukbit ang rifle at idinausdos papunta sa kanya.
Agad siyang dumapa at hinanap ang pakay gamit ang lente ng rifle."Gotcha!" mahinang sambit niya at ngumiti.
Inasinta niya ito tsaka kinalabit ang gatilyo. Kasabay nito ang pagbulagta ng sniper sa kabilang building.
Panigurado matutuwa si Foxglove sa kanya. Ang sniper sa grupo nila.
Bigla naman bumukas ang pinto at iniluwa ang mga armadong mga lalaki na pawang mga naka-black suit at nakatakip ang mga mukha na tanging mata lamang ang nakikita.
"Mga kulto ba sila?" sigaw na tanong niya ngunit hindi na siya pinansin ni T-Ross. Sungit!
Sunod-sunod na nagpakawala na ito ng putok. Siya naman ay isinukbit ang sniper rifle at inilabas ang .45 at sumabay na rin ng putok habang nagpapadausdos na sila papunta sa nakabukas na parte ng condo. Nag-uusap ang mga mata nila ni T-Ross. Para silang si B1 at B2 na nagtatanong kung naiisip ba nito ang naiisip niya. Haha!