Marahang inilayo ni Fletcher ang katawan kay Ataska. Hinawakan ito sa magkabilang balikat at pinakatitigan sa mga mata. "What happened, Ataska. Tell me..." Humihikbing umiling ang babae. At muling isinubsob ang mukha sa dibdib niya. "I-I'm scared... I'm scared. Please. Don't leave..." nahihintakutang anito. "Sshhh... I won't. Hindi ako aalis sa tabi mo." Hinaplos-haplos niya ang buhok nito. "S-Si... Frida..." nag-angat ito ng mukha at bakas ang matinding takot doon. "B-Baka kunin nila si Frida... baka k-kunin nila si Frida." Humahagulhol na usal nito. "No one will hurt you and Frida. I promise you that." May diing bulong ni Fletcher bago sinapo ang mga pisngi ng babae. "Now, tell me. Sinong gustong manakit sa'yo? Kanino ka natatakot?" Marahas itong umiling at nangangalag ang luha sa

