"What do you think?" Tiningala ni Ataska si Fletcher na nakaakbay sa kaniya bago amused na inilibot ang paningin sa paligid. Nakatayo sila sa gitna ng silid na ginawang playroom ni Fletcher para kay Frida. Tulad ng napag-usapan nila, hindi na ito kumuha ng engineer at interior designer. Instead ito mismo ang nagtayo ng dalawang palapag na wooden playhouse, dinesenyuhan iyon na ng mga synthetic tropical plants, vein at wild animals stuff. May hanging bridge na nakakonekta patungo sa pool of balls. It looks like a mini jungle. Kumpleto rin sa slide, swing at trampauline. Sa isang corner nakapwesto ang learning materials. Tulad ng bookshelf na puno ng pambatang libro. Study table at malaking flatscreen TV kung saan napapanood ang paboritong mga palabas ni Frida. Mula sa pagkaakbay ay yum

