University Of The South Year 2000 Nakangiting nagpapasalamat si Annabeth sa mga kaeskwelang nakakasalubong sa hallway. She won the prestigious pageant of Ms. University of the South. Kaya't lahat ng makasalubong nitong kaklase'y hindi matapos-tapos ang pag-congratulate sa kaniya. "Congrats, Annabeth!" "Congratulation you deserved it!" "Ang galing-galing mo talaga! Winner ang sagot mo!" "Salamat... Salamat..." Pagliko niya sa dulong pasilyo muntik siya mapatili nang biglang may mga bisig na pumulupot sa beywang niya. "What the—" "Shhhh!" Sabay takip sa bibig niya at hinatak siya patungo sa tagilirang bahagi ng psychology building. "Ano ka ba, para kang kidnapper, ah!" Natatawang aniya ng pakawalan siya ng lalaki. Dinala siya nito sa parking area kung saan nakaparada ang sasakyan

