"Ataska.." Naguguluhang nilingon niya ang nagsalitang si Fletcher. "What?" "Si Mr. Sandoval.." hinuli nito ang titig niya. Titig na tila sinasabing hindi niya magugustuhan ang mga susunod na malalaman. . . "W-WHAT about him? M-May balita na ba sa kaso niya?" Si Fletcher ang nakikipag-ugnayan sa pulisya matapos ang insidenteng nangyari sa ampunan subalit walang alam si Ataska sa kung ano na bang tunay na nangyari sa kaso ni Mr Sandoval dahil walang binabanggit ang lalaki sa kaniya. "I'm sorry.. I'm sorry.." nahihirapang tugon ni Fletcher habang lumuluhod sa harapan niya. Mariin nitong ginagap ang kamay ng dalaga. "Ano ba 'yun... w-what's wrong, Love?" sinapo niya ang pisngi nito't iniharap sa kaniya. "Tinatakot mo ako.." may kabang bumalot sa dibdib ni Ataska. Hindi iyon pangkara

