"Kids, stay on the shore. Huwag na kayong lalayo! We're going to eat lunch in a while!" Tinatanaw ni Ataska ang tatlong batang naglalaro sa may dalampasigan. Nakasuot ng swimming trunks ang dalawang batang lalaki na masayang humahalakhak habang naghahabulan. Ang batang babae naman ay nakasalampak sa buhanginan, bumubuo ng sand castle. Tumayo ang batang babae. Naniningkit ang mga mata na tila may natanawan sa kung saan. Mayamaya ay lumiwanag ang mukha. Tumakbo ito sa direksyon papunta sa nipa hut na kinaroroonan ni Ataska. Nilampasan siya ng bata. Napangiti siya ng mapagsino ang sinasalubong nito. "Mommy! Look!" Hinatak ng batang babae papunta kay Ataska ang bagong dating. "Hey there, Beautiful." Hinalikan siya ng lalaki sa pisngi. pagkatapos ay bumaba ang tingin sa karga niyang is
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


