Chapter Fifty One Sa labas ng entrance papasok ng airport kalong ni Ataska si Frida, habang si Mama Ida naman ay naluluha sa kaniyang tabi. Ngayon ang araw ng flight ni Finn papuntang UAE. Ayaw na nga sanang magpahatid ng lalaki dahil panigurado raw na mahihirapan itong umalis na nangyari nga dahil halos trenta minutos na silang nagpapaalaman. "Tatawag ka agad pagdating mo doon. I-update mo kami ni Mama." Nag-alalang habilin niya. Bahagyang natawa si Finn. "Yes, Ma'am! Hindi pa ako nakakaalis na-mimiss niyo agad ako." Sabay yakap sa kanila ni Frida. "Bakit kasi kailangan ka pang umalis..." she signed. Hindi niya mapigilang maging emosyonal. "We talked about this..." hinalikan siya nito saka tinitigan sa mga mata. "Don't be sad... mabilis lang ang one month, hmmm?" Pilit siyang ngum

