"Argus, kailangan tayo ni Annabeth sa kalagayan niya ngayon! Bakit naiisip mo ang bagay na 'yan!" Asik ni Matilda sa asawa. Pilit na kinokontrol ang pagtaas ng boses at emosyon. "Anak?! Kahihiyan sa pamilya natin ang idudulot ng sitwasyon ni Annabeth! Gusto mo bang pag-usapan tayo ng mga kasosyo natin sa negosyo, sa university at malalayong kamag-anak natin?!" Nangangalit na bulong ni Argus. Ang nakakuyom na kamao ay malakas na ibinagsak sa desk na lumikha ng ingay. Nanlilisik ang matang tinitigan ni Matilda ang asawa. "Hindi ako makapapayag na ipadala mo sa tiyahin mo sa ibang bansa si Annabeth! Hindi! Mananatili rito ang anak natin! Apo mo ang dinadala—" "Wala akong pakialam!" Marahas na tumayo si Argus sa swival chair at hinawakan sa braso ang asawa na ngayon ay nahihintakutan na an

