"Anang ng! Paano kayo natakasan?!" Marahas napatayo si Seth sa swival chair. "Eh, diba wala na sa katinuan ang matandang 'yon!" "Wala kaming alam, Boss. Nagulat na lang kami 'yung isang nurse na tagabantay wala ng malay at nawawala na 'yung matanda," sagot ng kausap niya sa kabilang linya. "Kailan pa nangyari 'yan?" Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili. "Kagabi lang, Boss." "Kagabi pa?! Bakit ngayon niyo lang ako tinawagan?!" "Maayos naman namin naihatid sa safehouse 'yung matanda. Bandang alas otso nakatanggap ako ng tawag doon sa kapalitan nung nurse, nakatakas daw. Tinatawagan kita kagabi, boss. hindi kita makontak," Paliwanag ng nasa kabilang linya. Nagpalakad-lakad siya sa loob ng opisina niya sa bar habang hinihilot ang sentido. Sumasakit ang ulo niya. Kagabi b

