Namulatan ni Annabeth ang puting kisame ng kaniyang silid. Anong nangyari? Paano siya napunta dito? Ang huling natatandaan niya nagkakagulo ang mga kasamahan. Pero di niya malaman sa anong dahilan. Hinihilot-hilot ang sintido na bumangon siya kasabay niyon ay bumukas pintuan at iniluwa ang kaniyang magulang. Naunang pumasok ang amang si Argus na hindi maipinta ang mukha kasunod ang Inang si Matilda na bakas ang matinding pag-aalala sa anyo. "Mom? Dad?" Namamaos na usal niya. "Ano pong nangyari-" "Anong ibig sabihin niyan, Annabeth!" Inihagis ng ama sa kaniya ang maliit na papel. Nanginginig ang kamay na kinuha niya 'yon. Napasinghap si Annabeth sa nabasa roon. "Sino ang ama niyang dinadala mo! Magsabi ka sa'min!!" "Argus!" Pinigilan ni Matilda ang asawa sa braso sa akmang pagpalapi

