bc

Watching you from afar

book_age16+
906
FOLLOW
5.4K
READ
opposites attract
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

It was a love at first sight for Ali. At his young age, he knows that Seleena was the one. He was secretly watching her from afar.. and he was okay with that.

Pero inaasar yata siya ng tadhana dahil, habang nagdadalaga si Seleena ay dumadami ang mga manliligaw nito. Sinagad na siya ng pasensya niya kaya kinausap niya ang mga magulang ni Seleena. Pinakiusapan niya ang mga ito na i-tutor niya si Seleena dahil mababa ang grades na nakukuha niya.

Alam niyang mababaw ang dahilan na paghingi niya ng pabor dahil wala naman silang pakialam sa grado ng anak nila. Pero, hindi niya alam na kakagat sila at pinahintulutan siya. Pinalabas nila na sila ang may gusto na tumaas ang grado niya. Napangisi ito habang nakatingin kay Seleena na problemado. Sa akin ka na ngayon, bulong niya sa sarili niya. Hindi niya na kayang tiisin pa ang mga pang-aaway nito sa kanya. Gusto niya na ng lambing, yakap at halik niya.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Seleena nandito na sila" Napatayo ako sa aming sofa at dali daling sinilip ang paparating na sasakyan. Maya maya lamang ay pumasok na ang aking mga magulang kasama ang isang batang lalaki. "Anak simula ngayon dito na siya maninirahan sa atin." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng batang lalaki at lumuhod sa kanyang harap upang maglebel ang kanilang paningin. "Ali, siya si Seleena, ang aking anak. Ituring niyong kapatid ang isa't isa dahil simula ngayon ay dito ka na titira. Hindi ka namin hahayang masaktan dito, pangako 'yan." Marahang ngiti ang ibinigay niya kay Ali. Parang nakikiusap ito na pagkatiwalaan siya. Malungkot na ngiti ang ginawad naman ng aking ina kay Ali. Tumingin siya sa banda ko at hinagkan ako ng napakahigpit. Sabay kaming napalingon kay manang ng magsalita siya. "Theodore at Sereena, kumain muna kayo upang pagkatapos ay magkapagpahinga na si Ali." "Halika na anak." sabay hila sa akin si mommy papuntang dining. Nanibago ako sa setting ng aming upuan ngayon. Si daddy ay nakaupo sa gitna ng lamesa, si mommy naman ay nasa kanan niya, si Ali ay nasa kaliwa. Ako naman ay katabi ni mommy. Dati ako ang nasa kaliwang upuan kaya hindi ko nagustuhan ang biglang maliit na pagbabago. Ngayon ko lang natitigang mabuti si Ali. Hula ko ay mas matanda siya sa akin ng limang taon. Medyo kayumanggi ang kulay niya, makapal ang kilay, medyo may kapayatan at matangos ang ilong. "Kumain ka ng mabuti hijo, gusto mo ba ng sinigang?" Pang aalok ni daddy sa kanya. Napasimangot ako dahil busy ang mga magulang ko sa pag asikaso kay Ali. Napalingon naman siya sa akin at sinimangutan ko. Hmp! Wala na akong gana. Natapos na kaming kumain ay wala pa rin ako sa mood. Naupo kami sa aming garden at nakatitig lamang ako sa pool na nasa tapat lamang nito. "Maya maya hijo ay makakaakyat ka na sa kwarto mo, inihahanda lamang ni manang dahil matagal ng hindi nagamit iyon." "Maraming salamat po sa inyo Tito at Tita. Pasensya na po sa abala" Parehas na nagulat ang aking mga magulang sa biglang pagsasalita ni Ali. Napanganga silang parehas na parang ngayon lamang ulit nagbitaw ng salita ang batang lalaki. Maluha luha ang aking ina na lumuhod sa harap niya. "Walang anuman Ali. Magiging parte ka na ng pamilya namin at maliit lamang na bagay ito upang makabawi kami sa iyong ina." Maluha-luhang tumango si Ali sa aking ina. Nakitaan ko ng kaunting kislap ang kanyang mga mata dahil sa tuwa. Maya maya lamang ay dumating na si Yaya Rosa. "Ma'am nakahanda na po ang kwarto ni Ser Ali." "Thank you yaya. Halika na Ali at ihahatid ka namin sa kwarto mo" Sabay silang tatlo na tumayo at hindi na nila napansin na naiwan akong nakaupo. Nag-iisa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.7K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.8K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook