Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na katabi ko na pala si Ali. Sobrang lapit nito sa akin, maluwag naman ang couch. Nagtatakang sinilip ko siya. Nakita kong nakatutok ang kanyang mga mata sa tv. Nanonood ba siya o pareho kaming malalim ang iniisip? He's wearing a black jersey shorts and a white shirt. Napakasimpleng pananamit lang pero ang lakas na ng s*x appeal. Bakat sa damit niya ang mga muscles niya dahil fit ito sa kanya. Naramdaman niya yatang nakatitig ako sa kanya kaya bumaling siya sa akin. We both looked at each other's eyes. Isang dangkal lang yata ang layo namin sa isa't isa. Mula sa aking mata ay bumaba ang tingin niya sa aking labi. Kinabahan ako at hindi ko mapigilang dilaan at kagatin ng marahan ang labi ko. "Fvck! Seleena stop doing that." nanghihi

