"s**t, beshy! Ang blooming mo!" Iyan ang bungad sa akin ni Jade pagpasok ko sa classroom namin. Namula ako at nahihiyang yumuko. Umupo ako katabi niya at hinawakan niya ang aking dalawang pisngi. "Para kang kumikinang na anghel. Nagbago na ba ang skin care mo?" Umiling lang ako at tinawanan siya. Nakita nga ang glow ko sa aking mukha kanina pero hindi ko alam na mapapansin ni Jade. Akala ko magigising ako na haggard ang dahil sa magdamagang love making namin ni Ali. Pero, kabaligtaran ito, mas lalo akong naging energetic paggising ko at excited na pumasok. "Hi, Seleena! Hi, Jade!" Magiliw na bati ni Giselle sa aming dalawa habang papalapit sa amin. Kasama niya si Jassica at kumaway lang ito sa amin. "Girl! You're glowing!" Manghang sabi ni Jessica ng makalapit. "Oo nga! Nasa pint

