Tahimik kami habang nagdadrive siya pero hinahawakan niya ang kamay ko kapag may pagkakataon. Hinayaan ko lang siya dahil wala na akong energy para pigipan siya. Pagdating namin sa bahay ay hinila niya ako sa kusina. "Ali, busog pa ako." "Kahit konti lang kumain ka. Please?" Mahinahon ang boses niya at malambing akong tinignan na parang nanunuyo. Hindi na ako nakatanggi kaya nandito ako ngayon sa highchair at pinapanood siyang magpainit ng ulam. Wala e, marupok talaga yata ang last name ko. "That's enough, Ali." Pagil ko sa kanya dahil ang dami niyang sinandok na kanin sa pinggan ko. Bumuntong hininga na lang siya. "Okay pero damihan mo ang pagkain ng gulay." Tumago na lang ako. Nakailang subo pa lang ako ay ayoko na. Pinilit kong kumain dahil mariin siyang nakatingin sa akin. Bin

