Carmelita’s POV
Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata, nanatili akong nasa ibabaw ng stage. Hindi makapaniwala si Au at Ysay na nasa likuran ko. Kung puwedi lang ako nilang masabunutan ay gagawin nila kung wala lang kami ngayon sa itaas ng stage at wala sa harapan ng mga mayayamang tao.
“Carmelita Guzon is now sold to?” he asked raising his mic while gesturing at him to come up on stage. Bigla namang kumalabog ng malakas ang dibdib ko habang nakatitig sa kaniya, ang mga ngisi niyang nakakapangilabot pero nakapagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa ‘kin. Bawat hakbang niya ay napapalunok ako. Nakapasok ang isang kamay niya sa bulsa at panay hawi ng buhok niya. Nagsipalakpakan naman ang mga matandang lalaki sa ibaba. I let ouut a huge breathing, kinakabahan ako ng husto.
Kinuha niya ang mikropono at humarap sa ibaba ng stage. Gano’n lang din ang kaniyang paglalakad patungo sa ‘kin. Habang papalapit siya ay lalo kong nasisilayan ang gwapo niyang mukha. Ang matangos niyang ilong at magagandang ngiti na kahit sino ay maakit.
“I am Antonious De Vera,” he answered, introducing himself to everyone. Kahit boses ay ang gwapo. Ang mga panga niyang sexy kung gumalaw. He stared at me flashing his sweet yet playful smile. Parang biglang nahulog ang sulot kong panloob dahil sa makalaglag panty na ngiti na ‘yon. Sh*t! “Carmelita Guzon is mine now, no one can touch her ever,” he added using his commanding voice. Napayuko naman ako at kinagat ang ibabang labi ko.
Biglang may tumulak sa ‘kin patungo sa kaniya. Nagulat naman ako ng mabangga ako sa braso ni Antonious. I looked at Madam. He winked at me. Uminit ang pisngi ko ng biglang gumapang ang kamay ni Anton paikot sa beywang ko. I glanced at him, nakataas ang gilid ng mga labi niya.
“Sayong- sayo na siya, Sir Anton. ‘Wag niyo rin siyang pabayaan,” paalala ni madam sa kaniya. Kahit papano naman ay may malasakit din si madam sa ‘min, “Puwedi na kayong bumaba at dumeretso sa opisina para puwedi mo na siya mauwi kaagad ngayong gabi,” sabi niya. Nginitian ako ng malawak ni Madam na parang mabuti ang taong nakabili sa ‘kin. Sa wakas at makakatas na rin ako sa lugar na ‘to. Ayoko ng bumalik pa rito, ang lugar na ‘to ang nagbigay sa ‘kin ng bangungot.
“Of course, I will give all Carmelita’s want,” sagot niya saka ako hinila pababa. Nakaramdam naman ako ng kaginhawaan sa loob ko. Mukhang tama si madam, mabait nga talaga ‘to. Ano kaya ang magagawa ko sa kaniya? Hindi niya naman siguro ako aalilain hindi ba? Puwedi rin naman basta ‘wag niya na akong ibalik dito. Ito naman ‘yong purpose ng pagbibili nila ng mga babae, dahil gusto nila ng kasalo.
Inalalayan niya ako pababa ng stage. Palihim naman akong napangiti. Hinatak ko naman ang laylayan ng gown ko pataas dahil naapakan ko. Nakita ko ang malalagkit na titig ng iba sa ‘kin kaya nag- iwas ako ng tingin. Naninindig ang mga balahibo ko sa likuran ng leeg.
Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. Dumaan kami sa gilid ng stage at iminuwestra kami ng isang bouncer doon. Napatingin ako sa kaniya, napansin ko ang biglang pag- iba ng nmukha niya. Deretso lang siyang nakatingin at tila ay walang pakialam sa ‘kin.
I cleared my throat and wanted to start a conversation, “Salamat po, sir,” nahihiya kong sabi. Lumingon siya sa ‘kin gamit ang malamig niyang titig saka umiwas din.
“Call me Anton. Carmelita,” utos niya gamit ang matigas niyang boses, “At bakit ka magpapasalamat? This is human trafficking,” he said. Napayuko ako ng bahagya.
“Nagpapasalamat ako kasi magbabayad ka ng malaking halaga para lang mabili ako, ayoko ko na sa lugar na ‘to kaya salamat dahil hindi na ako mananatili dito,” mahaba kong sagot. Huminga ako ng malalim saka tiningnan ang reaksyon niya. Mukhang wala lang naman sa kaniya ang sinabi ko. Siguro hindi naman gano’n ka halaga sa kaniya ang pera. I nodded my head, trying to convince myself.
“It’s nothing. Beside you will still stay in a hell with me, Carmelita,” sambit niya. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya. Napalunok ako ng malaki. Parang unti- unting tumutubo ang sungay sa kaniyang noo. Ano ang kaniyang ibig sabihin? Magiging masama ba ang pagtira ko sa bahay niya?
Sobrang gulo ng isip ko habang nakasunod sa kaniya. Pinagbuksan kami ng bouncer ng pintuan kaya pumasok na kami sa office ni Mr. Chang. Nakita ko siyang nakaupo at ginagalaw ang upuan niya na parang kanina pa na naghihintay sa ‘min. Pagkarinig niya ng mga yabag ay doon na siya napaangat ng titig. Kasing lawak ng katubigan ang kaniyang mga ngiti. Binitawan ni Anton ang kamay ko at umupo sa upuan, umupo rin ako sa harapan niya.
“Mr. De Vera, it’s nice to see you again. Hindi ba sinabi ko sa ‘yo na makakapili ka ng maganda? Look at her,” aniya. Halos mawala ang mga mata niya sa ngiti. Inuuto lang naman niya talaga si Anton. Nag- iwas ako ng tingin habang tinututo ako ng kaniyang mga palad, “Bihisan mo lang ‘yan at sobrang ganda na, ‘di ba? Pero sa tingin ko ay mas maganda kapag hindi nabihisan,” bulalas niya. Mabilis akong lumingon sa kaniya. I almost p**e. Nakakainis talaga ang kalbo na ‘to! Ang sarap tasahin ang ulo. Nanggigil na ako sa kaniya.
Napayukom ang kamao ko, nakakainis talaga. Hindi ko rin naman siya makikita kaya hinayaan ko na. Bahala na siya.
“Let’s do this straight, Mr. Chang,” ani Anton. May kinuha siya sa loob ng coat niya at parang bored na bored. Nilabas niya ang mahaba at makapal na papel. He picked up the ballpen from the table at nagsulat sa papel na iyon. Nakita ko naman ang mga matagumpay na ngisi ni intsik. I played with my fingers. Ano ba ang sinusulat niya? Kinakabahan na tuloy ako.
“This is the payment,” he said. Napataas ang dalawa kong kilay. Nagtama ang paningin namin ni Mr. Chang, kinindatan niya ako, “’Wag na kayong makialam sa ‘min. I already payed for her,” matigas niyang dagdag. Ang boses niya ay parang galit.