Huminga ako nang malalim matapos makita ang sarili ko sa salamin. I am wearing red velvet long gown, nakaluwa ang malusog kong dibdib sa sobrang revealing ng damit na ito, habang sa ibabang bahagi naman ay kitang-kita mula kalahating beywang ko hanggang sa paanan. Hindi naman sa nahihiya ako sa suot ko pero kasi bibilhin rin naman kami bakit ko pa aayosin ang sarili ko? Alam kong maganda ako kahit hindi ako nag-ayos. Hindi na rin naman ako mapapakinabangan kapag meron nang nakabili sa ‘kin.
Napalingon ako sa likuran ko. I saw Mr. Chang smiling playfully at me. Yes, siya ang amo ko sa club na ito. Nakakainis siya at laging nakatitig sa ‘kin. I hate it. Nakakadiri. Kalbo siya, medyo mataba at matangkad. Siya ang boss dito. Hindi ko alam kung bakit wala pa ring nakakadiskubre sa illegal na ginagawa dito sa loob.
“Well, you look so beautiful tonight,” he said while grinning. He stared at me from head to toe. Nanindig ang balahibo ko sa buong katawan, lagi siyang ganiyan. Napairap ako ng patago, “Mukhang ikaw ang pinakamahal ngayong gabi,” dagdag pa niya. Tumaas ang dalawang kilay niya. Jackpot siya kapag nagkataon.
“Hindi natin malalaman ‘yan baka wala kang makuhang pera sa ‘kin” tago ang inis na sagot ko. Kinakabahan ako ngayong gabi. Natatakot ako sa mapupuntahan ko. Bakit kasi dito ako napunta, nagkautang tuloy ako ng malaki.
Mahina siyang tumawa, “Wala ka talagang bilib sa ‘kin, Carmelita,” tugon niya. He shake his head. I rolled my eyes, “Lumabas ka na nga do’n. Magsisimula na maya-maya lang.” Tinuro niya ang palabas ng pinto. Nakabusangot ang mukha niya habang inaayos ang salamin niya na nakapatong sa ibabaw ng ilong. Nagalit ata sa ‘kin. Bahala na, ang importante mawawala ako dito.
Hinayaan ko na siya sa loob ng dressing room. Wala naman ng tao doon sa loob, nasa backstage na sila lahat ako na lang ata ang hinihintay. Pagdating ko sa backstage ay nag-uusap ang dalawang kasama ko. Hindi naman kami close kaya hinayaan ko na lang.
“Oo, mayaman daw ‘yon, businessman din siya,” sabi ni Ysay. Tumili silang dalawa at nagtatalon sa excitement.
Magkahawak kamay sila habang nagngingitian na parang baliw, “Ano ba daw ang pangalan? Anong suot niya? Nakita mo?” tanong ni Au. Muntikan nang mapunit ng mukha niya sa ngiti.
Hindi ko napigilan ang sarili lumingon sa kanila. Hindi ko alam kung bakit naging interesado ako bigla. They were wearing silver and gold dress. Ang ganda naman nila, kailan lang sobrang mga ikli ang suot nila ah? Pekpek short ang tawag do’n saka spaghetti top.
“Kung tama ang pagkakainig ko ay Anton ata, narinig ko kay mommy Bek. Naka- long sleeve daw na maroon,” sagot sa kaniya ni Ysay. Nakakurba ng bibig at nakataas ang dalawang kilay. “Sana ako ang mapili niya! Ayoko sa matatanda ‘no!” sigaw niya. She even crossed her arms and rolled her eyes.
Au’s brows knitted, “Mas lalong ayaw ko. Pagod na ako sa kanila.”
Anim kaming lahat na tinawag sa harapan ng stage. We have numbers in our waist. I’m on number 3. We are 6 in total. Parang bigla akong nagdalawang-isip matapos makita ang mga lalaking nasa ilalim ng stage.
Marami akong nakikitang may katandaan na, nawala ang ngiti kong pilit matapos makita ang lalaking boring na nakaupo sa upuan. Nakasuot siya ng maroon na long sleeves, nakatupi hanggang siko niya. He is smirking. May hawak siyang number at ginagawa itong pamaypay. Brush up ang buhok niya at maayos ito tingnan. Halatang bagong shave ang beard niya. Ito ang sinasabi nilang Anton. Tama nga, rinig na rinig ko ang tili ng dalawa.
Unang tinawag si Mary. Nagpakilala muna siya. Little introduction lang. For bidding doon ako ginapangan ng kaba sa dibdib, pero nagtaka ako kung bakit hindi nagbi-bid si Anton. He stared at her lazily. Damn it, nabili si Mary ng 500 thousand, wala na kasing lumaban sa lalaking naka-tux. I think 30 plus lang siya. Kung ito lang ang magagawa ko para makalabas sa bar na ito ay gagawin ko, kaya kong ipagkanulo ang sarili ko. Sabi ng iba baka makachamba daw kami at mabait ang makakuha sa ‘min. I am hoping.
Bumuga ako nang malakas na hangin mula sa baga ko nang pangalawa na. Minsan napapapikit ako dahil sa kaba, parang gusto ko na lang na bumaba sa stage at sabihing ayaw ko na. Nakayuko ako habang pinaglalaruan ang kamay ko. Hindi ako mapakali, feeling ko magiging masama ang gabi na ‘to.
“Carmelita Guzon, please forward. Hindi kayo magsisisi, maganda ‘to at sexy,” sabi ni Madam. Napaangat ako ng tingin. I held my chest. Huminga ako nang malalim. I composed myself para naman hindi halatang nagulat ako.
Ilang hakbang ang ginawa ko. I felt lump on my throat. Inabot niya sa ‘kin ang mic saka tumango. He slightly smiled, he is a gay pero madam namin siya.
“I-I a-am--,” hindi ako nakapagsalita nang maayos. Ang lakas ng t***k ng puso ko.
“Booo!” sigaw ni Anton. Nakataas ang dalawa niyang paa sa gilid ng upuan niya. I glared at him.
“Pasensya na kayo kinakabahan lang siya,” paliwanag ni madam sa kanila. Tango lang at ngiti ang naging tugon nila maliban sa lalaking nagpunta lang ata dito para gawing pamaypay ang number card, “Sige na Camelita. Mabilis lang naman.”
Nilakasan ko ang loob ko. I gritted my teeth, “I am Carmelita Guzon, 25 years old. I can cook and clean. Hindi ,rin ako maarte,” sabi ko sa kanila. Meron akong nakitang nagtawanan kaya napangiwi ako.
“Alright, mabait ‘tong si Carmelita,” sambit ni madam, “The bidding will start now, from 50,000!” he shouted. Napatikom ang bibig ko. Sandali pang naging tahimik ang paligid. Naging isang minuto. Lalabas na sana ako kasi nakakahiya.
An old man raised his card, “50,000,” he said. Ngumiti siya sa ‘kin. Napangiwi ako. This is crazy.
“50,000 for number 23! Other bids? In one, t--,” someon cut him off.
“70,000!” sabi ng lalaking nasa dulo ng upuan. Nakahinga ako nang maluwag. Hindi siya gano’n katanda at may postura din siya.
“100,000!” pagbabalik ng matanda. Nakakainis ang isang ‘to.
Hanggang sa umabot ng million ang bidding. Napanganga ako. Halos lahat na ata sila ay nagtaas ng numero. Nakarinig ako ng mga bulong galing sa kasama ko. Pero ang nagpagimbal sa lahat ay pagsalita ni Anton.
“5 million!” sabi niya. Napatakip ako ng bibig ko. Tumayo siya at inayos ang damit na siguradong-sigurado na talaga na siya ang huling bid. He brushed up his hair and let out a playful smile.
“Hindi puwedi ‘to!” I heard Ysay and Au exclaimed. My eyes widened.