She crossed her arms raising her brows at us. Humakbang siya papasok kaya napaatras ako. Hinapit ni Anton ang beywang ko kaya napadikit ako sa kaniya. "Paano ka nakapasok dito?" matigas na tanong ni Anton. Tumawa si Dara sa kaniya, "Bakit sa tingin mo gano'n ka loyal ang mga tao sa 'yo? Bigyan mo lang sila ng pera para na silang aso na nauulol," sagot niya. Napasinghap ako at nagtakip ng mukha. "Mom, you are too much!" Anton shouted. Bahagya akong napapikit at tumingin sa sahig. Ayoko siyang tingnan dahil natatakot ako. "Bakit, Anton? Takot kang malaman niya?" she smirked mockingly. Kumunot ang noo ko. Eto na naman siya. Iniiwan akong walang alam sa ere. Humigpit ang hawak ni Anton sa beywang ko. "STOP IT!" sigaw niya, "Wala ka nang ginawa kung 'di sirain ang buhay ng anak at as

