Napaluhod ako habang umiiyak. Nakatakip ang mga labi at hindi makapagsalita. Nanginginig ng husto ang mga labi ko habang malakas at hindi makapaniwalang imposible pala talagang mangyari ito. Sunod-sunod na lumandas ang mga luha ko. Walang tigil at hindi ko maaninag ang nakikita ko. "'WAG NA 'WAG MO AKONG SIGAWAN, ANTON! ISA KA RING INUTIL! SINABI KO NA SA 'YO NA HINDI KA PUWEDING MA- IN LOVE SA KANIYA! KAGAYA KA LANG DIN NG DADDY MO!" yumuyupos sa galit ang boses ni Mrs. De Vera. Lalo lang akong napaiyak. Niyakap ako ni Anton mula sa likuran. "ANONG MAGAGAWA MO?! MAHAL NA MAHAL KO SIYA! PINARAMDAM NIYA SA 'KIN KUNG PAANO ALAGAAN, HINDI KAGAYA MO NA PURO LANG PAG- AALIPIN SA ANAK MO!" tugon ni Anton. "B-Baby," natataranta niyang bulong. Napahikbi ako ng malakas. Ang sakit ng dibdib

