Carmelita's POV Napatingin ako sa kisame. Kahit anong limot ko sa nangyari ay paulit- ulit pa ring pumapasok. Bumuntong- hininga ako. If love can kill, sana matagal na akong namatay sa sobrang pagmamahal sa kaniya. Pero 'yong may bumabagabag sa 'yo, 'yon iyong bagay na hindi mo makamalimutan. Patuloy kang babangungutin sa mga salitang 'yon. "Tanongin mo si Anton kung ano ang totoo. Hindi marunong magmahal si Anton kaya 'wag kang umasa na mahal ka niya, hampaslupa!" kumirot ang puso ko. Sa dami nang sinabi niya ay 'yon ang tumatak sa isipan ko. Wala na akong iluhang ilalabas pa. Tuyo na tuyo na ang tubig sa katawan ko. Ang daming bumabagabag sa 'kin. Nami- miss ko na si Anton. Kamusta na kaya siya? Bumuntong- hininga ako saka umupo sa kama. Biglang umikot ang mundo ko kaya napatakip

