Niyakap niya ko mula sa likuran. Hindi ako makagalaw. Nanlalambot ang pakiramdam ko na gusto kong yakapin siya pabalik. Hindi pa kami nakakaalis sa loob ng banyo. Napayuko ako at hinawakan ang kaniyang mga kamay na nakapulupot sa tiyan ko. Ayaw niya akong bitawan. "Baby, please listen to me," he said. Lumandas ang mga luha ko kaya agad ko itong pinunasan. Nakakahiya, umiiyak na naman ako. Napatingin ako sa itaas para ibalik ang mga luhang nagbabadya, "Mahal na mahal kita." Umiiyak ako habang ngumingiti. Perong parti sa 'kin na nasisiyahan pero meron rin na kumikirot. "Anton," tanging lumabas sa mga labi ko. Humigpit ang yapos niya sa 'kin. "Baby, hindi mo ako iiwan, 'di ba?" tanong niya. Pinilit kong alisin ang mga braso niya pero ayaw matanggal. Ayaw niya itong tanggalin, "Anton,

