"Wala rin namang nagkakagusto sa 'kin, Ben. They all want my money," I said loudly. Nilunod ko ang sarili ko sa inumin. Tinapik niya ang balikat ko. "Sa tingin ko hindi naman lahat. Hindi mo nga alam kung sino ang gusto mo," sagot niya. Napayuko ako. I messed my hair. Wala akong gusto, hindi ko siya magugustuhan. No way. Umiikot na ang mundo ko pero mulat na mulat pa rin ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong oras na, baka hinihintay na ako ni Carmelita. "A- Ako na ang bahala dito, Ben. Kaya ko na," sabi ko at winakli ang kamay niya sa balikat ko. "Are you sure?" tanong niya ng may pag- aalala. Ben is my colleagues. My best friend. Ngumiti ako sa kumaway. "Oo, kaya ko na. Kilala mo naman ako," sagot ko saka tumawa. Napakamot siya ng ulo na parang nag- aalangan. Sumenyas ako sa

