“Ah…oo, Anton. Iyong- iyo lang ako,” sagot ko na wala sa sarili. Nagulantang kaming dalawa ng biglang may tumama sa kotse na kung ano. Napatakip ako ng bibig ng makitang si Au iyon. Maitulak niya ang matandang lalaking kasama niya. She covered her body. Tinted ang kotseng ito kaya hindi niya kami nakikitas sa loob.
“What the f*ck is happening?” Anton asked angrily. I bite my lower lip. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya at tiningnan ang nasa labas. Gulong- gulo ang buhok ni Au habang nakatayo. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. I covered my chest at itinaas pabalik ang napunit na damit. Nakita ko ang paggalaw ng panga ni Anton habang nakatitig sa labas.
Akma siyang lalabas ng pigilan ko ang kamay niya. Napatingin siya sa ‘kin.
“’Wag na, Anton. Baka madamay ka pa,” sabi ko na may kaba ang boses. Winakli niya ang kamay ko at hindi nakinig sa ‘kin. Lumabas siya ng kotse at sumunod ako. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Au na tumakbo patungo sa ‘kin. Umiiyak siya.
“Carmelita, t-tulungan mo ako! A-Ayoko ko sa kaniya,” sabi niya sa gitna ng kaniyang paghikbi.
“Mr. De Vera, puwedi bang ‘wag na lang kayong makialam? Dapat kanina pa kayo umalis,” sabi ng matandang kulay puti ang kaniyang buhok. Nakasuot siya ng itim na tux at halata namang mayaman.
“Au,” sabi ko. Hindi ko naman alam kung paano siya kakausapin. Ayaw umalis ng kamay niya sa ‘kin.
“Yeah, I’m sorry. Ano ba ang nangyari?” tanong ni Anton at napamulsa. Tumingin siya sa ‘kin.
“Hindi niya matanggap na ako ang nakabili sa kaniya,” sabi niya. Kumuha siya ng sigarilyo mula sa bulsa niya at nilagay sa pagitan ng kaniyang bibig. Sinindihan niya kaagad ito, “Au, halika na. Kapag hindi ako makapagtimpi sa ‘yo, makakatikim ka sa ‘kin,” pagbabanta niya. Humigpit naman ang pagkakayakap ni Au sa ‘kin.
“Au, sige na. Umalis ka na, ‘wag ka ng choosy,” bulong ko. Maldita nga siya oo, lagi din nila ako pinagdidiskitahan pero hindi sa oras na ito. Kapag nagkamali sa kanila baka magiging iba ang trato nila.
Umiling siya sa ‘kin, “A-Ayoko!” nagulat ako ng bigla niya akong tinulak at tumakbo patungo kay Anton. Lumuhod siya sa harapan nito. Napasinghap ako. Anong gagawin niya?
“A-Anton! Ako na lang ang kunin mo. Magaling ako sa kama,” sabi niya. Napahawak ako sa noo ko. Nababaliw na ba siya? “Promise ko sa ‘yo, masisiyahan ka sa ‘kin,” aniya. Anton looked at me. Dahan- dahan niyang kinuha ang kamay ni Au na nakahawak sa kaniya.
“Carmelita, pumasok ka na sa kotse,” utos niya sa ‘kin. I nodded my head. I heard the old man laugh at her.
“O-O Sige,” nauutal kong sagot.
Binuksan ko ang pinto pero naiwan ang paningin ko sa kanila. Hindi ko na masyadong marinig ang kanilang usapan kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko. Narinig ko na lang ang pagbukas ng pintuan , alam kong siya na ‘yon. Umandar na ang kotse.
I glanced at him, “Nasaan na sila?” tanong ko.
“Don’t mind them,” sabi niya. Umalis na kami sa lugar na ‘yon. Napatingin ako sa damit kong napunit. Bumuntong hininga ako saka ito tinali.
Naging tahimik kaming dalawa sa byahe. Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Nakatingin langa ko sa labas ng bintana. Ngayon lang ako nakasakay sa ganito ka komportableng kotse. Mahigit sa sampung minuto at huminto ang kotseng sinasakyan namin.
“Sumunod ka sa ‘kin,” sabi niya. Binilisan ko naman ang paglabas at baka maiwan ako. Nakita kong nasa isang damitan kaming dalawa. Nakakahiya naman at napunit ‘tong damit ko. Nakasunod ako sa kaniya na parang buntot, patingin- tingin sa paligid. May kinuha siyang damit at itinapat sa ‘kin. Kinuha iyon ng isang babaeng pangiti- ngiti sa kaniya. Umirap ako. Kainis, ano ‘yon? Hindi lang pala sa bar merong ganiyan, e.
Ang dami niyang kinuhang damit at hindi ko na mabilang. Tiningnan siya pa lang sa ‘kin ay alam na niya kung ano ang size ko. May kinuha siyang tsenilas at pinakita sa ‘kin.
“Kasya ba ‘to sa ‘yo?” tanong niya. Huminga ako ng malalim saka kinuha sa kamay niya. Ito nga ang size ko. I nodded my head.
“Oo, Anton,” sagot ko.
“Sige isuot mo na ‘yan, doon ka na lang umupo at babalikan kita mamaya,” bilin niya. Nanatiling walang ngiti sa kaniyang mga labi pero okay lang sa ‘kin ‘yon. Tinuro niya ang mga upuan kung saan nagsusukat ang mga bumibili ng sapato o kaya ay tsenilas.
Hinubad ko na ang suot kong heels. Kitang- kita ko ang pamumula ng paa ko. Minasahe ko ito ng marahan. Nakahinga rin siya sa wakas. Sinuot ko na ang tsenilas at itinabi ang heels na gamit ko kanina. Nakita ko siyang pabalik- balik sa kung saan at namimili ng damit.
Hindi ko alam na ganito pala siya kagaling. Lalaki siya at bihira lang na makakita ng lalaking marunong ng mga damit pambabae.
Hinintay ko siya sa upuan ko hanggang sa natapos na siya. Sinabihan niya akong magbihis ng dress at itapon na lang ang damit. Sayang ang gown na ‘to pero kung sinabi niya dapat ko iyong sundin. Pumasok na ako sa loob ng fitting room. Kulay beige ang damit na binigay niya. Ang ganda tingnan. Nalaglag ang prize tag ng damit kaya pinulot ko ito.
Parang bigla akong nalula matapos itong pulutin. Napamura ako sa isip ko.
5 thousand pesos para sa dress na ‘to. Tama ba ‘tong nakikita ko?
Nakarinig ako ng katok mula sa labas.
“Matagal ka pa ba? We have to go home, Carmelita! I’m tired,” sabi niya.
“Tapos na ako! Teka lang,” natataranta kong sagot. I can’t believe this. Ang mahal ng mga damit. Ilan kaya lahat ang kinuha niya?