Chapter 5

1004 Words
Napahanga ako ng huminto kaming dalawa sa isang matirik na building. Isang condominium. Pagpatay niya ng kotse ay hinubad ko na ang seatbelt at baka iwan na naman niya ako. “Dalhin mo na ang lahat ng gamit sa likuran,” uto niya. Tumango ako bilang tugon. Sa totoo lang ay sobrang dami ng mga paperbags na nasa likuran at hindi ko alam kung madadala ko ang lahat ng iyon. “Sige, Anton. Ako na ang bahala,” sagot ko. Lumabas na ako ng kotse at binuksan ang backseat. Inisa- isa kong kinuha ang mga paper bags at pinasok sa braso ko, sobrang dami kasi talaga. Kaya ko ‘to. Napuno na ata ang mga braso at isa na lang ang natitira. Hindi ko na magpagkakasya. Tumingin ako sa kaniya. Nakatayo siya at naghihintay sa ‘kin habang nakapamulsa. Astig din, e. “Ako na ang magdadala ng isang ‘yan,” sabi niya. Napatikom ang bibig ko, ang isa lang talaga ang dadalhin niya? Hindi ako makapaniwalang sumunod sa kaniya dala ang sang samakmak na damit na ‘to. Assistant ba ako? Napatingin sa ‘min ang mga nadadaanan naming mga tao. Gabi na, hindi pa ba sila matutulog? Nakakainis. Napalabi ako hanggang sa pumasok kaming dalawa sa loob ng elevator. Tinandaan ko lahat ng kaniyang pinindot para alam ko na kung saan ako pupunta sa susunod na may gagawin ako at utusan niya. Napangiwi ako habang nangangalay ang mga braso ko sa pagod. Ang sakit, meron pa kasing mga sapatos at sandals, e. I groaned silently. He glanced at me raising his brow. Umayos naman ako ng tayo saka napalunok. Malapit na kami, kaya ko ‘to. I bite my lips, kunti na lang ay magdurugo na ‘to. Napatingin ulit ako sa dala niyang isang paper bag. Nakakainis, hindi niya ba ako aalukin ng tulong? Tsaka, sino ba naman ako? Binili niya ako para sa pansariling dahilan. Napabuga naman ako ng malakas na hangin ng sa wakas ay bumukas na ang pintuan ng elevator. Lumpasay na ang balikat ko at wala na ring lakas ang braso ko. Ang bagal niya pang maglakad na parang sinasadya ang lahat ng ‘to. “Matagal ka pa ba? Malayo pa ba tayo, Anton?” tanong ko sa kaniya. I heard him chuckled, “Almost there, Carmelita,” he answered. Napalabi ako. Ito ba ‘yong kapalit ng 5 million na ‘yon? At least ‘di ba? Wala ng ibang mambabastos sa ‘kin sa bar na ‘yon. Wala na akong nagawa kung ‘di hinaan na rin ang paglalakad ko. Mabuti na lang talaga at nakapagbihis na ako ng damit kung ‘di ay lalo lang akong mapapagod sa heels na ‘yon. Finally, we stopped. Pinakita niya sa ‘kin ang passcode ng pintuan. Pumasok na kami. Nagmadali naman akong naglakad at nilapag ang mga dala ko. Napaupo ako sa couch at nakasandal ang likod. Ang sakit ng mga braso ko. “You can sleep in the other room, Carmelita. Magpapahinga na ako, ‘wag mong kalimutan na magluto bukas,” bilin niya. “Sige, Anton. Masusunod,” ani ko. Nakasunod ang titig ko sa kaniya hanggang sa pumasok siya sa kwarto niya. Hindi ko na nagawa pang magtingin- tingin sa loob ng bahay niya dahil napapagod na rin ako. Pinasok ko na ang lahat ng damit na binili niya. Sinara ko ang pintuan at pumasok sa banyo, mas malaki pa ata ang banyo na ‘to sa tinutulugan naming kwarto. Naghilamos ako ng mukha para matanggal ang make up sa mukha ko. Nang mahawakan ang aking mga labi ay naalala ko ang paghahalikang pinagsaluhan namin kanina. I nibbled my lower lip, ang sarap niyang humalik. Bago pa akong magsimulang pantasyahan siya ay lumabas na ako ng kwarto. Ito na ata ang magiging komportableng tulog na magagawa ko sa buong buhay ko. Sumampa na ako sa isang malambot na kama. I wrapped the thick white comforter in my body. I closed my eyes while smiling. Pagbubutihin ko ang magiging trabaho sa kaniya. Tuluyan na akong hinila ng antok, samahan mo pa ng pananakit ng katawan. Kinaumagahan ay nagising ako ng sobrang masaya. Hindi masikip na kwarto at hindi amoy ng alak ang bumungad sa ‘kin. Tumayo na ako at inayos ang aking higaan. Pagkatapos no’n ay naghilamos ako ng mukha. Paglabas ko ay binuksan ko ang kurtina sa kwarto ko. Paglabas ko ng kwarto ay hindi pa siya nagigising. Dumeretso ako sa loob ng kusina at kumuha ng puweding lutuin. Nagsaing ako ng kanin at nagluto na lamang ng bacon at itlog. Dahil alam kong maya- maya ay lalabas na siya. Nilagay ko na ang ulam sa mesa. Nagpunas ako ng kamay sakto naman na nakita ko siyang dumaan. “Carmelita, prepare a coffee please. Black coffee with sugar!” utos niya na pasigaw. “Opo, maghahanda na ako!” sagot ko. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya nagtaka ako kung saan siya pupunta. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ‘yon at naghanda ng gusto niya. I tasted the coffee I stir, “Hmmm…tamang- tama,” bulong ko sa sarili. Ipinatong ko na ‘to sa platito at nilapag sa mesa. Kukuha sana ako ng tinapay sa fridge pero walang laman. Naghanap ako sa kabinet sa taas pero wala din. Sa huli ay kumuha na lang ako ng walis at naglinis sa labas habang hinihintay na maluto ang kanin. I heard the door opened. I saw him holding a bread. Napangiti ako sa kaniya, “Nasa mesa na ang kape mo, Anton. Kunin mo na lang do’n,” sabi ko. Napatitig ako sa kaniyang magandang katawan. Wow, ang hot niya suot ang loose na sando. Kitang- kita ang kaniyang malaking dibdib. Kumunot ang noo niya, “Inuutusan mo ba ako?” tanong niya. Ang talim ng mga salita niya. Napayuko naman ako dahil sa sinabi niya. Masyado ba akong kaswal? “Kunin mo sa kusina, Carmelita, at dalhin mo dito sa sala,” sabi niya. Napatikom ako ng bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD