Chapter 6

1008 Words
Kumunot ang noo niya, “Inuutusan mo ba ako?” tanong niya. Napayuko naman ako dahil sa sinabi niya. Masyado ba akong kaswal? “Kunin mo sa kusina, Carmelita, at dalhin mo dito sa sala,” sabi niya. “Pasensya na, Anton,” sagot ko. I bite my lower lips while dropping the thing that I am holding. Nagmadali akong naglakad patungo sa kusina. Nagpahabol siya ng butter at butter knife nasa loob daw ng ref. Agad ko naman itong kinuha, malapit na rin naman maluto ang kanin. Pagbalik ko ay nanonood siya ng telebisyon habang nakaupo. Balita ang palabas. Maingat ko itong nilapag sa harapan niya. “Pagkatapos mo diyan, paki- plantsa ng damit ko. Nasa kama ko siya,” sabi niya. I nodded my head. “Sigepo,” tugon ko. Binilisan ko na ang paglilinis. Hindi naman gano’n ka dumi ang kaniyang bahay, hindi din siya gano’n ka laki kagaya ng kung gaano kalaki ang pera na meron siya. Siguro dahil humble siya, at ayaw niya ng malaking bahay. Tamang- tama lang naman ang bahay na ‘to para sa ‘ming dalawa. Walang ibang tao, e. Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakita kong nakakalat ang mga damit niyang sinuot kagabi sa sahig. Isa- isa ko itong pinulot at nilagay sa lalagyan. Ang laki ng kwarto niya, kagaya lang din ng sa ‘kin pero ‘yong sa kaniya ay madaming gamit. Kagaya ng mga libro at computer. I picked up his clothes. Hindi ko mahanap ang kabayo at plantsa niya. Sumilip ako sa pintuan saka siya tiningnan na humihigop ng kape. “Anton, hindi ko makita ang kabayo at plantsa!” malakas kong sabi. Napalingon siya sa ‘kin habang nakataas ang kilay. Binaba niya ang hawak na tasa. “Nasa ilalim ng kama ko,” sagot niya. I nodded my head. Dumapa ako sa sahig saka ito hinanap. “Andito nga siya.” Pinunasan ko muna para makasiguradong malinis. I ironed it and hanged it, kasama ang kaniyang pants at necktie. Grabi, araw-araw bang ganito ang kaniyang suot? Ang gwapo naman niya. Ang hot nga niya na nakasando lang siya, paano pa kaya kung maging pormal siya ‘di ba? Humalukipkip ako habang nakaharap dito. “Carmelita! Matagal ka pa ba diyan?” pasigaw niyang tanong. Nataranta naman akong naglakad palabas ng kwarto niya. Nakita ko siyang nakatayo at hawak ang remote ng TV. He turned it off. “Bakit, Anton? May iuutos ka ba ulit?” tanong ko. I clasped my hands together. Masyado yata akong natagalan sa pag- iisip ng itsura niya kung nakasuot siya ng pormal na damit. His brows knitted, “Maghanda ka na ng pagkain, maliligo lang ako,” sagot niya. “Okay, maligo ka na. Ako na ang bahala dito,” sambit ko. Tumalikod na ako para magpunta ng kusina. Tahimik lang akong naghanda ng pagkain. Inayos ko ito ng mabuti. My stomach suddenly growl. Napahawak ako dito. Kanina pa ako galaw nang galaw at naglinis kaya siguro nagrereklamo na ang tiyan ko. Umupo ako sa isang upuan. Hihintayin ko na lang siya dito sa kusina. Ilang minuto pa ang lumipas ng maisipan kong magtimpla ng juice. Konti na lang din ang laman ng ref niya, siguro kailangan kong sabihin sa kaniya na maggo- grocery ako. Umayos ako ng upo ng makarinig ng mga yabag niya. Nilagay ko ang pinggan siya sa unahan na parang haligi ng tahanan. Medyo lumayo lang ako sa kaniya dahil nahihiya ako. Kumurba ang labi ko ng makita siyang nakatayo habang inaayos ang kaniyang necktie. Kuminang ang mga mata ko ng makitang ang gwapo nga talaga niya. Nakaayos ng mabuti ang kaniyang buhok at tila ay may gaganaping importanteng selebrasyon. Syempre, businessman nga siya, Carmelita. “Nakahanda na ang pagkain, Anton. Maupo ka na,” sabi ko. Matamis akong ngumiti. “Why are you there?” he asked pointing me where I sat. Kumunot ang noo ko. “A-Ano ang ibig mong sabihin?” nauutal kong tanong. Mali ba ang inupuan kong bangko? I looked at the chair, baka out of order ‘to, hindi puweding gamitin pero wala naman akong nakitang sira. Natigilan ako sa sinabi niya, “You can’t eat with me, kumain ka na lang pagkatapos ko,” aniya. Napaawang ang mga labi ko habang nakaestatwa sa kinauupuan ko. Ano daw? “A-Ano ‘yon?” malamya kong tanong. Napailing siya na may inis sa kaniyang mukha. “I said, you can’t eat with me, Carmelita. Mamaya ka na kumain kapag tapos na ako,” pag- uulit niya ng sinabi. Bahagya akong nasaktan sa sinabi niyang ‘yon, “Now please, go out and wait for me outside,” sambit niya at tinuro direksyon palabas ng dining. Huminga ako ng malalim saka tumango. Tumayo na ako habang nakayuko. Ang bigat ng mga hakbang ko palabas ng lugar na ‘yon, ramdam ko ang mga titig niya sa likuran ko. Nanatili ako sa sala at nakaupo. Umasa naman akong maganda ang ita- trato niya sa basurang kagaya ko na pinulot niya lang naman sa bar. Bumigat ang paghinga ko. Masasanay din ako nito hanggang sa huli, kailangan ko lang naman na sundin ang mga utos niya sa ‘kin hanggang sa magsawa na siya sa ‘kin. Nakita ko ang coat at handbag niya sa couch. Nakatitig lang ako dito, napayukom ang kamao ko pero agad ko ring inalis. Hindi dapata ko nagagalit sa kaniya. Binili niya ako, kaya niyang gawin ang lahat sa ‘kin. Mabuti nga at hindi niya ako sinasaktan. Maybe he just want a maid and I will be. Mapait akong ngumiti. Narinig ko ang pagkalabog ng mga pinggan sa loob. Sabi niya hintayin ko siya dito kaya pumirmi ako. So ayon nga, Lumabas na siya. He looked at me. “Kumain ka na, ‘wag mong kalimutang maglinis ng mabuti at magpunas ng mga marurumi, okay?” sabi niya sa ‘kin habang nagpupunas ng bibig. “Okay,” sagot ko. Tinuro niya ang coat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD