Chapter 7

1236 Words
“Isuot mo sa ‘kin,” utos niya. Nagmadali naman akong tumayo ay pinulot ang coat niya, “Tandaan mo na dapat mo ‘tong gawin bawat umaga kasi nagtatrabaho ako,” bilin niya. Unang araw pa lang ‘to kaya sinasabi niya sa ‘kin ang mga gagawin. I nodded my head. Sinuot ko ito sa kaniya at binigay ang handbag niya, “Aalis na ako,” aniya. I waved my hand from side to side. I don’t know why I am doing this, hindi naman niya pinapansin. I pouted my lips while dropping my hand. Tumungo na muna ako para kumain. Nagugutom na kasi talaga ako. Pagkatapos no’n ay naglinis na ako ng buong bahay. Wala na kaagad akong ibang ginawa kung ‘di ayusin ang mga gamit ko na binili niya para sa ‘kin. “Nalimutan ko pa lang sabihin sa kaniya na kailangan na naming mag- grocery, siguro mamaya na lang,” bulong ko sa sarili. May nakita rin akong underwear dito, I tried it. Napakunot ang noo ko dahil tamang- tama lang din. Paano niya nalaman? Gano’n ba siya katalino na pati size ng bra ay alam niya? Grabi naman pala ang isang ‘to. Kinagabihan ay nagluto ako ng manok para maging ulam namin. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya dali- dali ko siyang sinalubong. Nakita ko ang pagod niyang mukha. “Magandang gabi, Anton,” masigla kong bati sa kaniya. Kinuha ko ang bag na dala niya dahil may kabigatan ito at nilapag sa couch. Minasahe niya ang noo niya. Tama kayo, wala kong natanggap na pagbati mula sa kaniya. I unhooked his button and taking off his coat, “Talikod ka,” marahan kong utos. Tumalikod naman siya. Tuluyan ko ng nahubad ang coat niya. Hinila ko siya papaupo sa couch para makapagpahinga. “Gusto mo bang masahiin kita?” tanong ko. He shook his head, extending his feet. Nag-iinat- inat siya. “No, thanks. Pakitanggal na lang ng sapatos ko saka pakikuha ng tsenilas ko sa kwarto,” sagot niya. Lumuhod ako sa harapan niya. I pressed my lips together. I don’t want to give this a big deal. Sanay na ako sa mga gawaing ito. Hinubad ko ang sapatos niya. Narinig ko ang pag-andar ng telebisyon. “Carmelita, dito na lang ako kakain sa labas,” aniya. “Okay, dadalhin ko na lang dito,” mabilis kong tugon. Kinuha ko muna ang kaniyang tsenilas sa kwarto saka bumalik sa gawi niya. Nilagay ko na lang sa sahig saka hinakbang ang mga paa ko patungo sa kusina. Naghanda na ako ng pagkain para sa kaniya dahil alam kong hindi rin naman ako makakain na kasama siya. Nakita ko siyang nakahiga sa couch. Maingat kong nilapag sa mesa ang mga pagkaing hinanda ko kasama ang mga prutas na natira do’n. “Kumain ka na, Anton,” malambing kong sabi. Agad naman siyang umupo sa ibabaw ng couch at hinarap ang pagkain. Nilagyan ko ng tubig ang baso niya. Minsan ay hindi ko maialis ang mga titig sa kaniyang habang siya ay kumakain. Napaupo lang ako at hinihintay ang magiging utos niya. “Siya nga pala, wala na kasing stock sa loob ng ref. Kung puwedi lang gusto ko sanang mag- grocery bukas,” nag- aalangan kong sambit. Napaangat siya ng tingin sa ‘kin at agad din namang binaba sa kaniyang pagkain. “Alright. You can do that tomorrow, mag- taxi ka na lang. I’ll give you my card tomorrow before I go out,” he answered. Napangiti naman ako. Nasabi ko rin, wala na kasing ibang maluto do’n maliban sa can goods. Sa tingin ko ay hindi niya magugustuhan ‘yon. “Okay, salamat,” masigla kong sambit. Napasandal ako sa backrest ng sofa. Napalabi ako habang nakatitig sa telebisyon. Uminit ang pisngi ko ng sumaktong naghahalikan ang dalawang bida sa pelikula. Bigla ko tuloy naalala kung paano niya ako hinalikan, ang malambot at matamis niyang labi. I bite my lower lip. Bigla akong napahinto sa pagpapantasya ng biglang namatay ang telebisyon. Napakunot ang noo ko. “Brown out ba?” tanong ko. I roamed my eyes, hays hindi naman namatay ang ilaw. I looked at Anton. Nag- iwas ako ng tingin matapos kong makitang nilapag niya ang remote sa tabi niya. Sinadya niya palang patayin ang TV. Hindi ko alam kung bakit niya ‘yon ginawa pero merong parte sa ‘kin na nainis a kaniyang inasal, “Sabihin mo na lang kung ayaw mo akong nanonood ng TV,” hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin ‘yon sa kaniya. I crossed my arms around my chest. He glared at me. Napalunok naman ako ng malaki. Ang dilim ng tingin niya, his jaw clenched, “I don’t want you to watch television,” he said using his serious tone. Walang halong biro ang kaniyang mukha. Pain inked inside me. “Bakit pa ako nandito?! Sabihin mo na lang kung ano role ko sa bahay na ‘to!” gustong- gusto ko mang isigaw ‘yon sa kaniya pero hindi ko magawa. Napayukom na lang ang mga kamay ko na nasa taas ng mga hita ko. Huminga ako ng malalim at napayuko. Hindi ko nagawang sabihin ‘yon dahil wala akong karapatan. I smiled bitterly. Okay lang ‘yon. Hindi naman ako nasaktan, hindi rin naman kami nanonood ng TV do’n. I stared at him and smiles, “Sabihin mo na lang sa ‘kin kung ano ang hindi mo gustong mga gawin ko, Anton. Pasensya na,” mapait kong tugon saka tumayo mula sa upuan ko. Binaba ko ang paldang napaangat, “Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka at kung tapos ka na,” sabi ko bago ako umalis sa gawi niya. Hindi man lang niya ako tiningnan sa mga mata o ‘di kaya ay sumagot. Parang wala lang ako dito, mukha nga akong hangin lang. Dumeretso ako sa kusina at umupo sa upuan. Napasabunot ko ng sariling buhok. Kung siya ang makakasama ko, mabibingi na talaga ako. Pagkatapos niyang kumain ay nagligpit na ako ng mga pinagkainan niya. Doon na ako nagkaroon ng pagkakataon para kumain. Ang sarap pala ng mga niluto ko. Hmmmm… ** Kinabukasan ay naging gano’n na ang routine ko. Ipagtimpla siya ng kape, magplantsa ng damit niya at maghanda ng kaniyang breakfast hihintayin siyang makaalis ng bahay bago ko pa man matapos ang lahat ng gawaing bahay. Sinuot ko na sa kaniya ang kaniyang coat saka ko ito binutones. Binigay ko sa kaniya ang bag niya. “Mag- ingat ka,” sabi ko. May kinuha siya sa bulsa niya. Nakita kong nilabas niya ang bumubukol niyang wallet. “This is my card,” he said. Inabot niya ito sa ‘kin at kinuha ko naman ito. Kulay itim siya. Sinabi niya rin sa ‘kin kung ano ang pin ng card na ‘to, “Grocery lang, Carmelita. Kapag nalaman kong may iba ka pang pinuntahan ay malilintikan ka sa ‘kin,” dagdag niyang sambit. Hinawakan kong mabuti ang card saka tumango, “Alam ko, Anton. ‘yon lang naman ang ipupunta ko do’n,” sagot ko. Ang lamig ng mukha niya habang binabalik ang wallet sa bulsa, “Alright, bumalik ka kaagad sa bahay na ‘to. Don’t talk to strangers,” aniya. Kumaway ako sa kaniya habang naglalakad siya paalis ng bahay. As usual ay hindi naman niya ito pinansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD