Nakapostura at magkahasak ang kamay. Nakaayos ang ang buhok at elegante ang nga damit. Si mommy ang pinakaayaw kong makita ngayon. Ayokong marinig ang boses niya. Pagtama ng paningin naming dalawa ay ngumiti siya. Napayuko ako. "Magandang hapon, mommy!" bati ko. "Hi po, tita," sabi naman ni Ben. Habang nakayuko ay tiningnan ako ni Ben. Sobrang istrikta ni mommy at nakakatakot, kahit mga kaklase ko noon ay ayaw sa kaniya. "Mukhang hindi naman kayo busy," sabi ni mom. Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Nakataas ang dalawa niyang kilay. Nanununtok na ang mga titig niya sa 'kin. "Ah- ang totoo po, tita, kakagaling lang namin sa isang meeting. Bro, mauna na ako ah? Bibigyan ko na muna kayo ng oras ng mommy mo," sabi ni Ben. Napangiwi ako. Parang gusto ko siyang hilahim pabalik dito sa t

