TAPOS na ang duty ni Rachel. Nasa waiting shed siya at nag-aabang ng masasakyan nang may pumaradang black Eclipse sa kanyang harapan. Ang nakangiting mukha ni James ang sumungaw roon nang bumaba ang salaming bintana. “Ihahatid na kita.” Iyon lamang at mabilis na itong bumaba ng kotse at maagap na ipinagbukas siya ng pinto. “No, thank you na lang,” tanggi naman niya. Mabilis din siyang tumalikod at gumawi sa ibang lugar. Napansin niyang ang ilan sa mga nurses na naroroon at nag-aabang din ng masasakyan ay tila nagtatakang napatingin sa kanila. “Kaya ako narito ay para sunduin ka talaga,” sabi ni James na ilang saglit lang ang pinalampas at sinundan din siya. “Bakit? Nagpapasundo ba ako sa iyo?” mataray naman niyang tugon dito. Pinara niya ang unang dumaang jee

